Tuesday, March 23, 2010

Sparkling white...

Beer, wine and spirits...
Handorf, South Australia



Sa tingin ko'y kailangang magdiwang sapagkat matapos ang labintatlong araw na pamamahinga ng aking pluma, heto't sinisikap ko uling makagawa ng kahit maiksing post. First time itong gagawa ako ng post na hindi ko inisip ang aking isusulat habang namumulot ng mga 'hindi pinalad' na mga manok sa loob ng sheds... at first time ding magsulat akong diretso na rito sa posting page ng Blogger at siguradong hindi ko na ito mabibigyan ng kaunting style. Kung ano ang maiisip ko ngayon, 'yon ang magiging laman nito... 'yon bang parang nakikipagkwentuhan lang ako sa inyo ng mga updates tungkol sa hamak na magmamanok.

Sa nakalipas na sampung araw, masyado akong napagod sa nangyaring paglilipat ng work place, at sa nangyaring transition sapagkat inatasan ako ngayon ng trabahong mas mabigat ang responsibilidad. Sumuko kasi ang isa sa apat na mga farm managers ng kumpanya sapagkat napagod at nagsawa sa dami at napakamabusising requirements ng HACCP. Somehow, nag-aalangan at natatakot din sana akong tumanggap ng trabahong iniluwa ng iba sapagkat siguradong hindi ito madali. Kung hindi lang ako nangangailangan ng panibagong visa, honestly mas pipiliin ko ang dati kong work assignment; mas maraming oras para sa sarili, sa panood ng TV, sa pamamasyal at pagba-blog. ...sa bagay interim manager lang naman daw ako rito, kaya kapag may makita silang mas karapat-dapat kaysa sa akin, siguro balik na rin sa dati. For the sake of 'growth' in this country, okay na rin ito sa ngayon.

Bagong trabaho, bagong tirahan. Umalis na rin ako sa aking caravan- na naging silungan ko sa loob ng dalawang taon at dalawang buwan. At dahil weekdays (working days) nu'ng ako'y naglipat, isang tao lang ang tumulong sa paghakot ng aking mga gamit papunta rito sa bahay (na ipapakita ko sa inyo sa mga susunod kong posts). Kaya, pagod... Hindi rin kasi natapos ang paghahakot sa loob lang ng isang araw sapagkat sa umaga nagtatrabaho muna ako rito sa manukan, at 'pag tapos na ang mga mahahalagang gawain, saka ko ipinagpapatuloy ang paglilipat ng mga gamit. At isa pa, ute (pick-up) ang ginamit namin sa paghahakot, wala kasi kaming licence mag-drive ng sasakyang may hinihila (trailer/caravan) at ayaw ko na ring magbayad pa ng driver dahil medyo may kamahalan.

Of course pagkatapos magkahakot, kailangang mag-ayos. Whew! Sana ay wala na munang mangyayaring lipatan, after two years pwede na ulit kapag may hawak na akong mas magandang Australian visa.

Speaking... ang permanent resident visa na matagal ko nang hinahangad ay on the process na sa ngayon, nasa stage 2 of 3 na. Sinagot na rin ang matagal kong ipinagdadasal; bumait bigla ang employer nu'ng nakita at naramdaman nilang kailangan nila akong ilagay sa posisyong ito. Biglang inayos ang regional certification ng aking job/position at nagawa kaagad nila ang nomination/sponsorship documents para sa aking residency. Ako'y nananalangin na ma-grant naman sana ang visang ito sa akin.

Six days earlier, tinanong ako ng farm owner kung kumusta ako rito, sabi ko so far, so good. Nagsinungaling ako ng kaunti dahil sa totoo lang medyo nanibago ako sa dami ng aking pinapasang tungkulin sa ngayon, pero alam ko namang I'll get used to it... soon. Dinadagan ko pang bakit maghanap pa siya ng bagong manager gayong ako'y kilala na niya ng mahigit na dalawang taon.

"Absolutely," 'ika niya. "I'll be reviewing your package and see what I can do about it."

