Friday, May 21, 2010

Ang Bukang Liwayway

Kapag masaya ako, at wala akong pinuproblema, natatakot ako. Batid ko kasi ang katotohanang habang ako'y nabubuhay, siguradong may haharapin akong mga hamon. Kaya kung wala man akong pinapasan sa ngayon, posibleng mamaya, bukas o sa susunod na araw ay may darating na panibagong suliranin...

Ako'y napaka-unfair dito sa aking blog, kasi madalas ang update kapag ako'y may masamang dinaramdam o nalulungkot; pero kapag ako'y masaya, walang naidadagdag na mga bagong pahina. Pero heto, pilit kong pinipiga ang aking utak, nang may maisusulat dito sa ngayon habang ako'y masaya.

Seventeen days ago, inilabas ko bilang 'status' sa aking Facebook account, na para akong naturukan ng morphine, nawala ang lahat ang mga nararamdaman kong hapdi at sakit noon, at para akong nakalutang sa alapaap! 'Yan ang hatid ng Australian Permanent Residency visa na ipinagkaloob sa akin ng DIAC noong May 3, 2010. Alam kong para sa iba, ang bagay na ito ay walang halaga. This is nothing. Pero para sa aking mahigit tatlong taon ding hindi nakaramdam ng saya sa nakuhang trabaho rito sa ibang bayan (sapagkat napaka-stagnant ng aking naging kalagayan sa mahabang panahong 'yon), ang aking PR ay sapat na, o sa tingin ko nga'y humihigit pa sa kinailangan kong gamot para malunasan ang noo'y malubha kong karamdaman.

Naalala ko tuloy ang aking linya (bilang si Padre Guerrero) sa isang play noong ako'y nasa kolehiyo pa... Ang tanong ni father kay Badong (na nangangarap maging isang ganap na sakristan), "...at itinuro rin ba sa 'yo ni Father O'Connor ang kahalagahan ng tiyaga at ang kabanalan ng paghihintay?"

Lubos at taus-puso ang aking pasasalamat sa lahat ng aking mga naging kaibigan dito sa blogosphere... nang dahil sa inyong mga payo, nakayanan kong maging matatag noong mga panahong muntik na akong sumuko.

Sa ngayon, nakapagpahinga na rin siguro ang pagod na tenga ng Diyos nang dahil sa aking paulit-ulit na mga dasal noon. Magtatatlong linggo na rin Siyang hindi nakarinig ng mga personal na kahilingan mula sa akin, sapagkat sa nakalipas na mga araw ay puro pasasalamat ang aking nasasambit sa aking mga panalangin.

Sa ngayon, hindi pa rin alam ng aming mga alagang manok na iniwan na sila ng kanilang dating farm manager. 'Di ako sigurado, pero sa tingin ko ay hindi nila naramdamang ako na ang bumabalikat sa kanila. Natutuwa akong ang aming lumang farm vehicle ay pinalitan na rin sa wakas ng isang desenteng sasakyan. Nagpapasalamat din akong ang isang tauhan ditong noo'y hindi nakikiisa sa pangkat, ngayo'y nangunguna sa pakikiisa lalung-lalo na sa mga maintenance and repair works ng manukan. Kung saan ako mahina, may taong nakisama at nagkataong napakahusay naman sa aspetong ito.

Wala na akong inaalalang napakamahal na bayarin para sa private health insurance, sapagkat tinutulungan na ako ng Medicare Australia. Wala na rin akong dapat alalahaning ma-i-expire na working visa.

Nagkaroon ako ng kapalagayang loob, nagkaroong muli ng focus. Hindi ko na iniisip sa ngayon ang napakakapal na alikabok at mga nakalutang na hibla ng balahibo sa loob ng chicken sheds. Wala na akong paki-alam kung umabot man ng-50'C o 'di kaya'y mag-minus 9'C sa labas. Ayos lang sa akin ang maging on call beynte quatro oras, pumasok sa loob ng manukan ng alas-diyes ng gabi o 'di kaya'y alas dos ng madaling araw, basta ang mahalaga, maging maayos ang lahat dito sa aking trabaho. Nakakapagtaka, kahit na araw-araw akong pumapasok, pakiramdam ko araw-araw rin akong naka-day off. Hinahangad at ipinagdarasal ko talagang sana ay ganito nalang palagi ang aking pakiramdam.

Sa ngayon, nilalasap ko na muna ang mala-morphine side-effect na naging bunga ng mga pagbabago sa aking buhay kamakailan lamang. Maaaring bukas ay darating na aking kinatatakutang mga problema, pero sa tingin ko, sa dami ng mga hirap, pagod at hapding nalagpasan ko noon, anumang uri ng hamong darating sa akin bukas ay siguradong aking kakayanin. 'Ika nga ni Doc Ed, na boss ko sa Monterey noon, "Anything that isn't fatal will surely make you stronger."




