Tuesday, August 11, 2009

Sick

Anim na araw nang napakabigat at medyo sumasakit-sakit ang aking ulo. Nararamdaman ko ring punung-puno at medyo sumasakit-sakit ang aking magkabilang tenga. Hindi ako makakatingin ng matagal sa iisang bagay o anggulo dahil nagiging malabo ang aking paningin o 'di kaya'y inaantok at napapapikit ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong ito.

Ang sarap pisil-pisilin o 'di kaya'y masahe-in ang aking batok at balikat, sabay pahid ng mainit-init na liniment habang ginagalaw-galaw ng aking ulo pakaliwa at pakanan... Paulit-ulit... Ahhh!


Napakabigat ng aking buong katawan! Wala sana ako sa mood pumasok sa trabaho, pero kinakaya ko pa rin kasi alam kong kailangan ako sa manukan lalo ngayong chick arrival at placement dito sa farm.

Madalas akong uminom ng mainit na tsa for the past 2 weeks; palagi rin akong kumakain ng spicy bagoong guisado ng Ba_r_o Fi_st_ at ng bagoong Monamon at Balayan noong mga nakaraang araw. Ngayon, promise, hinto na muna.

Hindi na yata tumatalab ang 75mg Cinnarizine capsule once a day. Bukas, liliban muna ako sa trabaho at magpapakonsulta sa isang manggagamot sa bayan. Alam kong hindi na magandang ginagamot ko ang sarili ko.

Leave din muna ako rito sa The Chook-minder’s Quill. Pasens'ya na kung hindi na muna ako makakadalaw sa inyong mga blogs.







Kasalukuyang 9:15 n.g. rito sa South Australia; at sa poll ng PEBA, nakakuha na ng 194 votes ang The Keynote... ng The Chook-minder’s Quill. Sa lahat ng mga sumuporta at nagtiwala sa aking official entry para sa 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards, maraming salamat po sa inyong lahat!




.

23 comments:

A-Z-3-L said...

Get well soon Doc RJ...

Water theraphy at vitamins, baka makatulong.

Tsaka, kelangan mo rin siguro ng "lavish" dinner... hehehehehehe! (pakitago ng bill baka may mag-audit!)lolz!

Anonymous said...

Baka sa mata. O kaya nama'y tumaas ang cholesterol mo dahil sa kakakain ng bagoong. Tea I think is good so okay lang un.

O dala siguro yan ng pressure sa trabaho. O baka dahil nagpapalit ang panahon jan.

Oopps...d pala ako medical practitioner.

Take care of yourself, RJ. I think you badly need a rest. Or perhaps a three-day off to somewhere where there's no sight, sound or smell of manok.

Godbless.

lucas said...

nako magpagaling ka RJ. lam mo naman ngayon bawal magkasakit...hehe! mamimiss ka ng mga chicks mo. :P

---

nako hindi...fictional characters lang si poknat at yung girl sa damuhan na yun. but anyways, she was the inspiration behind those posts... :)

Chyng said...

chick-boy ka pala. *winks*

i like TEA too, ano flavor gusto mo? mine's chamomile.

2ngaw said...

Brod, palagay ko dahil sa tsaa yan...na try ko na yan uminom ng tsaa ng ilang araw, tapos bigla na lang halos araw araw masakit ang batok ko...try mo muna itigil ang tsa baka makatulong...

Pagaling ka brod..

darkhorse said...

tama yan Doc...pacheck up muna tayo...tc

RJ said...

pagaling ka pards. pahinga ka muna, hindi naman mauubos yang trabaho natin. kailangang bigyan din ng break ang katawan kung kinakailangan.

at nga pala, ipadala mo na lang dito yung mga bagoong mo kung hindi mo muna titirahin. hehehe.

mightydacz said...

pagaling ka doc....

The Pope said...

Get well soon Doc.

With prayers.

God bless.

abe mulong caracas said...

baka sobrang pagod lang yan sa trabaho bro...

anyway sige pahinga muna pero bumalik ka din pag ok na pakiramdam mo!

RJ said...

SA LAHAT
Maraming Salamat.



Ayan, pinalitan ko na ang PAMAGAT, malabo 'yong dati, eh.

Kosa said...

pagaling ka doc!
alam ko naman kung gaano ka kinakailangan ng trabaho mo.

kaya naman sa ngalan ng _____ kailangan mong gumaling.

poging (ilo)CANO said...

pagaling ka doc.

dapat ang doctor hindi nagkakasakit..

sa panahon ng crisis, bawal magkasakit baka madamay pa ang mga chicks...:)

Reena said...

Baka stress lang yan doc. Get some rest and hope you'll get well soon. :)

Btw, so cute chicks!!!

bertN said...

Please do not self medicate. Go see your doctor as soon as you possibly can, which is now! It may be nothing serious but why take chances? Baka kulang ka lang sa himas but let your doctor tell you so LOL. Take care of yourself because in the place where you are now, nobody else will.

BlogusVox said...

Mabuti yung magpakunsulta ka sa experto para matukoy at gumaling ka kaagad, doc. Mahirap magkasakit ng nag-iisa.

pamatayhomesick said...

tama doc rj mabuti narin at magpakunsulta...over work lang yan.

Anonymous said...

Hindi ko pa natignan yung ilang latest posts mo, pero di ba birthmonth mo ngayon? (o nakaraan na?) Pahinga at pagaling ka, RJ.

RJ said...

HOMEBODYHUBBY
Tama po kayo. Galing ng memory niyo, ah. Thirteen days nalang po birthday ko na. o",)

Ken said...

Advance Happy Birthday, and hope magaling ka na. We'll be praying for you. Don't wear yourselves ah. Eat fruits and be well.

AJ said...

the doc is sic en out :(

sana mga sisiw na lang ang maysakit, hehe..

naoverstress ka siguro.tama yan pahinga ka muna sa blogs. pero bawi ka ha..dami nagmamahal sayo eh.

RedLan said...

RJ, rest ka muna. Uso ngayon ang trangkaso. AKo ilang weeks rin ganyan. Tulog, pahinga at kain. Get well soon.

=supergulaman= said...

pahinga lang yan dok..aheks...ako nga medyo napahaba pahinga ko... aheks...ayan baik n ako ulit.. ;D