Para kay Jollie......ang aking pinakamalapit na kaibigan dito sa Australia na binigyan ko ng kopya ng pinakapaborito kong akdang Desiderata- na nakadikit sa isang maliit na pirasong tabla,...subalit ang nais ay ang Filipino version nito.Sana'y magustuhan mo ang salin kong ito. Print mo nalang, bro.
Sa gitna ng maingay at matuling takbo ng buhay, maging mahinahon at palaging alalahaning may katiwasayang hatid ang katahimikan. Hangga’t maari, sa abot ng iyong makakaya, makibagay sa lahat ng tao.
Ihayag ng matahimik ngunit malinaw ang iyong mga paninindigan at pananaw, at makinig sa panig ng iba, ang kanilang mga kwento'y iyong igalang, kahit ang mga musmos o di kaya’y mangmang. Iwasan ang mga taong maingay at masalita, magagambala lamang nila ang iyong maayos na diwa.
Huwag ihalintulad o ihambing ang iyong sarili sa iba, maaari mo lamang matuklasan ang iyong mga kahinaan at tuluyang mawalan ng kabuluhan; sapagkat sa mundong ito may mga taong sadyang mas nakaaangat at mas mababa kaysa sa iyo.
Ikalugod ang iyong mga natamong tagumpay, at magalak sa iyong mga hangarin. Mahalin ang iyong hanapbuhay at ipag-imbot ang iyong pinag-aralan nang may kababaang-loob; sapagkat sa patuloy na pag-ikot ng gulong ng buhay ito’y mananatiling iyong pag-aari.
Maging maingat sa lahat ng mga bagay na iyong papasukin sapagkat ang mundo’y nababalot ng paglilinlang. Ngunit patuloy mong buksan ang iyong mga mata sa mga kabanalang nariyan; marami namang mga taong nagsusumikap gumawa ng kabutihan at kahit saan ay may nagpapamalas ng kabayanihan.
Magpakatotoo. At higit sa lahat, huwag magkunwaring kumakalinga o 'di kaya’y nagmamahal. Huwag mapagduda pagdating sa pag-ibig; sapagkat sa gitna ng kalamlaman o samaan ng loob, pilitin mo man itong lipulin ito’y parang damong paulit-ulit na sisibol.
Tanggapin ng maluwag ang mga pangaral ng nakaraan, habang maayos na isinusuko ang mga bagay ng kamusmusan sapagkat kasabay ng pag-inog ng panahon lumilipas din ang kabataan.
Pangalagaan at panatilihin ang kalakasan ng loob upang may panangga sa mga ‘di-inaasahang kasawian. Ngunit huwag pahirapan ang iyong sarili sa pag-iisip ng mga bagay na walang kabuluhan. Maraming mga pangamba ang nag-uugat sa kapagalan at kalungkutan.
Habang isinasagawa ang mga itinakdang panuntunan maging banayad sa iyong sarili. Ikaw ay katangi-tanging nilalang ng sansinukob, katulad ng mga puno sa kabukiran at mga tala sa kalangitan hawak mo rin ang karapatang ipamalas ang angking kagandahan at taglay na kinang. Malinaw man o hindi ang bagay na ito sa iyo- walang pag-aalinlangang ang sandaigdigan ay sadyang likas na puno ng kagilalasan.
Kaya maging malapit sa Maykapal, anoman ang pagkakakilala mo sa Kanya. At habang patuloy na nangangarap at nagsisikap sa gitna ng nakalilitong takbo ng buhay, panatilihin ang kaayusan ng iyong tunay na pagkatao. Sa kabila ng mga kasinungalingan, kapahamakan at kabiguan, siguradong mananatili ang likas na kariktan ng sanlibutan.
.
19 comments:
Maraming Filipino versions ng Desiderata ang makukuha sa WorldWideWeb ngunit minarapat kong gumawa ng sarili kong salin...
Sana'y magustuhan niyo, mga ginigiliw kong mambabasa. o",)
Naramdaman ko ang kapayapaan sa buhay mo habang binabasa ko to. Sanay madaming tao din ang makahanap ng inner peace nila.
Mabuhay ka!
CHYNG
Hahah! Natuwa at natawa naman ako sa comment mo. Actually ang post kong ito ay related sa previous post ko (hindi mo yata nabasa). Sa mga panahon kasing pakiramdam ko ay depressed na depressed ako, binabasa ko ang Desiderata. Nakagagaan ng pakiramdam.
go placidly, amid the noise and haste.. and remember what peace there maybe in silence!
favorite ko rin yan.. memorize ko yan nung hayskul ako.. ginawa kaseng peace for oratorical contest :)
salamat sa pagtranslate... sana mamemorize ko rin to :)
isa ito sa mga paborito kong tula, at ako'y nasiyahan habang binabasa ko ang bersyon mo. sinusuklian ng pag-asa at saya ang dating nararamdaman na kalungkutan basta't magtiwala ka lang sa Kanya. :) nice work po!
