Friday, September 25, 2009

Cherubim at Seraphim

Nais kong makatagpo at magkaroon ng karanasan mula sa isang tunay na anghel. Hangad ko kasing magpadala ng napakaraming mahahalagang mga mensahe doon sa Kanya, at gusto ko ring malaman ang Kanyang mga mensahe para sa akin.

Nakakita na ako ng mga anghel- ngunit 'yong mga anghel na likha ng mga pintor at iskultor. Mga anghel na babae, at mga anghel na lalake... suot ang kani-kanilang mahahabang puting damit, at kadalasan sila'y may mga malalaki at malalapad na mga pakpak.

Kapag nakakakita ako ng kumakalat na mga puting balahibo, naiisip kong malamang ay pakalat-kalat lamang ang mga anghel dito sa lupa... kahimanawaring ang mga puting balahibong 'yon ay nalagas mula sa kanilang mga pakpak at hindi lamang nanggaling sa aking mga alagang manok.

Nasaan kaya ang mga anghel sa mga panahong ito? Nandito pa kaya at kasa-kasama ko ang aking anghel dela guardia? O ako'y tuluyan na niyang iniwan matapos kong magawa ang napakaraming mga kasalanan?

Napakarami, at hindi raw kayang bilangin ang mga anghel! Sila raw ay mga espiritu, o di kaya'y maaaring mag-anyong isang napakaamo, kahali-halina at matabang bata. May mga anghel naman daw na mukhang-tao taglay ang mukhang animoy isang kidlat at mga bahagi ng katawang yari sa mga mamahaling bakal at bato. At may mga pagkakataon din daw na sila'y nakikita bilang isang nakasisilaw na liwanag! Ngunit hanggang ngayon, tila wala pa akong nakita o nakaharap na mga tulad nila.

Gusto kong magkaroon ng karanasan mula sa isang tunay na anghel. Pakiramdam ko kasi kailangan ko ng gabay, kalinga, panangga, at sapat na lakas upang matugunan at makayang harapin ang lahat ng mga hamon sa aking buhay. Kaya sana lahat ng mga anghel ay mabait, sana'y walang masasama.

Nasaan kaya ang mga tunay na anghel? Siguro'y abala sila sa kanilang pagpupuri doon sa kalangitan. Siguro'y maraming mga mananampalatayang kasalukuyang nakaratay sa banig ng karamdaman, nag-aagaw-buhay at kailangan na nilang sunduin. Siguro'y maraming mga tao ang higit na nangangailangan ng sapat na kalinga kaysa sa akin kaya wala silang panahon para magpakita sa isang karaniwang magmamanok na tulad ko.

Kung ikaw ay isang anghel, magpakilala ka sa akin.



.

14 comments:

Anonymous said...

Kahit naman ako RJ, hindi pa rin ako nakakakita ng tunay na anghel (I mean ung may pakpak gaya ng mga replica ni Michael the Archangel).

My personal belief is this: God guides us incessantly in various ways, through various means. Hindi lang natin madalas napapansin.

I consider the following as my angels: them who make me laugh, them who hurt my feelings and bring me back to the realization that I've to be humble, them who teach me newfound things, etc.

Sana makita mo ang angel ng buhay mo na magbibigay sa yo ng inspirasyon.

Chyng said...

sayang Im no angel. pero I ahve to agree kay Isladen, mahahanap mo din ang angel mo. ;D

2ngaw said...

Kelangan ba talaga natin ng tutuong anghel para lang gabayan tayo, para bigyan ng lakas o kung ano pa man?...Siguro simpleng paniniwala lang at pananampalataya sa Kanya parekoy at malamang lahat makakayanan mo sa tulong Nya...

darkhorse said...

sorry hindi ako si Angel hahaha si DH ako hahahaha...ngulat ako sa posting mo eh pero malay mo mag paramdam sau wag lng yun fallen angel hahaha tc!

eMPi said...

gusto ko rin makita ang angel ko... hindi sa hihingi ng gabay kundi gusto ko lang siya masilayan... :)

Sardonyx said...

Naniniwala ako na ang anghel ay di lamang may pakpak, sila ay God's messengers like si Gabriel nakalimutan ko lang ang chapter at verses sa bible hehe

Kosa said...

sabi nga ng isang anghel,
theres an angel in you and me!

hindi lang sina Angel locsin at Angel aquino ang may karapatan na maging anghel.

tayo rin, anghel sa para sa ibang tao at sa ibat-ibang paraan.

