Ako'y naaliw. Sa wakas tumawa rin ako ngayong araw!
Nang dahil sa Facebook, kinailangan kong buksan at gamitin ang Google Translate para maunawaan ko ang mga updates ng isang kakilalang Pranses na nasa aking friends list. Ayos pala, naunawaan ko ang mga updates ng aking kaibigan kahit na ito'y nakasulat sa French.
Subalit nang sinubukan kong ipasalin kay Tito Google ang isinulat ko sa aking Facebook status noong June 18, 2010, ito ang naging resulta:
ANG ORIHINAL
"Kung alam lang siguro ng mga alaga kong manok na napakaganda ng Tasmania, o ng buong Australia, siguro hindi sila papayag na ikulong doon sa sheds. Tiyak maghahanap sila ng paraang makalaya mula sa kanilang kulungan, at lumipad papunta rito sa Hobart!"
ANG SALIN NI GOOGLE
"If you only knew the owner would probably chicken superb Tasmania, or around Australia, maybe they are not willing to shut up there in sheds. Surely they find a way to be free from their prison, and to fly off to Hobart!"
.
23 comments:
haha siguro wag lang masyadong seryosohin ang mga translation na de pindot.
nakakatuwa talagang magtranslate si pareng google. natural na natural (na komedyante) hehehe
Tulad nga ng sabi ni Kosa, natural nga na komedyante si pareng google :D
haha, try ko nga rin yan one time! :D
Kahit ang MSOffice Word. Ang "dunong" mag korek ng gramatical error. Ang daming maling nakikita kahit sa mga isinulat ni Sheakspear at Abraham Lincoln. : )
Ganyan ang translation na nakukuha ko sa Google Translate kaya malapit na akong masiraan ng bait. Yung grammatical skill ko nung araw kung mayroon man, ay wala na rin. Hikbi.
Got here from Ka-Blogs at sobrang naaliw ako sa post... at least sumubok naman si Mr Google kahit paano at maiintindihan naman siguro kahit paano ng mga banyagang mambabasa ang gist ng iyong isinulat :)
kuya!! but you know it helps naman in a way, kasi we have a mexican client, na ayaw mag english sa email kundo mehikano, ang solusyon? si google translate!! ahahha.. natatapos namin ang issue kahit magkaiba kami ng language.. ^_^ cute no..
Hahaha! I always end up laughing at Google Translate's translations, not just Tagalog but even French and Spanish. Fun, di ba? ;)
Imagine how Google translates the Arabic signs here in Kuwait. Nakakaaliw din.
haha..ang laki talaga ng naitutulong ng mga pag translate ng mga salita..kasi nakakaunawa tayo sa hindi natin maintindihan..
LOL, may patranslate translate pa kasing natututunan e, mali mali naman hahahaha. nako nakakatakot pala . pano na lang yung mga tagalog na posts natin pag gustong mabasa ng mga foreigner, patay talaga!
kcatwoman
di ko alam may ganyan palang ini offer si pareng google ko, masubukan nga ang translation niya sa Japanese hehehe
sinubukan ko itranslate yung blog ko sa english by google, muntik ako mamatay kakatawa. hehe
salamat nga pala at napadpad ka sa blog ko. god bless!
pang cartoon network ang translation. hehe
Hahahha. Sobrang epic fail talaga ang google translate na yan.
For fun ginagamit ko yan. Tinatary kong intindihin. :P
hindi ko pa nasubukan ang google translate! malamang nga magsi-aklas ang mga nakakulong mong manok kung alam nilang malaki nawawala sa kanila. hehehe
It's funny how google translate per word... but the good thing is, it opens the world of communication bigger. We can now somehow understand other languages in an instant :)
(Hindi ko pa nasisilip uli ang fb ko. :-( )
Happy birthday, RJ. ‘Musta na, nasa date pa ba ng monthly calendar ang numero ng edad natin? ;-)
haha... parang sumakit ang ulo ko kay google ah. nosebleed. hehe.
Si kuya Google ang bobo talaga! or baka may virus lang nung time na yun?
hahahaha. madami rin akong gnyang pinatranslate. hehe. napadaan sir
One for a good laugh really. But that only shows the limitation of Google Translate. I think there are some others out there in the Net - probably just as bad.
Post a Comment