Thursday, November 19, 2009

Come and See!

...dito sa aking blog, hindi ko pa 'to nagawa; ngayon lang. Ang magmamanok ay humihiling ng inyong mataimtim na panalangin.

Simula pa kahapon ay may namumuo nang pag-aalala sa aking isipan at kaba sa aking dibdib. Ito'y hindi dahil sa mga bampira ng pelikulang New Moon na sinimulang ipalabas ngayong araw, kundi dahil sa warning ng Australian Bureau of Meteorology para sa lahat ng mga nakatira sa South Australia.

Sinasabing ang buong state, lalung-lalo na ang mga nasa agricultural areas, ay posibleng magkakaroon ng catastrophic bushfire kahapon at ngayong araw. Kinansela ang pasok ng mga mag-aaral sa malawak na bahagi ng lalawigan, at seryoso ang babala ng mga estasyon ng radyo't telebisyon sa lahat ng taong nasa fire danger zone, habang lubusan namang pinaghahanda ang mga empleyado at mga volunteers ng Country Fire Service at iba pang mga ahensiya ng pamahalaang may kaugnayan sa health, safety and emergency services.

Ngayong umaga, tatlong beses ko nang narinig sa weather reporter ang mga salitang 'good luck' para sa lahat ng mga taga-Timog Australia (kasama na ako rito). Magdadalawang linggo na kasi ang heat wave sa lalawigan, at nakikinitang 43'C ang magiging temperatura sa lungsod ng Adelaide ngayon, samantalang mid-40's to 47'C naman dito sa aking pinagtatrabahuan.


thanks Wikipedia

Napakatuyo ng kapaligiran, 13% humidity ang pinakamababang naitala kahapon. Ngayong araw, natatanaw na magiging malakas raw (hinuhulaang 21-36kms/hr) ang ihip ng tuyo at mainit na hanging manggagaling hilaga (gitnang bahagi ng kontinente) kung saan naroroon ang malawak na disyerto ng Australia.

Ipinaliwanag ng Sunrise Weather (Channel 7) kung bakit posibleng magkakaroon ng devastating bushfire ngayong araw:

The formation of dry lightning and thunderstorms.
(by Seven's Sunrise Weather)
illustrated by RJ


Mamayang hapon o gabi, mataas ang tsansang magkakaroon ng pag-ambon, pagkidlat at pagkulog sa South Australia. Ngunit dahil sa napakatuyong air space ng lalawigan, biglang matutuyo o mawawala ang mga patak ng ulan habang ang mga ito'y nasa himpapawid, kaya maiiwang tatama sa kalupaan ang mga dry lightning at thunderstorms na siyang magiging sanhi ng malawakang sunog.


Sanay ako sa Pilipinas na nagkakaroon ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat at hindi naman ako natatakot. Ngunit noong nakaraang Pebrero, aking naranasan sa kauna-unahang pagkakataon ang bagsik ng mga matatalim na kidlat at napakalakas na kulog habang walang ulan- ito'y walang tigil sa loob ng 45 minuto hanggang isang oras! Hindi ito biro; at inaamin ko ako'y natakot ng husto!

Hindi ko na pahahabain pa ang post kong ito... Narito ang mga nakuha kong larawan dito sa manukan para maipakita sa inyo kung gaano katuyo ang aming kapaligiran.


Ang kalsada papasok sa manukan.
# 22 Pareora Rd., Port Wakefield, South Australia



Wheat field surrounding the poultry farm.



Harvestable wheat, a closer look...



Sa labas ng Aking Tahanan...


The awful scenery in the northeast of the poultry farm.

We slashed the grasses as a compliance to the orders of the Wakefield Regional Council -one of the preventive measures against the invasion of the poisonous Australian brown snakes and fire.



Hangad ng mga taga-Australian Bureau of Meteorology na sana'y sa pagkakataong ito sila ay nagkamali sa kanilang inilabas na forecast. Sana nga... sana.

Sa kabila ng lahat ng 'to, ako nama'y naniniwala nang may buong katatagan sa kapangyarihan ng pagdarasal.

Sabi ng mga Australians, "Os-tral-ya iz a nAys pLAyz (Australia is a nice place)!" well, it's true. So, come and see!






...there is no relevance, but the title of this post has been inspired by the story of Jesus and Zacchaeus in Luke 19:1-10.


.

17 comments:

2ngaw said...

Kasama kayo sa panalangin ko Doc RJ, marami magagawa ng panalangin, tiwala lang lage sa kanya...

eMPi said...

Ingat Doc.... Prayers for you and to all our fellow men na nandyan.

RJ said...

LORD CM
MARCOPAOLO
Maraming Salamat sa inyong dalawa! o",)

Abaniko said...

Brown na brown ang mga tanim ah.

Sana nama wag magka bushfire.

Ingat.

iya_khin said...

hi! passing by....

gonna pray for your place! prayer is the most powerful weapon we have from God! ingatz

RedLan said...

Ako rin ay sumusuporta sau RJ at kasama ito sa panalangin ko.

A-Z-3-L said...

makakaasa ka doc :)

bertN said...

Parang Southern California pala kayo d'yan! Brush fire is a way of life.

darkhorse said...

I'll be praying for u too...tc tlagangang drought nga

Nebz said...

Akala ko, mainit sa Saudi. Mas tuyo pa pala ang Australia.

Kabaligtaran nga sya. Here in Saudi, the climate is getting colder. Simoy Pasko na nga actually.

I offer you my prayers, RJ.

Ingat po palagi.

2ngaw said...

nu na balita sayo jan Doc? Okey na ba weather sa inyo?

The Pope said...

Nananalangin para sa isang maayos na panahon at kaligtasan mo at ng iyong pook na pinagtatrabahuan.

Happy weekend.

Anonymous said...

this is really alarming! i salute you for relying on prayers.

RJ said...

SA LAHAT
Maraming Salamat sa inyong panalangin. U

BlogusVox said...

Yung "dry" lightning na tinatawag, yun yung static electricity na namumuo kapag mababa ang humidity sa isang "flat land". Meron din nyan dito pero bihira.

Ingat dyan, doc.

Admin said...

Para pala sa bible 'yan...

Anyways.... Ingat ka lagi diyan... Nasa ibang bansa ka....

My Yellow Bells said...

hello po, i hope everything went well jan sa inyong lugar. i hope that things like that wont happen there any time. its a bt scary when i read this post, suddenly again i remember about 2012. ooooppppss... ingat po palagi