***********************

hahaha..
oa naman nun!
pero seryoso,
sabi nila, ang mga anghel de la Guardia daw natin ay laging nasa tabi natin.. yung tipong bumubulong sa atin para gawin ang tama at nararapat.
sila din ang nagpapatuloy sa ating mga dasal bago matulog na hindi natin natatapos.

alam daw nila ang bawat sakit at problema na ating dinadala at madalas, sya ang kasama natin sa pagpasan sa mga yun.

naks, napakwento..lols
hindi pa yan napapatunayan kaya hindi ako magagalit kung walang maniwala..hehe

The Pope said...

I have always been fascinated by the Angels, pero hanggang ngaun di pa rin ako pinalad na makakita ng isang anghel na nilalang.

Minsan gusto kong itanong sa Panginoon kung "Bakit ko kailangan ng Angel kung naririyan naman Sya sa tabi ko?", subalit tulad ng isang malawak na karagatan, puno ng hiwaga ang Panginoon at ang kanyang mga salita sa Banal na Aklat ay puno ng mga talinghaga na kulang ang ating panahon upang maunawaan ang antas ng kanyang pagmamahal sa sanlibutan at sa rurok ng kanyang pagka-Diyos.

Iba't ibang paraan ang pakikipagusap ng Dyos sa atin - tulad ng nakasisilaw ng liwanag, burning bush, sa panaginip, sa ating mga "visions", tinig mula sa kawalan... at sa pamamagitan ng Scriptures. At hindi tumigil ang Pangioon sa Kanyang kasiyahan sa pagpapakita ng pagmamahal sa atin at nilikha Nya ang mga Angel upang tayo ay pangalagaan (Psalm 34:7, 91:9-13).

Hindi man tayo nakakakita ng mga Anghel, ang mahalaga tayo ay naniniwala sa tulong ng ating Pananampalataya.

Sabi nga ng Panginoon:

"Blessed are those who have not see and yet have believed"? (John 20:29).

Life is Beautiful, Keep on Believing. God bless you.

RJ said...

ISLADENEBZ
Gustung-gusto ko ang definition mo ng 'angel', Kuya Nebz!



CHYNG
Saan? Dito lang sa aking paligid?



LORD CM
Parang hindi ko kayang sagutin ang tanong mong 'yan, Pre. Pero ang iyong payo, thumbs up ako diyan.



DARKHORSE
Kaya nga sinabi kong, "sana lahat ng mga anghel ay mabait" kasi naniniwala akong may mga fallen angels.

Kumusta, DH?

RJ said...

MARCOPAOLO
Pareho tayo. U



SARDONYX
Ako ay naniniwala rin naman sa mga anghel.

Makalimutin ka na pala, Sardonyx? Ano naman po ang gamit o bagay na madalas gamiting 'tayutay' sa isang taong makalimutin? o",)



KOSA
Ang galing! Parang pareho kayo ng pananaw ni Isladenebz, bro. U
****
Kaya nga nais ko ring makatagpo ng isang tunay na anghel, para mapatunayan.



THE POPE
Hanga ako kapag kayo ang nagku-comment, The Pope. May mga references pa. Maraming, maraming salamat sa iyong mga paliwanag.

mightydacz said...

kahimanawaring......gusto ko ang term na ito na ginamit mo....

ako din gusto makakita ng anghel lol ang pangalan ng guardian angel ko daw ay si Sealtiel nalaman ko ito sa isang website na nakalimutan ko na ilagay mo lang doon ang birthday mo ayon lalabas na name ng guardian angel mo

Ruel said...

I believe in angels kahit na hindi pa ako nakakakita sa kanila..

I can feel them in my daily life..

pamatayhomesick said...

sa photo nakakagawa ng istorya...ayos pards...

teka anu ba ang itsura ng anghel?

RJ said...

MIGHTYDACZ
Kahimanawaring? Parang gusto ko ay, 'I wish' o 'wishing...' Tama ba ang gamit ko?

'to naman kinalimutan pa. Tsk, tsk, tsk!



RUEL
Huhmn. That's good. Na-i-quote nga ni The Pope ang sa John 20:29, "Blessed are those who have not seen and yet have believed."



EVERLITO (EVER) VILLACRUZ
Uhmn. Ganito po kasi ang ginagawa ko: Tuwing namamasyal po ako, kumukuha at kumukuha lang po ako ng mga pictures at itinatago. Then, 'yong mga posts ko ay kung ano ang nararamdaman ko sa kasalukuyan, at maghahanap nalang ako sa mga nakatagong larawan at mamimili ng picture na nababagay sa post ko.

Maraming descriptions sa Bible ang angels... Huhmn, kay The Pope nalang kaya natin itatanong ito.

Painter po kayo, gawa kaya kayo ng sarili niyong interpretation ng image ng isang angel. Ayos po ba? U