Napakaganda ng Kangaroo Island!
Kasalukuyang ala-una ng madaling araw sa South Australia. Kararating ko lang galing sa Kangaroo Island; ako'y namasyal sapagkat walang laman ang mga chicken sheds ngayon (matapos ang halos isang buwang harvesting) kaya tatlong araw akong walang pasok sa trabaho.
Saka na ako magkukwento tungkol sa naganap na tour, sapagkat masyado akong apektado ngayon sa nangyari kaninang lunch time doon sa Vivonne Bay Bistro.
Masarap ang pagkain, tomato soup with a bread roll and butter, garden fresh and pasta salads, isang hiwang Australian-style roasted chicken at isang malaking Australian sausage. Maraming salamat sa Kangaroo Island Tours and Charters sa napakasarap na pagkain kanina.
Ngunit hindi tungkol sa pagkain ang aking kuwento ngayon.
Sa isang mesa doon sa bistro, sampu kaming nakaupo, siyempre hindi magkakakilala. May mag-asawang nasa retired age na, sila'y galing Canberra kasama ang kanilang dalawang kaibigang nagmula pa sa New Zealand. Napamakuwento at napakamausisa ni Lola, hindi niya halos maubos ang kanyang sopas at lumalamig na rin ang kanyang tinapay sapagkat tanong nang tanong sa aming lahat na nakapalibot sa mesa.
Una niyang napansin ang tatlong magkakabarkadang nasa kanyang kanan. Tinanong niya, "Where are you from?"
Ang isa ay taga-Hongkong, ang isa naman ay taga-Korea at ang isa ay nagmula pa sa Japan. Tinanong ni Lola kung anong ginagawa nila sa Australia. Sagot nila, "Our parents have sent us here to study in the University of Adelaide."
Ang isang 20 years old na binibining nagngangalang Agnieszka Koss na taga-Poland ang ngayon nama'y sumagot sa tanong ni Lola. "I am studying and at the same time working in my country, I am just visiting my uncle here in Adelaide for a month and be back to Warsaw soon."
"I've been in Australia for nine months now. I've been to Fiji and had also spent a month in New Zealand..." sabi naman nitong 21 years old na binatang taga-Denmark.
"Oh, that's good! So are you working as you go along?" ang tanong ng matanda sa Danish na si Phillip Andre Westh Olsen.
"Nah... no! I have no time for that. Just travelling..." sagot nito.
"And how about you, young man?" ang tanong ni Lola sa akin. (Natuwa akong kahit na thirty na ako, young pa rin ang tingin niya sa akin, o malabo lang siguro ang kanyang mga mata.)
"Uhmn... I'm working in a poultry farm in a small town called Port Wakefield, around 91 kilometers northwest of Adelaide." Ang sagot ko sa kanya.
"Ah! So you're a worker!"
"...and a tourist at the same time," ang mabilis kong sagot.
Nang dahil sa kuwentuhan kaninang pananghalian, nakita at naramdaman ko ang kasalukuyang kalagayan ng aking bansang Pilipinas.
I'll show you the photos taken from Kangaroo Island in my succeeding posts.
Ang bus na aming sinakyan galing Adelaide patungong Cape Jervis kung nasaan ang Sealion 2000 ferry. |
Kasalukuyang ala-una ng madaling araw sa South Australia. Kararating ko lang galing sa Kangaroo Island; ako'y namasyal sapagkat walang laman ang mga chicken sheds ngayon (matapos ang halos isang buwang harvesting) kaya tatlong araw akong walang pasok sa trabaho.
Saka na ako magkukwento tungkol sa naganap na tour, sapagkat masyado akong apektado ngayon sa nangyari kaninang lunch time doon sa Vivonne Bay Bistro.
Masarap ang pagkain, tomato soup with a bread roll and butter, garden fresh and pasta salads, isang hiwang Australian-style roasted chicken at isang malaking Australian sausage. Maraming salamat sa Kangaroo Island Tours and Charters sa napakasarap na pagkain kanina.
...the two-course lunch at the Vivonne Bay Bistro, Kangaroo Island, South Australia. |
Ngunit hindi tungkol sa pagkain ang aking kuwento ngayon.
Sa isang mesa doon sa bistro, sampu kaming nakaupo, siyempre hindi magkakakilala. May mag-asawang nasa retired age na, sila'y galing Canberra kasama ang kanilang dalawang kaibigang nagmula pa sa New Zealand. Napamakuwento at napakamausisa ni Lola, hindi niya halos maubos ang kanyang sopas at lumalamig na rin ang kanyang tinapay sapagkat tanong nang tanong sa aming lahat na nakapalibot sa mesa.
Una niyang napansin ang tatlong magkakabarkadang nasa kanyang kanan. Tinanong niya, "Where are you from?"
Ang isa ay taga-Hongkong, ang isa naman ay taga-Korea at ang isa ay nagmula pa sa Japan. Tinanong ni Lola kung anong ginagawa nila sa Australia. Sagot nila, "Our parents have sent us here to study in the University of Adelaide."
Ang hapag na nasa likuran ko kaninang lunch time sa Kangaroo Island. |
Ang isang 20 years old na binibining nagngangalang Agnieszka Koss na taga-Poland ang ngayon nama'y sumagot sa tanong ni Lola. "I am studying and at the same time working in my country, I am just visiting my uncle here in Adelaide for a month and be back to Warsaw soon."
"I've been in Australia for nine months now. I've been to Fiji and had also spent a month in New Zealand..." sabi naman nitong 21 years old na binatang taga-Denmark.
