Wednesday, May 12, 2010

Si Hilda at ang Makru

Hanapin sa mapa ang Port Wakefield, diyan kami nakatira nina Aling Nati at Aling Siony...

Noong nakaraang linggo, inanyayahan ako nina Aling Nati at Aling Siony para maghapunan kasama nila. Habang kami'y masayang nagsasalu-salo, biglang tumunog ang telepono ni Aling Nati.

Tumawag si Hilda, ang isa nilang kaibigang nakatira sa Edithburgh kasama ang kanyang asawang puti- si Jim. Dito sa Australia ipinanganak at tumanda si Jim, 74 years old na siya ngayon.

Nangumusta lang naman si Hilda. Malamang gusto lang na may makausap na mga Filipino, siguro'y nalulungkot sapagkat dalawang taon pa lamang ang nakalipas magmula nang siya'y dumating dito sa Australia. Nalaman niyang ang kanyang kausap sa kabilang linya- si Aling Nati ay noo'y kasalukuyang naghahapunan kasama kami ni Aling Siony, kaya itinanong ni Hilda kung ano ang aming ulam.

Hindi naman nagsinungaling si Aling Nati, sinabi niya kung anu-ano ang aming pinagsasaluhan.

Biglang ipinagmayabang ni Hilda (naririnig namin ni Aling Siony kasi naka-loudspeaker ang mobile phone) na nakahuli rin daw sila ni Jim ng isang malaking isda sa Gulf St. Vincent, palibhasa fishing ang pastime ni nilang mag-asawa. 'Yon pa nga raw ang inihahanda ni Jim para sa kanilang hapunan.

Itinanong ni Aling Nati kay Hilda kung anong isda ang kanilang nahuli.

"Hindi ko kilala, ewan ko ba kung meron nito sa atin..." ang sagot ni Hilda.

"Anong itsura, at anong kulay, may kaliskis ba?" mabilis namang pag-usisa ni Aling Nati.

Maririnig sa kabilang linya na tinanong ni Hilda ang kanyang asawa kung ano ang tawag sa malaking isda na kanilang nahuli. Sumagot naman si Jim sa kanya.

Kinausap ulit ni Hilda si Aling Nati na naghihintay naman sa telepono. "Ah, kuwan pala, MAKRU. Makru daw ito sabi ni Jim."

"Hah?! Makru?!" halatang nabigla si Aling Nat.

"Oo, yan ang sabi ng asawa ko. Basta malaking isda ito, Nat- makru."

Kahit ako ay napaisip kung anong isda ang tinutukoy ni Hilda... Huminto ako sa pagkain at inisip kung ano kaya ang hitsura ng isdang makru.

Ngunit biglang sumali sa usapan si Aling Siony... "Makru?! Hindi, Nat! Mackerel. Mackerel siguro 'yan."

Biglang natauhan si Aling Nati matapos marinig ang salitang 'mackerel'. Kaya bigla niyang isinigaw sa telepono, kay Hilda sa kabilang linya, "Hilda, mackerel 'yan, hindi makru! Hahahah!"

"Ah, ganu'n ba?! Mackerel pala ito..." ang marahang sagot ni Hilda.

6 comments:

Loida of the 2L3B's said...

hahaha nakakatuwa.. parang mga bata ang nag-uusapa.. nakak anticipate yung final answer kung ano talag yung isda na yun.. hahaha!!

RJ said...

LOIDA OF THE 2L3B'S
o",) Ang accent at pagbigkas kasi ng mga Australians sa language nila, talaga namang kakaiba sa nakasanayan ng taenga natin. Sabi nga nila, kung paano natin binabaybay, ganun din natin binibigkas. U

Ang mackerel, kapag binigkas nila, parang MAKRU. Haha!

bertN said...

Nung bumisita ako sa Melbourne, sabi sa akin ang tamang pagbigkas ng pangalan ng siudad ay "Melben" at hindi "Melborn". Tama ba ang dinig ko?

RJ said...

BERTN
Hahah! Yes tama, 'Melben' po. o",)

BlogusVox said...

Todie is Saturdie. It's a good die todie. : )

Sardonyx said...

Nun mabasa ko ang name na Jim akala ko asawa ng pinsan ko kasi nasa Australia din sila hehehe hindi pala mas matanda yan JIm na kilala ng friend mo, iba talaga ang accent ng mga Australian, kakaiba sa American accent talaga. Kaya minsan matatawa ka kung paano bigkasin. Sa Japan, Saba ang name ng mackerel, sa atin saging yun hehehe.