Hindi pumasok sa isip ko kung ano ang ibig niyang sabihin sa 'package' na 'yon hanggang sa noong nakalipas na pay day, napansin ko nalang nadagdagan ng 10% ang aking wages. o",) Natuwa ako siyempre. (Pero hindi ko kayang isulat ang aking naramdamang tuwa at saya, mas sanay kasi akong magsulat kapag malungkot ang tema; aaralin ko 'yan sa ngayon.)

It seems that the whole universe has been conspiring for me, kung si Paulo Coelho pa. Huwag naman sanang biglang ma-misalign ang aking mga bituin nang sa gayo'y tuloy-tuloy ang kasiyahan.

Noong nakalipas na March 13, 2010 ay dalawang taon na sa blogosphere ang The Chook-minder's Quill. Hindi man lang ako nakapag-blow out; pero gagawin ko 'yan kahit na late na. Wish kong sana'y mabigyan pa ako ng good health- a sound mind and a healthy physique upang patuloy pa akong makakapagsulat dito sa aking blog na naging 'kaibigan' ko na for a couple of years now.

Matatapos na aking 1.5-hr break... Darating na ang mga manghuhuli ng aming mga manok in half an hour. 12:37am na ngayon dito sa South Australia. Pagod at puyat... pero ayos din, nang dahil sa pagiging abala, wala na akong panahong mag-isip tungkol sa mga bagay na malulungkot. Hahah!

Sabayan niyo ako, mag-celebrate tayo! U



.

10 comments:

animus said...

hi chookminder! God is good talaga! i'm so happy for you. cheers! :-)

Kosa said...

masaya din ako para sayo Doc!
sana eh tuloy tuloy n nga ito!

so, mananatili ka pa ng matagal dyan sa address na yan o bagong address din? ahhh.. sabagay nka POBox ka naman pala enoh?

Happy anniv na rin sa Chookminders!
sana eh dumami pa ang bilangin nating tao pareho!

BlogusVox said...

O, di ba, ito yung sinasabi ko sayo noon na basta nakikita kang "indispensable" ng company nyo, sila mismo ang aayos ng visa mo. Tyaga lang doc. Pasasa-an ba yan at ang lahat ng pangarap mo ay matutupad din.

Just stay "focused"! : )

lucas said...

The Alchemist was the first Coelho book i've read. And I remember that line. The Universe will conspire for us to realize our personal legends... you're a conspirator to that dream and i think youre doing a great job :)

Cheers!

A-Z-3-L said...

sana nga po patuloy nang maayos ang lahat para sayo...

kaya mo yan.. matinik lng talaga ang HACCP pero kaya yan.

bbelated happy anniversary sa chookminder's quill :)

bertN said...

I'm happy to know things are working well for you....makuha mo na sana yung permanent resident visa mo diyan para lalong tuloy ang ligaya mo. Cheers!!

Anonymous said...

Congratulations, RJ!

Unti-unti na ngang nag-i-sparkle ang buhay ni chookminder.

(And yes, write more stuffs like this. Ung puno ng hope! Huwag ka na munang magdrama. You know what they say about attracting energies...).

Ingat at tyaga-tyaga lang. Maraming bagay ang nakukuha sa pagtyatyaga.

Godbless.

Arvin U. de la Peña said...

good luck lagi sa iyo diyan..

pamatayhomesick said...

congrats pards!

tuloy tuloy ang awit ng puso mo...:)

Loida of the 2L3B's said...

RJ kahit pala on the spot ang pag-up-date mo, lalo pa ring nakaka engganyong basahin ang post mo. nakakatuwa at nakalipat ka na ng trabaho. sana andiyan kami ng family ko para natulungan ka naming mag-lipat. bale acquired skill na yata namin ang magpalipatlipat at gusto sana naming makatulong din sa iba kaso napakalayo naman ng down under..hehe.. nandito lang ate loida mo at laging nakikibalita kahit na nga di nakakasulat minsan. basta hihintayin ko ang litrato ng mga bago mong bahay hane.. ingat ka diyan. praying that you finally get your permanent residency..