Sunday, October 11, 2009

Ang Aking Tugon...

ANG IYONG PAGMAMAHAL SA AKI'Y madalas kong pinagdududahan nitong mga nakaraang buwan. Sinabi mo noon pa, naisulat mo na rin, at naririnig ko madalas sa mga taong malapit sa iyo na mahal na mahal mo 'ko pero pakiramdam ko, magtatatlong taon nang hindi ko nararamdaman ang iyong pag-ibig sa akin. Mahal mo ba talaga ako?

Port Wakefield Post Office, South Australia

Mahal kita.

'Ta mo, hindi ko na rin alam kung itong pagmamahal ko sa iyo'y tunay at tapat. Iparamdam mo kasi sa akin ang iyong pag-ibig hindi lamang sa salita, ngayong tayo'y magkalayo, mas mahalaga sa aking ito'y iyong ipakita sa gawa. Alam ko namang kayang-kaya mo itong gawin, pero bakit ayaw mo? Matagal ko nang hiling na kahit sa aking mga panaginip ay yakapin mo naman ako... Pero wala... walang nangyari.

Alam mo bang ang iyong liham para sa aki'y dala-dala ko pa rito sa Australia galing Pilipinas ngunit isinantabi ko lamang sa loob ng napakatagal na panahon? Binuksan ko na ito noon pa, pero hindi ko ito binasa. Ayaw ko kasing mabasa ang napakarami mong mga pangako sa aking... madalas pakiramdam ko'y palagi namang hindi naisasakatuparan... Siguro nga'y nabuklat at kahit papaano'y binasa ko rin naman ito noong nakaramdam ako ng labis na pangungulila, subalit dala ng matinding pagod dahil sa aking mga pagsisikap, hindi ko rin lubusang naunawaan ang iyong mga nais ihayag sa akin.

Sa gitna ng aking mga pag-aalinlangan, nagpapasalamat ako ngayong araw sapagkat nagkaroon ako ng magandang pagkakataon. Sinikap kong basahin at unawain ng buong puso ang ilang bahagi ng iyong sulat... tama ako, marami ngang mga pangako at kaakibat nito'y mga paalalang kailangan kong sundin ang iyong mga kagustuhan.

Ang Iyong mga salita'y tunay ngang makapangyarihan at napakabisa... higit na matalas ito kaysa sa alin mang tabak na may dalawahang talim!(1)

Sinusunod ko naman ng buong puso ang karamihan, kung hindi man lahat ng ating mga napagkasunduan; alam kong alam mo 'yon. Ngunit bakit parang nababasa ko rito sa iyong mga salita na kung nais kong magtagumpay at maramdaman ang tunay kaligayahan kapiling ka, kailangan kong isuko lahat ng aking mga nasimulan. Nahihirapan ako sa kahilingan mong ito... pakiramdam ko tuloy hindi ako nararapat dito sa aking kasalukuyang kinalalagyan.

Ang katuparan ng aking mga pangarap ay itinuturing kong isang kayamanan. Tama Ka nga, mas madali pa para sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng karayom...(2)







(1) Hebrews 4:12
(2) Mark 10:25

24 comments:

Nebz said...

Ang aking tugon, RJ.

Sabi ko naman sa yo, babalikan kita di ba? Hintayin mo lang ako. At habang naghihintay ka, huwag sanang magbago ang pagmamahal mo sa akin. Dahil sa panahong hindi mo ako nararamdaman, inaasikaso ko yong iba mong request -- yong para sa pamilya mo, sa mga kaibigan. Pero sa tuwing tinatawag mo ang pangalan ko, lagi akong nanduon. Siguro lang talaga, nauunahan ka ng mga worries at takot. Huwag, RJ.

Di ba dun sa sulat ko sa yo, sabi ko: Walang takot sa pag-ibig. Ang ganap na pag-ibig ay nagtataboy ng takot...ang natatakot ay hindi pa nagiging ganap sa pag-ibig.

Sabi ko kay Juan, isulat nya un sa una nyang libro. Para sa yo un.

Youknow said...

Nga pala. Ginamit ko lang ung account ni Nebz. Wala kc akong tym mag-blog e. You know.

2ngaw said...

Tutuo ba to? Ung gumamit ng account ni Nebz eh ung nagbigay sayo ng liham na dala dala mo pa jan sa Australia? Ayos! :)

Ewan ko RJ, minsan ganyan din ako. Minsan parang iniisip ko na nag iisa ako, minsan iniisip ko na walang man lang nakakaalala sa akin, minsan iniisip ko na wala na ung nagmamahal sa akin...Ang ginagawa ko, pilit kong ipinu-focus ang atensyon ko sa iba, maging busy sa ibang bagay at pilit kong iniisip na mali ako sa mga akala ko...Homesick lang ako...

