Sunday, September 27, 2009

for the victims of Ondoy

Minamahal naming Ama, kami po ay muli na namang lumalapit sa Inyo bilang iisang sambayanan upang humingi ng sapat na dunong at lakas para harapin ang lahat ng mga pagsubok na dala ng kalamidad at trahedyang humahagupit sa aming bayan ngayon...

Nawa’y Inyo pong yakapin ang lahat ng mga mag-anak na nawalan ng tahanan, hanapbuhay at mga minamahal sa buhay upang kanilang patuloy na madarama ang Inyong tunay na pagmamahal sa gitna ng napakapait na karanasang ito...

Gabayan at tulungan Niyo po kaming mga mapapalad na nakaligtas mula sa bagyo at pagbaha na maipaabot ang anumang uri ng tulong sa lahat ng mga biktimang patuloy na nagdurusa at nangangailangan ng aming saklolo... habang kami nama’y taus-pusong nagpapasalamat sapagkat ipinadala Niyo ang napakarami naming mga kababayan, at mga dayuhang kusang-loob na lumapit at tumulong sa lahat ng mga ahensiyang lumilingap at kumakalinga sa mga kapatid naming kasalukuyang giniginaw, nagugutom at nauuhaw...

Patuloy Niyo rin po sanang patnubayan ang lahat ng aming mga pinuno sa pamahalaang lokal at nasyonal upang sila’y makapagplano ng wasto at makapagpasya ng tama nang sa gayo’y maisagawa ng lahat ng mga kasapi ng organisasyon ang tunay at nararapat para sa lahat ng mga Pilipinong nasalanta at kinapus-palad...

Kami po’y humihiling na sana’y buksan Niyo ang aming puso’t isipan nang sa gayo’y lubusan naming maunawaan ang tunay na mensaheng nais Niyong ipaabot sa amin- sa pamamagitan ng bagsik ni Bagyong Ondoy- upang kami’y magkaisa at tulung-tulong naming maisagawa ang lahat ng Inyong mga ninanais para sa aming bayan at kapaligiran...

...sa ngalan ni Hesu-Kristong aming Panginoon, SiYA NAWA.







Typhoon Ondoy Emergency Hotlines and Relief Operations:
click HERE.




.

Friday, September 25, 2009

Cherubim at Seraphim

Nais kong makatagpo at magkaroon ng karanasan mula sa isang tunay na anghel. Hangad ko kasing magpadala ng napakaraming mahahalagang mga mensahe doon sa Kanya, at gusto ko ring malaman ang Kanyang mga mensahe para sa akin.

Nakakita na ako ng mga anghel- ngunit 'yong mga anghel na likha ng mga pintor at iskultor. Mga anghel na babae, at mga anghel na lalake... suot ang kani-kanilang mahahabang puting damit, at kadalasan sila'y may mga malalaki at malalapad na mga pakpak.

Kapag nakakakita ako ng kumakalat na mga puting balahibo, naiisip kong malamang ay pakalat-kalat lamang ang mga anghel dito sa lupa... kahimanawaring ang mga puting balahibong 'yon ay nalagas mula sa kanilang mga pakpak at hindi lamang nanggaling sa aking mga alagang manok.

Nasaan kaya ang mga anghel sa mga panahong ito? Nandito pa kaya at kasa-kasama ko ang aking anghel dela guardia? O ako'y tuluyan na niyang iniwan matapos kong magawa ang napakaraming mga kasalanan?

Napakarami, at hindi raw kayang bilangin ang mga anghel! Sila raw ay mga espiritu, o di kaya'y maaaring mag-anyong isang napakaamo, kahali-halina at matabang bata. May mga anghel naman daw na mukhang-tao taglay ang mukhang animoy isang kidlat at mga bahagi ng katawang yari sa mga mamahaling bakal at bato. At may mga pagkakataon din daw na sila'y nakikita bilang isang nakasisilaw na liwanag! Ngunit hanggang ngayon, tila wala pa akong nakita o nakaharap na mga tulad nila.

Gusto kong magkaroon ng karanasan mula sa isang tunay na anghel. Pakiramdam ko kasi kailangan ko ng gabay, kalinga, panangga, at sapat na lakas upang matugunan at makayang harapin ang lahat ng mga hamon sa aking buhay. Kaya sana lahat ng mga anghel ay mabait, sana'y walang masasama.

Nasaan kaya ang mga tunay na anghel? Siguro'y abala sila sa kanilang pagpupuri doon sa kalangitan. Siguro'y maraming mga mananampalatayang kasalukuyang nakaratay sa banig ng karamdaman, nag-aagaw-buhay at kailangan na nilang sunduin. Siguro'y maraming mga tao ang higit na nangangailangan ng sapat na kalinga kaysa sa akin kaya wala silang panahon para magpakita sa isang karaniwang magmamanok na tulad ko.

