Thursday, November 26, 2009

Dalisay


Bago ko sinimulan ang paglikha ng post na 'to, dumaan muna ako ng shower room para maligo.


Kasalukuyang 3:57 ng umaga rito sa South Australia, kararating ko lang galing trabaho. Mahigit limang oras din akong nasa loob ng manukan kanina, namumulot at naglalabas ng mga patay na manok habang hinihintay kong makatapos ang catching crew sa panghuhuli ng aking mga alagang nakatakdang dalhin sa katayan ngayong araw.

Paglabas ng manukan, amoy manukan na rin ako- ang aking damit, balat, at buhok. Talo ko pa ang espasol sa tindi ng alikabok, at kahit na ako'y nakasuot ng dust mask habang nasa loob ng manukan, pakiramdam ko'y tagos pa rin hanggang sa baga ko ang mga mapipinong hibla ng nalagas na balahibong palutang-lutang sa hangin.

Bago ko sinimulan ang paglikha ng post na 'to, dumaan muna ako ng shower room para maligo. ...sarap ng pakiramdam, tanggal ang mga duming kumapit sa akin galing manukan! Ngunit hindi lahat ay kayang anurin ng maligamgam na tubig... Hanggang ngayon, matiyaga ko pa ring hinihintay ang pagdating ng mabisang panlinis ng puso't isipan mula sa pangungulila, pagkabagot at pagkayamot.




.

18 comments:

Dhianz said...

ganda nang place.. sa australia bah yan?.. nice.. oh yeah don't wori... darating den yang hinihintay moh... in His time.. Godbless! -di

eMPi said...

biglang namiss ang family...? hehehe

Wyatt said...

Binabasa ko ito sa aking mahiwagang RSS reader. Nagtataka bakit taglish. Yun pala trinanslate.

kailangan natin maghanda

2ngaw said...

Kaya merong blogsphere parekoy, blog ka muna habang naghihintay :)

RJ said...

DHIANZ
Yes, sa Adelaide City, SA, Australia 'yan Dhianz. Palagi kong nakikita kaya hindi na ako masyadong nagagandahan diyan. U

Sana ngayon na darating.



MARCOPAOLO
Lahat bigla kong na-miss, at ang pagtatrabaho rito, naku nayayamot ako. Hahah! o",)



WYATT
Mahina ako sa mga RSS reader na 'yan. Ganu'n ba, naita-translate?!



LORD CM
Oo nga. Mag-blog nalang nang mag-blog. Lately madalang akong nasa blogosphere, susubukan kong dalasan ngayon.

Sardonyx said...

RJ- dalisay na puso na kapakner sa buhay ang kailangan mo hehehe, sabi sayo dapat hinahanap yan at pinapanalangin mahirap mabugok ang lovelife sa manukan hehehe, "sisiw" lang sa'yo ang trabaho ang problema lang nahohomesick ka na rin lalo na magpapasko na....btw, lapit ba kayo sa Queensland?

Dhianz said...

talagah nde kah nagagandan.. well yeah i guess ur right 'cause you always see it... but i think d' place is beautiful... looks so peaceful and nice... and kc siguro.. i really lab trees... i do... parang ang ganda ren makarating sa australia.. for sure there are a lot of great places to see there... so yeah.. ingatz.. Godbless! -di

bertN said...

Saan manggagaling yung hinihintay mong mabisang gamot sa iyong pangungulila?

Anonymous said...

Alam ba nyang hinihintay mo sya? Dalisay ba ang pangalan nya?

The Pope said...

dalisay, napakagandang pangalan nga. Sa panahon ng matinding kalungkutan at pangungulila, panalangin at pagiging abala sa mga produktibong pagkilos tulad ng pagbabasa ng Banal na Aklat at ilang babasahin na makakapagyaman sa kaluluwa at kaisipan.

Kosa said...

sige doc, kapag natagpuan mo ang mabisang panlinis ng puso't isipan mula sa pangungulila, pagkabagot at pagkayamot sabihin mo sa akin kung saan at kung paano.

hehe

tagay!!!

AL Kapawn said...

hindi kaya pag uwi mo ng pinas eh, titilaok ka na sa madaling araw? he he he joke lang parekoy

Admin said...

Ganda naman RJ ng pic.... HAha! Very refreshing especially ng post mo... Tama nga... Refresh na refresh ka kasi bagong ligo!

Anonymous said...

alam ko ang pakiramdam ng amoy-trabaho, lol! kung ikaw doc rj amoy manukan, mas malala noong ako'y nasa paanakan - pagkatapos ng duty, amoy lochia na din ako! hahaha.. sasakay ng taxi, kawawang air-conditioned cab, mag aamot lochia hahaha...
...i can't blame you for missing a lot of things and people in between. tama, mag blog na lang ng blog!...enjoy your week ahead.

Chyng said...

prayer helps and God heals. may you have peace agad. :D

David Edward said...

nakakatakot naman ung previous entry mo.. ano nangyari dun?

AJ said...
This comment has been removed by the author.
Yas Jayson said...

LOVE. Yay!