A-Z-3-L said...

hala... sinulatan ka na ni Lord... ayun oh...

if you have faith as small as the mustard seed, you can move mountains!

(yeah.. that's my favorite bible verse! at sabi ni Bro... ibulong ko din daw sayo!)

BlogusVox said...

Ang pag-ibig ay isang bahagi ng karanasan ng tao. Kailangan ito sa pag buo ng pamilya. Ngunit ang kinabukasan ng pamilya ay nakasalalay sa tatag ng pundasyon na kinatatayuan ng mag-asawa. Hindi ito yayabong sa pag-ibig lamang. Dahil ang pag-ibig ay marupok. Kayang durugin ng kumakalam na sikmura.

Isang pananaw ng isang praktikal na tao.

Ruel said...

Wew..dahil sa liham na ito unti-unting nabubuhay ang aking pangungulila..pero kailangan nating magtiis hangya't kaya pa..

fjordz said...

ow? lablayp? parang ngayon lang po ako nakabasa ng kwentong ganito dito ah? hahaha

mightydacz said...

naks naman si dokie oh...

pero dito sa disyerto ang mga ganyang klaseng sulat gling kay mark at hebrews ay bawal na bawal kaya bago ako bumalik dito deleted files sa iphone ung e- bible bwahahaha

The Pope said...

Love always stands in the foundation of trust, each is always dependent on each other.

True love is an unconditional love, and as Mother Teresa always say, "love till it hurts".

Life is Beautiful, keep on believing in the power of LOVE.

Chyng said...

Yan nga ang gospel kahapon. Add ko pa, pag daw namatay ang mayaman, madaming pari ang nagmimisa kasi for sure mahihirapan syang makapuntang langit. Pag mahirap, kahit lay minister nalang ang magmisa, ok na! haha The best part, none of admits na mayaman tayo. true!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

salamat sa pagbisita sa bahay ko...

hehe. nilink din kita rj...

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

waaaaa! nakita ko ang sidebar mo.

nanonood ka ng pbb!!!

kapamilya here!!!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

waaaaa! nakita ko ang sidebar mo.

nanonood ka ng pbb!!!

kapamilya here!!!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

OMG! YES!!!

Kilala ko po si Sr.Ignacia...She was at our school when i was first year high school...

Sardonyx said...

Naks love letter ba to? Ganyan talaga pag nawawalay sa mahal mo masyadong malalim ang pinaghuhugutan ng sulat hehehe hayyy nangyari yan sa buhay ko naging magkalayo pero kami pa rin naks naman hehe

felmar fiel said...

omg! nagdoble pala ang aking comment...

anyways....

si sr. ignacia pala ay mahilig sa mango pie. yan ang palagi niyang binibenta sa among canteen...box office lagi!

KRIS JASPER said...

Hey RJ! Musta? Hope u'r well

RedLan said...

Parang bahay lang ang post office dyan no? I think local lang yan. Galing ng pagkakasulat mo. Nakaka inspire.

Kosa said...

parang hindi ako masyadong maka-relate...

tungkol ba to sa pagmamahal?

isa talaga akong manhid na tao... hindi nakakaralate basta pagmamahal ang usapan.

pero ganun na nga siguro yun.. sa sobrang hiwaga eh mahirap intindihin at ipaliwanag.

AJ said...

hi doc. paumanhin sa aking late na pagtugon. di kse ko mapasok ang comment box mo minsan. syangapala, iyong url feed ko naguupdate na, salamat kay chico-sherwin...

ps: marami ang nakakarelate sa lalim at mensahe ng sulat na ito. at sympre isa nako don.

Chubskulit Rose said...

Nakakainlove naman at the same time nakakalungkot tong post mo Doc RJ. Sana nga maging mutual na feelings nyo sa isat isa para wala ng emptiness...

By the way, I am trying to generate some support for our daughter. We entered her into a Smile Contest, so if you could please vote for her (just once), the contest runs until October 31st. Your vote would be so much appreciated.

To cast your vote, please go to this link. Please look for Jillian Rylie Cottrill.

Thank you very much for your help!

abe mulong caracas said...

bigat naman nito!

Cebu attractions said...

can we exchange links?
my url is http://rentale.blogspot.com
"cebu attractions"

pls let me know your feedback at InmyJourney@ymail.com

thanks
ren

Anonymous said...

Eto yung comment ko na hindi pumasok twice:
“Baka makatulong ang pag-join ng fellowship (to know His will and plan for you) kung meron dyan sa malapit-lapit. Iba rin kasi yung face-to-face kaysa paris natin dito na blog lang. It is always possible na walang conflict ang faith sa ambisyon at mga pangarap.
“The rich man in Mark 10:25 is an isolated/extreme case; There are so many wealthy (yet God-fearing) persons in the Bible (Abraham, Job and Dorcas, for instance) and of course even in the present time.”