Tuesday, June 29, 2010

My Favourite Teacher

Pagod na raw siya. Hindi na raw niya kayang gumising ng maaga, maghanda ng almusal at babaunin, gumayak at pumasok sa pampubliko at mababang paaralang naging bahagi na ng kanyang buhay sa loob ng tatlumpu't-walong taon. Kaya sa gitna ng pagpipigil, at paghihikayat ng kanilang school principal na kaya, at pwede pa siyang magturo ng mga dalawang taon pa, hindi na magbabago ang desisyon ng aking ina- siya'y magreretiro na.

Ang aking ina noong siya'y nagtapos, 1971.

Katatapos lang ng halos apat na 'pung minuto naming pag-uusap ng nanay. Ikinuwento niyang noong Biyernes ay huling araw na raw ng kanyang pagtuturo, naka-leave na siya ngayon, at matapos ang araw ng panunumpa ng bagong naihalal na bagong pangulo ng bansang Pilipinas, opisyal na ring matatapos ang kanyang pananagutan bilang isang guro. Sa tono ng kanyang mga salita, masaya naman ang aking ina, halatang excited sa panibagong kabanata ng buhay at mga gawaing kanyang haharapin sa mga susunod na araw.

Pero ako, tulad ng kanilang principal, ayaw ko pa rin sanang iwan ng nanay ang kanyang trabaho (pero siyempre hindi ko na ito binaggit pa sa kanya kanina). Sixty-three years young pa lang naman kasi ang aking ina, at pakiramdam ko kaya pa nya, pwede pa s'yang magturo. Isa sa mga iniisip ko kasi kung ano ang kanyang gagawin sa aming tahanan at ang kanyang magiging libangan after her retirement? (Wala pa naman akong anak, kaya hindi ko siya maha-hire bilang baby-sitter dito.) Mabuti naman akong anak sa kanya, napakabuti... pero sa ngayon parang nararamdaman kong hindi ko kinu-consider ang kanyang nararamdaman, at ang kanyang mga dinaramdam na karamdaman sa kanyang katawan. Kaunting galaw lang daw niya kasi ngayon, pagod na siya kaagad.

Mahaba-haba rin ang pagsasakripisyo ng aking ina para sa aming tatlong magkakapatid. Ramdam ko noon ang pagtitiis nila ng aking namayapang ama, kung paano nila hinigpitan ang masikip na nilang sinturon para makapaglapag ng desenteng makakain sa aming hapag, upang makabili ng aming mga damit at sapatos, at mapag-aral kami sa isang paaralan at kursong abot-kaya.

Sabi ng nanay, simula July 1, wala na raw siyang sweldo. Sabi ko naman kapag mauubusan siya ng panggastos, mag-text lang siya sa akin...

Sabi ng nanay, umiyak daw ang limang taon kong pamangkin nu'ng sinabi niyang hindi na niya ito masasamahan sa pagpasok sa school araw-araw. (Akala siguro ng bata, sa buong taon ay magkasabay pa sila ng kanyang lolang maghanda tuwing umaga at pumasok araw-araw.) Sagot ko naman, kailangan lang sigurong ipaliwanag ng husto kay Paul ang kalagayang ito, nang maunawaan niya ang mga nangyayari. Pero iniisip ko kung paano mainindihan ng isang paslit ang ganitong sitwasyon.

Sabi sa akin ng nanay, kung buhay lang daw ang aking ama, siguro'y magiging madali ang pagsagawa ng kanilang mga pinaplano noon pagkatapos niyang magretiro. Sagot ko naman, nagbago na ang lahat dahil wala na nga siya; tuloy ang buhay at kung kailangang magbago ng mga plano para maging angkop sa kasalukuyang sitwasyon, gawin ito.

Si Nanay Sima at ang kanyang kakambal, si Uncle Simo.
Marami pang sinabi ang nanay, pero hindi ko na halos nakuha sapagkat ang nasa isip ko ay kung ano ang mga posibleng mangyari sa hinaharap... 'di ko alam, pero parang ako ang mas emotional- ang mas nalulungkot na tuluyan na rin niyang lisanin ang kanyang nakagawiang gawin sa halos apat na dekada niyang panunungkulan.