AZEL
Huhmn, pareho pala tayong favorite ito.
Panalo ka ba sa oratorical contest na 'yon?
Sigurado kapag ikaw ang mag-translate nito mas maganda pa kaysa rito, Azel.
SLY
o",)
Gusto ko ang huling tatlong salita sa comment mo. Salamat, Sly.
Na-touch naman ako sa translation mo. Hindi ko pa nabasa ung ibang mga translations, at tingin ko naman hindi ko na kailangan dahil katulad ng naramdaman ko sa Desiderata, ganun din ang pakiramdam ko sa salin mo: nakakaantig.
Sa Desiderata, I particularly like this passage: "You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here."
Natuwa ako sa pagkakatranslate mo.
BTW, I think ung 'cynical' can be 'mapagduda' instead of 'masungit'. Congrats, RJ. I really like your post.
ISLADENEBZ
Uhmn, nakakaantig, at natuwa kayo, ha. Totoo yan ha... U
Paano naman po ang pinakapaborito niyong passage, hindi ba nagbago ang meaning nu'ng nai-translate ko na?
Sa 'cynical', actually dyan talaga ako nagtagal. Una kong ginawa: "Ngunit huwag pagdudahan ang kapangyarihan ng pag-ibig..." Then binago ko kasi wala namang 'power' na binanggit sa Desiderata at kung burahin ko ang salitang 'kapangyarihan' parang hindi bagay. Pero sige, palitan po natin ang salitang 'magsungit'. o",)
Ito actually ang hinihintay ko ang may mag-comment at sabihing nagbago ng original thought ng passage. Honestly, ini-expect ko talagang kayo ang gagawa ng comment na hinahanap ko, at surprisingly, nangyari! Salamat po.
Ang tyaga mo doc. Isinalin mo sa Pilipino ang pinakapaborito kong tula.
Mas gusto ko ung translation mo sa "You are a child" passage. Ung sa original kasi parang hecho derecho. Sabi nya: You have the right to be here.
Kung ako ang magta-translate. I'll say: May karapatan ka sa mundo.
Pero look at how you did it: "hawak mo rin ang karapatang ipamalas ang angking kagandahan at taglay na kinang."
Hindi nga sya verbatim translation pero nagkaroon nman ng interpretation. Kaya mas naunawaan ko ang meaning.
Malaki ang inpluwensya ng Desiderata sa aking buhay, i have memorized it by heart during my high school days and always quoting its verses during my elocution in school and in Church.
Salamat sa pagbibigay buhay nito sa wikang Tagalog sa pamagat na Pita.
God bless.
Very wise. And you made a beautiful translation, RJ I wish I had your facility in Tagalog. Your photo is so charming too and perfectly illustrates an important part of the essay. Thank you for this post — I needed it just now.
doc! astig. nakakbilib. ang paborito kong tula. isinalin mo sa filipino. sarili mong bersyon! mabuhay ka! :)
hellow doc rj! remember me pa? shimanoy? punky? bertloi? hehe.. may bago na akong site.. food blog!
http://kutsarita.com
paki.add naman ako sa blogroll mo! hehe.. nasa list na kita!
more power!
AStig naman ng pagsalin. I feel the inner peace. SArap ulit ulitin basahin. I read it twice! ^_^
Salamat po sa pagdalaw sa aking bahay blog.
Congrats din po sa pagka panalo sa PEBA 2009.
BLOGUSVOX
Kung magagamit nga lang sana ang tiyagang ito rito sa kalagayan ko sa Australia, mas mabuti.
Napasubo po, akala ko madali at mabilis lang isalin, matagal po pala, mga 4 hours bago ko natapos.
ISLADENEBZ
Wow! Thanks! U
THE POPE
Maganda nga po ito, applicable talaga ang message ng Desiderata kahit sino man tayo o kung nasaan man tayo.
Buti nagustuhan niyo po ito.
HILDA
Your comment has made me smile... U
JESZIEBOY
Mabuhay! Salamat, Jes.
PUNKY
Siyempre hindi kita nakalimutan. Bakit nawala ka?
TOPEXPRESS
Thank you, Topexpress! o",)
So ito pala ang Pinoy version courtesy by RJ...
Astig ah!
topic namin 'to nung isang araw nung friend ko,
kasi sa planner nya, desiderata yung nakalagay sa cover...
sabi ko, hindi ko yan masyadong nafeel... boring kasi yung teacher namin nung HS.
haha!
ngayon, nakakatuwa...
sa pagbisita ko, nagkataong nasa post mo ito!
hehe.
LIFE.
:P
MANGYAN ADVENTURER
Yes, ito ang version ko, ayos ba Richard?
GEGE
Ngayong nasa Filipino na ang Desiderata, na-feel mo na ba, Ge?
Post a Comment