BABALA: Ang lathalaing ito ay rated R18, kinakailangan ng bukas at malawak na pag-iisip. Nilalayon ng post na itong makapagdagdag ng kaunting kaalaman sa mga mambabasa.
Sa panahon ng pagtatalik ng ating mga alagang aso, nagkakaroon ng tinatawag na 'tie', 'lock', o pagkakabuhol ng kanilang mga ari sa loob ng o mas maiksi sa kalahating oras. Sa mga panahong ito, hindi dapat paglaruan o sapilitang paghiwalayin ang lalake at babaeng aso sapagkat ito'y magdadala ng matinding sakit at parusa sa kanila.
Hanapin ang bulbus glandis at ang prepuce/penile sheath sa larawang ito.
photo from http://www.woodhavenlabs.com/articles.html
photo from http://www.woodhavenlabs.com/articles.html
Sa paanan ng ari ng lalakeng aso (sire) ay mayroong bahaging bumubukol kapag sila ay naiihi o nasasabik, ito ay tinatawag na bulbus glandis.
Ang os penis o baculum.
Itinuturo ng arrow ang naiwang marka ng urethra (daluyan ang ihi/semilya).
photo from wikipedia
Itinuturo ng arrow ang naiwang marka ng urethra (daluyan ang ihi/semilya).
photo from wikipedia
Ang daluyan naman ng ihi at semilya (urethra) sa loob ng ari ng sire ay nababalot ng isang buto (bone) na kung tawagin ay os penis. Sa simula ng pagtatalik, bahagya lamang o hindi buo ang paglaki at paninigas ng ari ng lalaking aso, at ang os penis nila ay tumutulong upang maipasok ito ng tama sa posisyon sa kaloob-looban ng babaeng aso (bitch)...
...unti-unti namang itinutulak ng ari (vagina) ng bitch ang kaloban o prepuce/penile sheath ng lalakeng aso hanggang sa kahubuan ng bulbus glandis. Sa pagkakataong ito pa lamang magiging buo ang laki at tigas ng penis. Ito'y nagaganap sapagkat napupuno ng dugo ang mga ugat na nasa ari, pati na rin sa bulbus glandis ng lalakeng aso na nagiging sanhi o pagkakaroon ng tinatawag na tie o lock.
Ang bulbus glandis at ang ari ng lalakeng aso.
photo from http://www.vivo.colostate.edu/
photo from http://www.vivo.colostate.edu/
SOURCES:
1. RJ's Anatomy notes
2. Wikipedia
3. Woodhavens Lab...
.
15 comments:
napanganga ako don, so to speak.
ANDREI
Bakit ka napanganga?!
Hindi ba malinaw ang paliwanag?
Noong bata pa kami ..Binabasyahan namin ang mga aso pag nagtatalik..grabe hindi talaga natitinag...grabe ang kapit!
ganumpala yun?
ayos ah!thanks doc :)
BRAGGART_21
Uhmn, naughty! ...sa bagay mga bata pa kasi kayo, at hindi rin nauunawaan ito.
Talagang makapit po 'yon.
KOSA
Ganu'n nga, bro!
LORD CM
Walang anuman... my pleasure.
Hayup na post! Galeng... Haha!
Happy New Year!
Man! that's nasty! hehe! i remember when i was a kid, when i'd see dogs doing their thing, i'd separate them by showering their intertwined loins with salt! AWWooo! haha
nakapag-review uli ng anatomy, ayos! congrats nga pala sa PEBA doc, wala pa ring kupas..galing!! :)
MANGYAN ADVENTURER
Hayop talaga, Richard, tungkol sa hayop kasi.
LUCAS
Sorry. Nag-iisip na nga akong burahin 'to eh.
Gagawa nalang ako ng panibagong post para masapawan ito.
SLY
Hindi mo na kailangang mag-review, Sly... araw-araw tungkol dito ang ginagawa mo.
Thank you, special award lang 'yon. Pero pasalamat na rin, napansin tayo ng PEBA.
I had to re-read your post twice. Hehe. Pinag-aralan ko talaga ung diagram.
Sana walang lalaking magpagawa ng bulitas na kasing-laki ng bulbus glandis ng tao.
(Special award yun. Bakit may lang? Para sa akin, you deserve more than a special award, RJ.)
Oooppps...I mean 'bulbus glandis' ng ASO!
Me na pansin ka ba, doc? Walang "girl" na commenter! >: D
ISLA DE NEBZ
Hahah! Naisip niyo po sigurong magpagawa nyan. U
Sige, babawiin ko po yung LANG. Salamat ng marami sa inyong tiwala sa akin. o",) Galing na 'yan sa top 1 ng PEBA 2009 kaya naniniwala ako.
BLOGUSVOX
Hindi ko po napansin, talagang inisa-isa niyo ang mga nag-iwan ng comment.
parang chorizo hehhee..
http://kutsarita.com na new site ko.. tnx
Post a Comment