Achievements niya? Hanggang Master Teacher lang, hindi naman siya naging head teacher o principal, o di kaya'y nabiyayang maging district supervisor o division superentindent. Pero pakiramdam ko, ipinagmamalaki niya sa aking ganap ang kanyang naging karera. Ayos na sa kanyang nananalo sila noon paminsan-minsan sa speech choir at reader's theatre, daMATH, comics strip, poster-making contest, atbp.; at manalo ang kayang kupunan noon nang siya'y ilang taong naging coach ng soccer kapag may mga district, division o regional meet.

Naging teacher ko ang nanay noong ako'y grade VI. English, Math at Music ang mga subjects na hawak niya. Kung ano ang tawag ko sa kanya sa loob ng classroom- 'Ma'am' o 'Nanay'? Hulaan niyo nalang. Alam kong may iniisip kayo, pero hindi ako naging valedictorian noon, salutatorian lang po.

Napaka-selfish ko talaga ngayon. Ayaw kong magri-retire na ang aking ina sapagkat nakikita kong sa gitna ng mga hirap at hamong hinaharap ng isang pampublikong guro sa Pilipinas, nakita kong nag-enjoy, at nakikita kong nag-i-enjoy siya sa pagtuturo. At hindi ko alam, hindi ako sigurado kung simula July 1, ay magiging masaya at makulay pa rin ang kanyang buhay araw-araw.

Sabi ng nanay kapag nagri-retire daw ang isang teacher, nakagawiang may gaganaping testimonial program. Tanong ko naman sa kanya, "Kailan naman po ba ang testimonial program para sa 'yo?"

Sagot ng nanay, "Baka sa darating na August or September... Makakarating ka kaya?"

"Siyempre... makakaasa po kayo, uuwi at dadalo ako niyan."

Sa puntong 'yon, kahit na nasa kabilang linya siya, nakita kong ngumiti ang nanay.







(Wala akong latest picture kasama ang nanay pero meron akong nai-post dito noong nakaraang taon.)
.

15 comments:

my-so-called-Quest said...

kuya! parehong pareho tayo ng nanay! hehe. teacher din kasi si nanay at naging teacher ko sya sa math at home economics. like your mom, di sya naging principal pero pinaka naging proud ako dun pagmamahal sa kanya ng mga estudyante niya. dun ko napatunayan, napakaswerte natin na naging nanay natin sila. :D

kailangan maibakasyon mo si nanay mo dyan pag retired na sya. :D

Iwi finds said...

ang sweet ng post mo para sa nanay mo. dati, iniisip ko kung ano ba ang feeling kapag nanay mo e titser at sa parehong eskwelahan pa na pinag aaralan mo?

ang nanay ko noon, kahit na anong pilit ko na maging titser, ayaw nya, kasi nga sabi nya wala daw mangyayari sa akin saka sa pamilya ko kapag naging titser ako kasi maliit lang ang sweldo, pero tignan mo ikaw, napag aral nila at naging doktor pa.

My Yellow Bells said...

mapagmahal ka sigurong anak, nararamdaman ko sa mga sinulat mo habang binabasa ko ito kung gaano mo kamahal at pinahahalagahan ang nanay mo...nanay na rin ako pero bata pa ang mga anak ko, ano kaya ang iniisip nila tungkol sa akin...

BlogusVox said...

Doc, hindi mo alam kung ano ang pinaka achievement ng nanay mo?

Ikaw at ang mga kapatid mo. Kayo ang "the greatest achievement" ng nanay mo. Yan ang dapat mong tandaan at ipagmalaki!

RJ said...

MY-SO-CALLED-QUEST
Doc Ced! Welcome back! U
Sigurado nakaka-relate ka sa kwento ko, kung ganu'n.

Yes, plan kong makapagbakasyon sya rito.



IWI FINDS
Masarap ang feeling mag-aral sa isang school kung saan nagtuturo ang nanay mo. Feeling celebrity... U Hahah!

