Sa aking pagbabalik dito sa blogosphere, pagkatapos ng dalawang linggo kong bakasyon sa Pilipinas, nais kong tanggapin ang mga pagkilalang iginawad ng KaBlogs sa The Chook-minder’s Quill; at opisyal na pasalamatan ang mga taong nasa likod ng organisasyong ito.
Astig ang Blog Mo. Blog na nagpapakita ng kakaibang impormasyon at mga kwento.
Stunning Blog Award. Blog na nagpapakita ng kahanga-hangang mga impormasyon at mga kwento.
...kina Mr. and Mrs. Thoughtskoto na nagtatag ng KaBlogs at nagsimula ng mga magagandang adhikain ng samahang ito, kay Lord CM na siyang namumuno sa ngayon, kay The Pope at sa mga pinuno ng KaBlogs na sumusuporta sa pamamahala ng grupo, maraming salamat sa inyo. Taus-pusong pasasalamat din ang aking ipinapaabot sa mga huradong naniwala sa kakayahan at husay ng The Chook-minder’s Quill.
Hindi madali para sa akin ang tumanggap ng mga pagkilala at karangalang ito sapagkat bukod sa naggagandahang mga badges na aking natanggap, ay ang hamong ipagpatuloy o di kaya'y pagbutihin pa ang aking pagsusulat dito sa aking blog. Gayunpaman, magsusumikap ang The Chook-minder’s Quill na patuloy na makapaghahatid ng kahanga-hangang mga impormasyon at kakaibang mga kwento para sa mga masugid at bago nitong mambabasa.
Makakaasa kayong hindi ko kayo bibiguin. Sisikapin kong gagawin ang lahat ng aking makakaya upang maging isang responsableng blogerong may paninindigan, mapagkakatiwalaan at may integridad... na nagsusulat ng mga kwentong naglilikha ng kapayapaan at ng mga usaping para sa ikabubuti ng nakararami.
Sa lahat ng mga sumuporta at nagtiwala sa aking official entry para sa 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat!
Mabuhay ang PEBA!
.
18 comments:
Congrats doc Rj..You deserve those awards..Keep it up..
We are actually amazed kasi you have been nominated to most of the categories. Believe talaga sila sa Blogger.
Congrats, honestly, you only not deserve those awards kulang pa nga yan! hehehe Ask CM and George!
well.well well. welcome back!!
wow, parang panatang makablog yan ah doc rj!
congratulations, especially coming from my anonymous friend here in dubai.
Hello (sir) RJ!
Kagalang-galang ka pala.. Welcome back and Congrats!
btw, kuya Jimbo (ka-date ko sa Chaeau) is the brother of Enrico (my bf). hahaha
congrats pards...:)
RUEL
Thank you, Ruel. o",)
MR. THOUGHTSKOTO
Nakakatuwa at nakakagaan naman ng pakiramdam ang mga sinabi mong yan, Mr. Thoughtskoto. U
Ayos na sa akin ang dalawang awards, thank you very much sa inyo.
CHICO
Sino naman kaya ang anonymous friend mo na 'yan, bro? At bakit naka-anonymous pa? Anong pangalan ng blog niya?
CHYNG
Huwag mo nang lagyan ng Sir. RJ nalang.
Kuya Jimbo. Ganun ba? Kung ganu'n kay Enrico ka nalang mag-request ng KISS.
EVERLITO (EVER) VILLACRUZ
Salamat po! (,"o
Oh Yeah?!!!Tagal ko na hinihintay na madisplay yan sa yo eh :)
Congrats Parekoy!
Congrats! And welcome back... :)
Congrats Doc RJ.. ang galing mo talaga..!! pls keep it up. nakakasaya talaga ang blogs mo, very informative at may puso...
Congrats!
astig na astig ah! hehehehe!
you deserve it...
musta na ang sikat? pwede ka na bang tumakbo sa election? aba! nasanay ka atang magkakaway sa palengke ah. anyways, if that will be possible... gawin nating legal voters ang mga manok! lolz!
pero seriously, how's ur vacation and how's ur health?
Congrats Doc RJ and welcome back!
Astig nga at Stunning pa and blog mo Doc. You deserve the award. Keep it up!
Congratulations! More blogging power to you.
Congratulations, RJ. I will always be a fan of your blog.
congrats doc!
u deserve it!
keep on posting!
LORD CM
Busy kasi talaga ako sa Pilipinas, wala akong time magpost, pero talagang masaya akong kinilala ng KaBlogs ang The Chook-minder's Quill.
Thanks!
MARCOPAOLO
Salamat, Mark!
LOIDA OF THE 2L3B'S
Wow! Lumalapad ang tainga ko sa sinabi niyong 'yan Tita Loidz. U Salamat po.
AZEL
Hindi ako mahilig sa politics, Azel...
Masaya ang bakasyon, magastos pero sulit. Maayos na ang pakiramdam ko ngayon, ang tainga ko nalang ang paminsan-minsa'y masakit pa rin.
DESERT AQUAFORCE
Thanks, Tito NJ!
Buti nakabalik kayo sa blogosphere, napakatagal niyo pong nawala, ah! Akala ko ay ayaw niyo nang mag-blog.
BERTN
Thanks, BertN
ISLADENEBZ
Wow! Maraming beses niyo na pong sinabi yan... Kahit hindi niyo po sabihin, actually, ramdam ko na. Madalas kasi kayong dumadalaw rito. Maraming, maraming salamat po.
YANAH
Salamat, Yanah. U
Ayos 'yong award mo ah. MainStay Blogger. Congratulations din sa 'yo.
welcome back doc RJ at syempre congrats sa mga awards mo na natanggap, congrats in advance na rin sa darating na PEBA awards naks naman! so nasaan ang pasalubong namin? nasan na ang durian? kahit candy na durian wala ba? magaling na magaling ka na ba doc??? hmmm malamang homesick lang talaga yun sakit mo hehehe...ingats
Congrats! The best ang blog na 'to. Ambili naman ng bakasyon mo.
hi doc. akala ko nakalimutan mo nako eh. iyong link ng erap/mirriam nasa baba ng post ko.
at syempre well-earned mo naman talaga itong mga ganitong parangal. may u stay humble n friendly in all ur recognitions and success. - and special in ur own way..:)
Post a Comment