Nawa’y Inyo pong yakapin ang lahat ng mga mag-anak na nawalan ng tahanan, hanapbuhay at mga minamahal sa buhay upang kanilang patuloy na madarama ang Inyong tunay na pagmamahal sa gitna ng napakapait na karanasang ito...
Gabayan at tulungan Niyo po kaming mga mapapalad na nakaligtas mula sa bagyo at pagbaha na maipaabot ang anumang uri ng tulong sa lahat ng mga biktimang patuloy na nagdurusa at nangangailangan ng aming saklolo... habang kami nama’y taus-pusong nagpapasalamat sapagkat ipinadala Niyo ang napakarami naming mga kababayan, at mga dayuhang kusang-loob na lumapit at tumulong sa lahat ng mga ahensiyang lumilingap at kumakalinga sa mga kapatid naming kasalukuyang giniginaw, nagugutom at nauuhaw...
Patuloy Niyo rin po sanang patnubayan ang lahat ng aming mga pinuno sa pamahalaang lokal at nasyonal upang sila’y makapagplano ng wasto at makapagpasya ng tama nang sa gayo’y maisagawa ng lahat ng mga kasapi ng organisasyon ang tunay at nararapat para sa lahat ng mga Pilipinong nasalanta at kinapus-palad...
Kami po’y humihiling na sana’y buksan Niyo ang aming puso’t isipan nang sa gayo’y lubusan naming maunawaan ang tunay na mensaheng nais Niyong ipaabot sa amin- sa pamamagitan ng bagsik ni Bagyong Ondoy- upang kami’y magkaisa at tulung-tulong naming maisagawa ang lahat ng Inyong mga ninanais para sa aming bayan at kapaligiran...
...sa ngalan ni Hesu-Kristong aming Panginoon, SiYA NAWA.
.
14 comments:
amen...
minsan si inang kalikasan talaga pagnagalit ay kakaiba
unfair pa masyado sobra sobra na tubig sa atinsa pinas bigay ng bigay pa rin bakit kaya hindi kami bigyan o hatiaan at dito na lang sa saudi arabia pinadaan si ondoy malamang matutuwa pa kami dahil umulan lol lol lol
Taos pusong panalangin ang hatid namin sa mga biktima ng kalamidad ng Bagyong Ondoy, sa mga kababayang nasawi sa trahedya, sa mga nawalan ng tahanan at sa mga kasalukuyang nawawala, nakikidalamhati kami at idinadalangin na nawa'y makita nila ang isang panibagong pag-asa sa kanilang pagharap sa kabila ng nakapanlulumong trahedya na mag-iiwan ng malaking pilat sa kanilang mga puso't damdamin.
Amen.
Kasama mo ako sa pagdalangin para sa ating mga pamilya at mga kababayan.
(Like all the other dilubyo that crossed our lives, we will always come out smiling and hopeful. That's how resilient Filipinos are).
Ako rin po'y nanalangin para sa lahat ng mga biktima ng Bagyo!
Amen..
Wag po tayong mawawalan ng pag-asa..Andyan lang po Siya palaging nakabantay sa atin..
He is our life..
amen...
Amen.
i say w/ u the same prayer doc.
ps: i imitated ur cute template for a while.RGDS
I really wish lumihis na si Pepeng. i just imagine those people to experience another storm now that they're still rebuilding and grieving for what they have lost.
ngayon ko lang nabasa toh..
mahusay pards!
thanks doc. this is well appreciated.
Amen to this doc rj.
From TVP to Bandila to SNN at lahat ng current affairs shows ay all about that typhoon.
Sana yung isa pang darating ay di mag landfall.
amen po!
sana wag n ma-ulit tong trahedyang ito!huuhuh
Post a Comment