So ano na ang career mo ngayon? Dinalaw ko ang blog mo, parang nasa fashion.



YELLOW BELLS
Sigurado tuwang-tuwa at proud ang mga kids mo sa 'yo.



BLOGUSVOX
Honestly po, iniwan ko ang point na 'yan para sa mga magku-comment sa post kong ito. Honestly po ulit, kayo palagi ang nakakatumbok ng mga nais kong iparating dito sa mga isinusulat ko. (Salamat sa mga payo niyo, sinusunod ko po ang mga 'yon, noon pa.)

Yes, I am proud of Nanay! o",)

kcatwoman said...

awww, napakasweet mo naman. i hope makakabot ka nga sa testimonial dinner nya. nararamdaman ko po na sobrang proud kayo sa nanay nyo dahil kahit 60+ na, talagang maganda ang pagretire nya sa pagtuturo. i feel na hindi ka dapat magworry, kasi fulfilled ang buhay ng nanay mo kaya mas magiging fulfilling ang retirement nya.

tsaka, ano nga ba angtawag mo sa nanay mo sa class? haha

Flor
kcatwoman
ldspinay
Bookneneng

Kosa said...

sayang naman... nauubos na ang magagaling na public school teacher... ibig kong sabihin doc eh, yung mga bihasa at alam na ang pasikot-sikot sa field na yun. sabagay---marami namang gumagraduate taon-taon. Nag-give way lang siguro si Ma'am sa mga bagong teachers. at saludo ako sa kanya.
tingin ko, yun yun eh doc! enjoy sya sa pagtuturo pero kailangan nyang lumabas para papasukin naman ang isang bagong teacher.

ma'am?(ang twag mo kapag nasa school?)

goodluck sa paguwi doc!
nakakailang uwi ka na?
haaaays...buti ka pa:(

animus said...

hi chookminder! nakaka-touch naman ito. i can sense na love na love mo talaga si nanay mo. ramdam na ramdam talaga ito sa mga sinusulat mo. i'm sure, proud na proud ang nanay mo sa iyo. :-)
sa tingin ko, gusto na niyang makasama ang napakabait at napakabuti niyang anak kaya nag-retire na siya. :-)

Arvin U. de la Peña said...

for sure mamiss niya ang pagtuturo sa paaralan..higit sa lahat hindi siya makalimutan ng mga naging estudyante niya..

pamatayhomesick said...

napakaswerte mo pards!..mahusay kang inalagaan at pinalaki ng ng iyong ina...mabuti narin yun makapagpahinga siya sa kanyang trabaho...;)

Sardonyx said...

Congrats doc, dahil may mabuti kang ina at mabuting teacher....para sa akin tama lang na makapagpahinga sa trabaho ang nanay mo, at kayong magkakapatid naman ang magpuno ng kanyang pangangailangan, ngayon ka niya higit na kailangan financially at morally.

BTW salutatorian din ang anak ko hehehe kaya malamang proud na proud sayo ang nanay mo katulad ko (naks naman).

Anonymous said...

Nakakatouch naman, RJ. An ode to your teacher and mom. Mapalad ka. Ang ang iyong nanay ang isa sa mabuti mong kapalaran.

Please give my regards to her. Kahit hindi ko pa sya nakikita, I feel like I wanted to embrace her. (I don't know why).

At nasaan ang column mo?

Anonymous said...

Nakakatouch naman. An ode to your teacher and mom. You're lucky, RJ. And you're mom too for having you.

Please give her my warmest regards. And when you get home, please embrace her for us.

(Nasan ang column mo?).

Abou said...

tama lang na magpahinga ang nanay mo. lalo na kung hindi naman sya nag kulang sa lahat ng bagay. oras naman na sya ang mag enjoy.

i boracay mo kaya sya haha

Anonymous said...

i salute educators like your mom, doc rj; not only because i have the same passion as hers but moreso i know the dedication one puts into his/her craft and his/her influence is infinite and powerful. it doesn't stops at every graduation of course; it's endless.

children like us are lucky to have moms (and daddies to of course).