"Oh, that's good! So are you working as you go along?" ang tanong ng matanda sa Danish na si Phillip Andre Westh Olsen.
"Nah... no! I have no time for that. Just travelling..." sagot nito.
"And how about you, young man?" ang tanong ni Lola sa akin. (Natuwa akong kahit na thirty na ako, young pa rin ang tingin niya sa akin, o malabo lang siguro ang kanyang mga mata.)
"Uhmn... I'm working in a poultry farm in a small town called Port Wakefield, around 91 kilometers northwest of Adelaide." Ang sagot ko sa kanya.
"Ah! So you're a worker!"
"...and a tourist at the same time," ang mabilis kong sagot.
Nang dahil sa kuwentuhan kaninang pananghalian, nakita at naramdaman ko ang kasalukuyang kalagayan ng aking bansang Pilipinas.
I'll show you the photos taken from Kangaroo Island in my succeeding posts.
14 comments:
wow... anong food nila dyan?
ahhhhh.
ganyan talaga ang Pogi,
hindi nahahalata ang Edad.hehe
magaling palang Host si lola noh?
kung sa Puro Pinoy yan, malamang pataasan na ng ihi ang nagyari...hehe.
well I think you have nothing to worry about what they will think about you even if the lady said you're a worker, there is nothing wrong with it. we Filipinos must have high regards to ourselves for people to see that we are valuable and confident.
naks naman, pa-tour-tour na si Doc RJ, good for you para makahanap ka ng gf hehehe. Teka paano mo naman nalaman ang mga names nila? Mukhang nilista mo yata lahat kasi pati full name alam mo hehehe.
Wag mo na lang dibdibin ang sinabi ni lola baka ka lang tumanda eh bata pa naman ang pagkaalam sayo niya hehehe
Ang importante ang dignidad ng trabaho, hindi ang pagka"worker", sana naisip ni Lola yun.
doc RJ, hayaan mo na sila.. mas exciting ang life nating mga pinoy kesa sa mga iyon.. i bet ya.
Sinabi mo sana kay Lola na Vetmed ka at underpaid and an over qualified worker. You are not only better educated than most of them but you write very well in their language, too.
MARCOPAOLO
Sausage at roasted chicken, bro.
KOSA
Ikaw lang ang Pogi, bro. Hahah!
YELLOW BELLS
Hindi naman ako nag-worry sa pagiging worker ko, naisip ko lang kung bakit ang mga mamamayan ng ibang bansa ay pumupunta sa Australia para mag-aral, mamasyal ay maglagalag, ang mga Pilipino madalas nasa ibang bansa pra magtrabaho. Uhmn, naisip kong nahuhuli na talaga ang ating bansa kung ekonomiya ang pag-uusapan. Kung tutuusin mas marami pa sigurong likas na yaman ang Pilipinas compared sa Poland, Denmark, Hongkong, etc.
SARDONYX
Natumbok niyo po ang purpose ko sa pagtu-tour. Magaling talaga kayong manghuhula. o",)
Tinandaan ko ang names nila, pina-spell ko para madaling tandaan kaysa kung banggitin lang.
Dinibdib ko talaga, kaya nga nandito sa blog ko ang kwentong 'to. Pero nu'ng nabasa ko ang tungkol sa banana cue, nawala lahat. Hahah!
THE NOMADIC PINOY
Gusto ko 'yong sinabi mong 'dignity of labor'. Thumbs up, The Nomadic Pinoy!
LOIDA OT THE 2L3B'S
Sa tingin ko nga po mas exciting ang buhay natin, at stronger tayo sa kanila. Parang marami yatang cases ng depression o di kaya'y suicide sa mga bansa nila ano?
BERTN
Talagang napaka-witty niyo po. Hindi ko naisip kaagad 'yan kasi parang nalunod ako sa naging kwentuhan. Maraming salamat po sa inyong evaluation at rating sa akin, nakakatuwa. U
malalim, dumadaloy sa hangin.
ganun din ang aking naramdaman ng kasakukuyan ko namang binabasa ito.
May kwentuhan pa pala na naganap sa lunch time with different people in the world. Talagang in-interview kayo ni lola. Palangiti ka kaya mukha ka pa ring bata. Hahaha. Naalala ko tuloy yung online friend kung kano na nagbakasyon sa pinas na gusto matutong magtagalog. Tinuruan ng kaibigan. Noong tanong siya: What are you doin here in the Philippines.
Ang sagot:
k**tot, kain, tulog.
the old lady doesn't have an idea of how hardworking you are and dedicated to your craft. (your passion at what you do is so apparent in your blogging, doc rj).
so keep your head up and spirit high!
...on a lighter note, tama si bert, sana sinabi mo doktor ka sa pinas at kaya mong gumastos para sa travel, LOL! =) alam kaya ni lola kung gaano kahirap magkalisensya sa vetmed?
Napakahumble mong sumagot, RJ.
You should have said that you're a vet in a poultry farm in Port Wakefield.
Aminin man natin ang totoo, hindi lang tayong Pinoy ang judgmental when it comes to work profession. Halos lahat ng tao sa buong mundo. Hindi ko rin alam kung bakit we confine people to their kind of work -- or their work location -- or even their nationality.
Excited akong makita ang iba mo pang mga photos. (And yes, ginutom ako sa mga pagkain na binanggit mo).
ako nga young lady ang tawag sa kin nung dati kong amo na 42 years old lang e, tayo kasing mga pinoy e mukhang mga bata :)
ang baet baet ni lola!!! un na!!
Post a Comment