Bukas, August 16, 2009, uuwi ako sa Pilipinas. Confirmed na ang aking flight mula Adelaide patungong Singapore, subalit nasa waiting list pa rin ako sa nag-iisang flight mula Singapore papuntang Davao sa August 17. Pagdating ko bukas ng mga 5:40 ng hapon sa Singapore, magpapalista nalang ulit ako at maghihintay ng bakanteng upuan sa apat na mga flights patungong Manila kinabukasan. Adventure ito, sigurado.
Sa August 21 pa naman talaga sana ang aking original flight booking. Pagkalipas ng halos apat na buwang pagtatrabaho, napagpasyahan kong magbakasyon ulit sa aking minamahal na bansang Pilipinas upang ipagdiwang ang aking kaarawan, at para dumalo sa dalawang seremonya ng pag-iisang-dibdib - ng aking pinsan at ng aking kapatid.
Pero dahil sa aking dinaramdam simula pa noong nakaraang linggo, at matapos magpakunsulta sa isang manggagamot, iminungkahi sa aking kinakailangan kong magpahinga ng walong araw habang nakikipag-appointment sa isang physiotherapist. Nakatapos na ako ng isang session sa PT sa halagang Au$66.50, at kinakailangan ko pang bumalik ng dalawang beses bago tuluyang matapos ang pag-aayos ng aking batok at likod na siyang naging sanhi ng pagsakit ng aking ulo nitong mga nakaraang araw.
Naaprubahan naman ang aking sick leave, kaya napag-isip-isip kong doon ko nalang sa Davao ipagpapatuloy ang pagpapahilot, siguradong mas mura. Isang napakagandang pagkakataon din ito para sa mga mucus membranes sa loob ng aking ilong para humilom sapagkat ang mga ito'y kasalukuyang namamaga dahil sa allergy. Unofficially, nagsisimula na kasi ang spring season dito sa southern hemisphere kaya napakarami nang mga pollens (mula sa mga namumukadkad na canola at trigo; pati na rin ang mga pinong hibla at alikabok ng mga dayaming ginagamit namin sa loob ng manukan) ang tinatangay ng hangin. Dahil sa allegric rhinitis nagkaroon din ako ng eustachian tube dysfunction na siya palang naging dahilan ng pananakit ng aking magkabilang tenga.
Sa kabila nitong aking pinapangarap, natuklasan ko ngayong sa panahon ng mga mahahalagang okasyon, at ng mga kaganapang pampamilya, hindi-hindi ko pa rin maipagkakailang ang bansang Pilipinas ang siyang aking tunay at nag-iisang tahanan. At sa kabila nitong aking mga pisikal na karamdaman, napakabisang lunas pa rin ang pag-uwi sa sariling bayan.
Taus-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta at nagtiwala sa aking official entry para sa 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards!
Mabuhay ang PEBA!
.
26 comments:
Mas okay yan, dito ka na magpahinga at magcelebrate ng birthday mo. Advance happy birthday sa 26th. Happy trip!
Have a safe trip home!
Get well soon and a safe journey my friend.
Bagama't hindi mo nababanggit kung kailan ang iyong berdey, binabati kita sa iyong kaarawan, a happy, healthy and wealthy life.
God bless you.
REDLAN
Talagang binilang mo kung kailan ang birthday ko ah. Salamat, Red. U
CHRIS
Thanks! o",)
THE POPE
Ang ganda naman po ng sinabi niyo, "...happy, healthy ang wealthy life." Maraming Salamat po.
Ingat sa viaje RJ.
Happy birthday in advance.
Congrats sa brother mo at pinsan (kailan ka susunod?).
Finally, magpagaling na mabuti.
This is the first time na mabasa na ang solution for a tension headache is a PT massage. Kala ko pag hindi ka na tensed, mawawala rin sya ng kusa. Hmmm....
Basta ingat po and Godbless.
sige doc, ingats sa byahe at enjoy sa bakasyon....
iba talaga kapag madaming pera..hehe syempre importante nga naman na masaksihan ang mahahalagang okasyon na yun!
magpagaling ka doc, at aabangan namin ang kwento mo pagbalik mo.
sa yong pinapangarap, makukuha mo din yan!
maligayang pagbabalik! ;D
Dapat pala dok, nakabalot ka ng kasuotan na katulad sa "germ lab" pag nandyan ka sa trabaho mo. Masama pala sa kalusugan ang mga elementong na sa hangin sa paligid mo.
Have a nice vacation and a good rest.
uuwi ka na naman?
nakakadalawang uwi ka na.. ako eh sa 2011 pa ata makakauwe.
ingat po... at enjoy!
pagaling ka.
parang kakauwi mo lng doc. :) saya naman.. i hope you enjoy your trip back to home sweet home!!
ingat sa bakasyon, magpagaling ka lalo dun, and enjoy sa kasalan.
Thanks also for the info na hilot pala ang kelangan pag masakit ang ulo...kasi panay panay na lang sakit ng ulo ko. hehehe
Congrats din sa KABLOGS Awards mo.
Happy Trip Doc RJ!! Sana gumaling ka kaagad. Mahirap nga talagang magkasakit na malayo sa pamilya kaya pag uwi mo maghanap ka na rin ng mapapangasawa hehehe. Ako rin nagkaroon ng allergy sa mga pollen at dust kung kailan lumayo sa Pilipinas saka ako nagka allergy, kaya ingat ka lagi. Dapat laging nakamask at agapan mo na ng gamot kaagad. Ako nga sa sobrang lala ay niresetahan na ako ng steroid kaya ingat lagi Doc. Health is wealth.
Advance Happy Birthday na rin hehehe!
pagaling ka Doc! at wag mo kakalimutan pasalubong ko? :) hahaha...tc!
taga-Davao ka ba? Kung ganun, pareho tayo ng pinanggalingan. Hope the beautiful weather in Davao will help you feel better!
wow nice, good thing makakauwi ka ulit sa pilipinas .nice!
http://bestpinayblogever.blogspot.com/
better late than never...
by teh time na mabasa mo ito malamang nasa pinas ka na doc...
sige dito ka na lang paggaling at once na ok na ang pakiramdam mo, enjoy lang sa mga okasyong darating
oi siguro nasa pinas na si doc sa mga panahong ito...magpagaling ka doc and happy birthday....
magaling at magpagaling ka pards!
tama ka hilot lang ang katapat nyan.
Naks naman... Bakasyon engarnde for sure yan....
hehe :) Lets adventure! :)
get well soon....
o magaling ka na?
basta ingat po! at enjoy!
Happpy trip! Nasa Pinas ka na siguro now?
Have a great vacation Doc RJ.
And I wish you'll be well soon.
Happy birthday! I'll be a year older too next month.
Enjoy Pinas once again. :D
I bet you are already home by now. Siguro nawala na rin ang karamihan sa mga sakit na nararamdaman mo, if not, be sure to see your doctor, get a second opinion of what is actually ailing and go from there.
Have fun in your vacation and I hope you will be able to straighten out your health problem before you fly back to Australia.
dear doc rj, nakakalungkot naman minsan na lang ako makadaan sa blog mo tapos medyo di pa masaya news. hope and pray na maka-recover ka na soon. praying that coming home would make you feel better. praying for you doc, ate Loida
Medyo serious din pala yun naging karamdaman mo, buti nakauwi ka (uli) at nakapagbakasyon.
Binalikan ko ang reply mo sa comment ko sa nakaraang post -- ka-birthday mo pala ang Dad ko. :) E di sa Pinas ka nakapag-celebrate? Wow!
Post a Comment