Kung ikaw ay isang anghel, magpakilala ka sa akin.



.

Tuesday, September 22, 2009

My Prayer Upon a Star


Lord, please guide me on my journey today.

May you take me to my destination and then back home safely.

Please guide other drivers as well as the pedestrians; bless this car and bless our way so we could travel safe on the road.

Please send your Holy Spirit; extend your gentle, caring hands; and focus your sharp, watchful eyes on us.

This is my prayer, in Jesus name... Amen.


Toyota Starlet 1999...



You worry to much. It's just a phase everybody felt at your age. You'll experience that again when your past 40. Tawag nila dito "midlife crisis". Don't worry, you'll be okay.

Lumabas ka kasi at manligaw!! : )



Dahil napakahirap mag-commute dito sa napakalawak na bukirin ng Timog Australia, bumili ako ng segunda-manong sasakyan... Nais ko lang namang sundin ang payo sa akin ni G. Blogusvox.




.



Friday, September 11, 2009

Railway Transport

December 6, 2008
St. Kilda; Melbourne, AUST
RALIA





April 29, 2009
Singapore, SINGAPORE





August 17, 2009
Manila, PHILIPPINES






.

Saturday, September 5, 2009

The Chook-minder's QUEST


I am not unhappy; but I have observed that there are people who seem to look luckier and happier than me.
I have started to fear that I might have massive deficiencies or defects in life.


I'VE BEEN SPENDING MOST OF my existence in searching for the ultimate success and happiness. I have soared across the skies, swum the deepest the oceans, climbed the loftiest mountains and traversed the widest horizon but the greatest treasure I’ve been longing for is yet to be found.

I desperately wanted to discover the secret... the secret for a successful and a happier life. I have leafed through the pages of many published written works, and have browsed plenty of sites in the international electronic networks just to find the ‘magical key’ that will lead me to a euphoric life, but I haven’t...

Where can I locate the ‘treasure’? Is the answer hidden in a stack of our chick’s straw bedding, or is it mixed with the grains we’re feeding them? Is the ‘secret ingredient’ intertwined within the fibres of our chicken’s flesh, or simply suspended in the albumen of their eggs?

My quest continues; hopefully, not for a lifetime.




I would like to thank all my friends in the blogosphere who voted for my article ‘The Keynote...’- an official entry to the 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards.

Mabuhay ang PEBA!


.

Wednesday, September 2, 2009

Astig ang Blog ko!


S
a aking pagbabalik dito sa blogosphere, pagkatapos ng dalawang linggo kong bakasyon sa Pilipinas, nais kong tanggapin ang mga pagkilalang iginawad ng KaBlogs sa The Chook-minder’s Quill; at opisyal na pasalamatan ang mga taong nasa likod ng organisasyong ito.


Astig ang Blog Mo. Blog na nagpapakita ng kakaibang impormasyon at mga kwento.




Stunning Blog Award
. Blog na nagpapakita ng kahanga-hangang mga impormasyon at mga kwento.



...kina Mr. and Mrs. Thoughtskoto na nagtatag ng KaBlogs at nagsimula ng mga magagandang adhikain ng samahang ito, kay Lord CM na siyang namumuno sa ngayon, kay The Pope at sa mga pinuno ng KaBlogs na sumusuporta sa pamamahala ng grupo, maraming salamat sa inyo. Taus-pusong pasasalamat din ang aking ipinapaabot sa mga huradong naniwala sa kakayahan at husay ng The Chook-minder’s Quill.

Hindi madali para sa akin ang tumanggap ng mga pagkilala at karangalang ito sapagkat bukod sa naggagandahang mga badges na aking natanggap, ay ang hamong ipagpatuloy o di kaya'y pagbutihin pa ang aking pagsusulat dito sa aking blog. Gayunpaman, magsusumikap ang The Chook-minder’s Quill na patuloy na makapaghahatid ng kahanga-hangang mga impormasyon at kakaibang mga kwento para sa mga masugid at bago nitong mambabasa.

Makakaasa kayong hindi ko kayo bibiguin. Sisikapin kong gagawin ang lahat ng aking makakaya upang maging isang responsableng blogerong may paninindigan, mapagkakatiwalaan at may integridad... na nagsusulat ng mga kwentong naglilikha ng kapayapaan at ng mga usaping para sa ikabubuti ng nakararami.



Sa lahat ng mga sumuporta at nagtiwala sa aking official entry para sa 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat!

Mabuhay ang PEBA!



.