Tuesday, March 23, 2010
Sparkling white...
Sa tingin ko'y kailangang magdiwang sapagkat matapos ang labintatlong araw na pamamahinga ng aking pluma, heto't sinisikap ko uling makagawa ng kahit maiksing post. First time itong gagawa ako ng post na hindi ko inisip ang aking isusulat habang namumulot ng mga 'hindi pinalad' na mga manok sa loob ng sheds... at first time ding magsulat akong diretso na rito sa posting page ng Blogger at siguradong hindi ko na ito mabibigyan ng kaunting style. Kung ano ang maiisip ko ngayon, 'yon ang magiging laman nito... 'yon bang parang nakikipagkwentuhan lang ako sa inyo ng mga updates tungkol sa hamak na magmamanok.
Sa nakalipas na sampung araw, masyado akong napagod sa nangyaring paglilipat ng work place, at sa nangyaring transition sapagkat inatasan ako ngayon ng trabahong mas mabigat ang responsibilidad. Sumuko kasi ang isa sa apat na mga farm managers ng kumpanya sapagkat napagod at nagsawa sa dami at napakamabusising requirements ng HACCP. Somehow, nag-aalangan at natatakot din sana akong tumanggap ng trabahong iniluwa ng iba sapagkat siguradong hindi ito madali. Kung hindi lang ako nangangailangan ng panibagong visa, honestly mas pipiliin ko ang dati kong work assignment; mas maraming oras para sa sarili, sa panood ng TV, sa pamamasyal at pagba-blog. ...sa bagay interim manager lang naman daw ako rito, kaya kapag may makita silang mas karapat-dapat kaysa sa akin, siguro balik na rin sa dati. For the sake of 'growth' in this country, okay na rin ito sa ngayon.
Bagong trabaho, bagong tirahan. Umalis na rin ako sa aking caravan- na naging silungan ko sa loob ng dalawang taon at dalawang buwan. At dahil weekdays (working days) nu'ng ako'y naglipat, isang tao lang ang tumulong sa paghakot ng aking mga gamit papunta rito sa bahay (na ipapakita ko sa inyo sa mga susunod kong posts). Kaya, pagod... Hindi rin kasi natapos ang paghahakot sa loob lang ng isang araw sapagkat sa umaga nagtatrabaho muna ako rito sa manukan, at 'pag tapos na ang mga mahahalagang gawain, saka ko ipinagpapatuloy ang paglilipat ng mga gamit. At isa pa, ute (pick-up) ang ginamit namin sa paghahakot, wala kasi kaming licence mag-drive ng sasakyang may hinihila (trailer/caravan) at ayaw ko na ring magbayad pa ng driver dahil medyo may kamahalan.
Of course pagkatapos magkahakot, kailangang mag-ayos. Whew! Sana ay wala na munang mangyayaring lipatan, after two years pwede na ulit kapag may hawak na akong mas magandang Australian visa.
Speaking... ang permanent resident visa na matagal ko nang hinahangad ay on the process na sa ngayon, nasa stage 2 of 3 na. Sinagot na rin ang matagal kong ipinagdadasal; bumait bigla ang employer nu'ng nakita at naramdaman nilang kailangan nila akong ilagay sa posisyong ito. Biglang inayos ang regional certification ng aking job/position at nagawa kaagad nila ang nomination/sponsorship documents para sa aking residency. Ako'y nananalangin na ma-grant naman sana ang visang ito sa akin.
Six days earlier, tinanong ako ng farm owner kung kumusta ako rito, sabi ko so far, so good. Nagsinungaling ako ng kaunti dahil sa totoo lang medyo nanibago ako sa dami ng aking pinapasang tungkulin sa ngayon, pero alam ko namang I'll get used to it... soon. Dinadagan ko pang bakit maghanap pa siya ng bagong manager gayong ako'y kilala na niya ng mahigit na dalawang taon.
"Absolutely," 'ika niya. "I'll be reviewing your package and see what I can do about it."
Hindi pumasok sa isip ko kung ano ang ibig niyang sabihin sa 'package' na 'yon hanggang sa noong nakalipas na pay day, napansin ko nalang nadagdagan ng 10% ang aking wages. o",) Natuwa ako siyempre. (Pero hindi ko kayang isulat ang aking naramdamang tuwa at saya, mas sanay kasi akong magsulat kapag malungkot ang tema; aaralin ko 'yan sa ngayon.)
It seems that the whole universe has been conspiring for me, kung si Paulo Coelho pa. Huwag naman sanang biglang ma-misalign ang aking mga bituin nang sa gayo'y tuloy-tuloy ang kasiyahan.
Noong nakalipas na March 13, 2010 ay dalawang taon na sa blogosphere ang The Chook-minder's Quill. Hindi man lang ako nakapag-blow out; pero gagawin ko 'yan kahit na late na. Wish kong sana'y mabigyan pa ako ng good health- a sound mind and a healthy physique upang patuloy pa akong makakapagsulat dito sa aking blog na naging 'kaibigan' ko na for a couple of years now.
Matatapos na aking 1.5-hr break... Darating na ang mga manghuhuli ng aming mga manok in half an hour. 12:37am na ngayon dito sa South Australia. Pagod at puyat... pero ayos din, nang dahil sa pagiging abala, wala na akong panahong mag-isip tungkol sa mga bagay na malulungkot. Hahah!
Sabayan niyo ako, mag-celebrate tayo! U
.
Wednesday, March 10, 2010
AUrora
Innes National Park, Yorke Peninsula, South Australia
I woke up this morning standing on the edge of a cliff, facing the ocean that promises growth and wealth in this continent. On the 15th of this month, there's no other choice but to dive and explore the depth of the water...
I woke up this morning standing on the edge of a cliff, facing the ocean that promises growth and wealth in this continent. On the 15th of this month, there's no other choice but to dive and explore the depth of the water...
I am not a good swimmer so I wish I could stay afloat in case the waves aren’t mild... as I hope that nasty sea creatures won’t get wild.
...praying and believing to find some pearls of success and happiness at the bottom end of this endeavour..
Subscribe to:
Posts (Atom)