.

16 comments:

animus said...

hi chookminder! i'm so happy for you! :-) ito ay isang patotoo na lahat ng ating hilingin sa Itaas ay ibinibigay Niya sa tamang panahon.Just keep on believing in Him!

Joanie said...

It's been a while. You changed your page design. It's nice and neat now. I miss seeing the old banner though. Nice to read your blog again :)

Loida of the 2L3B's said...

CONGRATULATIONS!!!!! Ang saya saya naman ng news mo.... Such a blessing and I'm highly touched kasi nagkaganyan din kami. Naranasan din namin and hirap pag re-renew ng working permit.. I'm so happy for you Doc... Permanent Resident ka na ng Land Down Under..

BlogusVox said...

Hehe! Kongrats, doc. Susunod nyan, citizenship naman ang asikasuhin mo para madala mo na dyan ang labofmylayp mo.

At huwag kang matakot sa dadating na problema at hamon. Parte ng buhay yan. Dyan mo masusukat ang katatagan mo. Magiging "boring" ang buhay pag walang ganyan.

passing by (".) said...

Hi...Congrats...Manalig ka lang kay bro di ka nya pababayaan... wish u all the best....
Lahat tau binibigyan ng problema, always remember hindi ibibigay ni Bro ang isang pagsubok kung di natin kaya....and ibinibigay nya yun para tau maging strong.

RJ said...

ANIMUS
Thanks! Yes, i will keep on believing in Him.



JOANIE
Gawan mo ba ako ng isa pang banner, Joanie? o",)



LOIDA OF THE 2L3B'S
Thank you very much. Natutuwa rin po akong nakita ko sa blog niyong settled na kayo dyan sa Canada. May gardening pa kayong pinagkakaabalahan sa ngayon.



BLOGUSVOX
Maraming salamat po. Yes, gagawin ko po 'yang citizenship...

Boring nga, pero huwag naman sanang sobra.



PASSING BY (".)
Okay.

Salamat nga pala sa pagdalaw sa The CHook-minder's Quill. U

Arvin U. de la Peña said...

mabuhay ka..congratz........

bertN said...

Permanent resident ka na! Very good! Siguro it is better for you to acquire Australian citizenship eventually since under current Pinas law, you will not lose your Pinoy citizenship if you become a citizen of a foreign country, di ba? Things are working well for you, kailangan mo na lang somebody to share your life with. Mayroon na ba?

kosa said...

tama si bertN!

nakakalimutan kong magcomment dito doc... madalas, parang ito pa yung pinakukwnetuhan natin nung mga nakaraang panahon.. kita mo nga naman ngayun! ayus na ang lahat sayo!
congrats doc!

Sardonyx said...

ang lalim ng title at meaning nito hehehe, congrats doc!

but don't worry be happy.....wag mong problemahin ang di pa dumarating na problema hehehe, tatanda ka kaagad nyan no

kulang na lang talaga asawa LOL, pwede mo ng ilagay sa noo mo yan PR mo habang naglalakad marami ng lalapit sayo niyan kaagad hehehe

Iwi finds said...

congrats doc, ako naghihintay pa rin.

manilenya

Reymos said...

Congratulations! Enjoy the blessings and the opportunities that your residency will bring in the future. Maybe someday I will be able to meet you in Australia. Not everyone is given this chance to work/live permanently in down under.

Anonymous said...

I'm proud of you, RJ. And I know that more good things will happen to you. Use it to make better yourself and the people around you.

What Doc Ed, your boss, said is true. And don't fear, too. And shed off a little off your anxious heart. Inaalagaan ka lagi ni Lord. Medyo natatagalan lang Sya ng pagsagot minsan, but that's because He's perfecting it for you.

Godbless.

Nash said...

Hi!

THE WAIT IS OVER!!!!!

I ♥ N The Official Blog Launch!

my new blog is UP NOW!!! I hope you can drop by and leave some comments ;)

Follow the link thanks!
http://ilovenashyboy.blogspot.com/

LOVE,
N

duboy said...

first of all..CONGRATULATIONS.

naku po. aussing assie ka na nyan pag nahgakataon na umuwi ka na pinas! hehehe see, may napapala ang mga mapagpasensiya, masipag at mababait na tao. (tulad ko).

For sure, di mo na ko kilala pero let me remind you, im masking this anonymity kasi till now eh marami pa rin ang naninira at nambubulahaw ng pribadong buhay!

nasa pinas ako now vacationing for one month. dont know kung afford ko pang magblogs after all that had happened. anyways, just like every body else, im happy sa mga devt sa buhay mo as a fellow OFW.

hehhehe. mabuhay ang mga SMC alumni. :-)

Reena said...

congrats!!!!

hidni ko na masyado nababasa blog mo pero mabuti naman at sa wakas ay nakuha mo narin ang viasa na yun. :)

good things are sure to come to those who wait. :)