...dito sa aking
blog, hindi ko pa 'to nagawa; ngayon lang. Ang magmamanok ay humihiling ng inyong mataimtim na panalangin.
Simula pa kahapon ay may namumuo nang pag-aalala sa aking isipan at kaba sa aking dibdib. Ito'y hindi dahil sa mga bampira ng pelikulang
New Moon na sinimulang ipalabas ngayong araw, kundi dahil sa
warning ng
Australian Bureau of Meteorology para sa lahat ng mga nakatira sa South Australia.
Sinasabing ang buong
state, lalung-lalo na ang mga nasa
agricultural areas, ay posibleng magkakaroon ng
catastrophic bushfire kahapon at ngayong araw. Kinansela ang pasok ng mga mag-aaral sa malawak na bahagi ng lalawigan, at seryoso ang babala ng mga estasyon ng radyo't telebisyon sa lahat ng taong nasa
fire danger zone, habang lubusan namang pinaghahanda ang mga empleyado at mga
volunteers ng
Country Fire Service at iba pang mga ahensiya ng pamahalaang may kaugnayan sa
health, safety and emergency services.
Ngayong umaga, tatlong beses ko nang narinig sa
weather reporter ang mga salitang '
good luck' para sa lahat ng mga taga-Timog Australia (kasama na ako rito). Magdadalawang linggo na kasi ang
heat wave sa lalawigan, at nakikinitang 43'C ang magiging temperatura sa lungsod ng Adelaide ngayon, samantalang
mid-40's to 47'C naman dito sa aking pinagtatrabahuan.
Napakatuyo ng kapaligiran, 13%
humidity ang pinakamababang naitala kahapon. Ngayong araw, natatanaw na magiging malakas raw (hinuhulaang 21-36
kms/hr) ang ihip ng tuyo at mainit na hanging manggagaling hilaga (gitnang bahagi ng kontinente) kung saan naroroon ang malawak na disyerto ng Australia.
Ipinaliwanag ng
Sunrise Weather (Channel 7) kung bakit posibleng magkakaroon ng
devastating bushfire ngayong araw:
The formation of dry lightning and thunderstorms.(by Seven's Sunrise Weather)illustrated by
RJ
Mamayang hapon o gabi, mataas ang tsansang magkakaroon ng pag-ambon, pagkidlat at pagkulog sa South Australia. Ngunit dahil sa napakatuyong air space ng lalawigan, biglang matutuyo o mawawala ang mga patak ng ulan habang ang mga ito'y nasa himpapawid, kaya maiiwang tatama sa kalupaan ang mga dry lightning at thunderstorms na siyang magiging sanhi ng malawakang sunog.
Sanay ako sa Pilipinas na nagkakaroon ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat at hindi naman ako natatakot. Ngunit noong nakaraang Pebrero, aking naranasan sa kauna-unahang pagkakataon ang bagsik ng mga matatalim na kidlat at napakalakas na kulog habang walang ulan- ito'y walang tigil sa loob ng 45 minuto hanggang isang oras! Hindi ito biro; at inaamin ko ako'y natakot ng husto!
Hindi ko na pahahabain pa ang
post kong ito... Narito ang mga nakuha kong larawan dito sa manukan
para maipakita sa inyo kung gaano katuyo ang aming kapaligiran.
Ang kalsada papasok sa manukan.
# 22 Pareora Rd., Port Wakefield, South Australia Wheat field surrounding the poultry farm. Harvestable wheat, a closer look... The awful scenery in the northeast of the poultry farm.We slashed the grasses as a compliance to the orders of the Wakefield Regional Council -one of the preventive measures against the invasion of the poisonous Australian brown snakes and fire. Hangad ng mga taga-
Australian Bureau of Meteorology na sana'y sa pagkakataong ito sila ay nagkamali sa kanilang inilabas na
forecast. Sana nga... sana.
Sa kabila ng lahat ng 'to, ako nama'y naniniwala nang may buong katatagan sa kapangyarihan ng pagdarasal.
Sabi ng mga Australians, "
Os-tral-ya iz a nAys pLAyz (
Australia is a nice place)!"
well, it's true. So, come and see!...there is no relevance, but the title of this post has been inspired by the story of Jesus and Zacchaeus in Luke 19:1-10.
.