Thursday, April 22, 2010
Thursday, April 15, 2010
Turista
Napakaganda ng Kangaroo Island!
Kasalukuyang ala-una ng madaling araw sa South Australia. Kararating ko lang galing sa Kangaroo Island; ako'y namasyal sapagkat walang laman ang mga chicken sheds ngayon (matapos ang halos isang buwang harvesting) kaya tatlong araw akong walang pasok sa trabaho.
Saka na ako magkukwento tungkol sa naganap na tour, sapagkat masyado akong apektado ngayon sa nangyari kaninang lunch time doon sa Vivonne Bay Bistro.
Masarap ang pagkain, tomato soup with a bread roll and butter, garden fresh and pasta salads, isang hiwang Australian-style roasted chicken at isang malaking Australian sausage. Maraming salamat sa Kangaroo Island Tours and Charters sa napakasarap na pagkain kanina.
Ngunit hindi tungkol sa pagkain ang aking kuwento ngayon.
Sa isang mesa doon sa bistro, sampu kaming nakaupo, siyempre hindi magkakakilala. May mag-asawang nasa retired age na, sila'y galing Canberra kasama ang kanilang dalawang kaibigang nagmula pa sa New Zealand. Napamakuwento at napakamausisa ni Lola, hindi niya halos maubos ang kanyang sopas at lumalamig na rin ang kanyang tinapay sapagkat tanong nang tanong sa aming lahat na nakapalibot sa mesa.
Una niyang napansin ang tatlong magkakabarkadang nasa kanyang kanan. Tinanong niya, "Where are you from?"
Ang isa ay taga-Hongkong, ang isa naman ay taga-Korea at ang isa ay nagmula pa sa Japan. Tinanong ni Lola kung anong ginagawa nila sa Australia. Sagot nila, "Our parents have sent us here to study in the University of Adelaide."
Ang isang 20 years old na binibining nagngangalang Agnieszka Koss na taga-Poland ang ngayon nama'y sumagot sa tanong ni Lola. "I am studying and at the same time working in my country, I am just visiting my uncle here in Adelaide for a month and be back to Warsaw soon."
"I've been in Australia for nine months now. I've been to Fiji and had also spent a month in New Zealand..." sabi naman nitong 21 years old na binatang taga-Denmark.
"Oh, that's good! So are you working as you go along?" ang tanong ng matanda sa Danish na si Phillip Andre Westh Olsen.
"Nah... no! I have no time for that. Just travelling..." sagot nito.
"And how about you, young man?" ang tanong ni Lola sa akin. (Natuwa akong kahit na thirty na ako, young pa rin ang tingin niya sa akin, o malabo lang siguro ang kanyang mga mata.)
"Uhmn... I'm working in a poultry farm in a small town called Port Wakefield, around 91 kilometers northwest of Adelaide." Ang sagot ko sa kanya.
"Ah! So you're a worker!"
"...and a tourist at the same time," ang mabilis kong sagot.
Nang dahil sa kuwentuhan kaninang pananghalian, nakita at naramdaman ko ang kasalukuyang kalagayan ng aking bansang Pilipinas.
I'll show you the photos taken from Kangaroo Island in my succeeding posts.
Ang bus na aming sinakyan galing Adelaide patungong Cape Jervis kung nasaan ang Sealion 2000 ferry. |
Kasalukuyang ala-una ng madaling araw sa South Australia. Kararating ko lang galing sa Kangaroo Island; ako'y namasyal sapagkat walang laman ang mga chicken sheds ngayon (matapos ang halos isang buwang harvesting) kaya tatlong araw akong walang pasok sa trabaho.
Saka na ako magkukwento tungkol sa naganap na tour, sapagkat masyado akong apektado ngayon sa nangyari kaninang lunch time doon sa Vivonne Bay Bistro.
Masarap ang pagkain, tomato soup with a bread roll and butter, garden fresh and pasta salads, isang hiwang Australian-style roasted chicken at isang malaking Australian sausage. Maraming salamat sa Kangaroo Island Tours and Charters sa napakasarap na pagkain kanina.
...the two-course lunch at the Vivonne Bay Bistro, Kangaroo Island, South Australia. |
Ngunit hindi tungkol sa pagkain ang aking kuwento ngayon.
Sa isang mesa doon sa bistro, sampu kaming nakaupo, siyempre hindi magkakakilala. May mag-asawang nasa retired age na, sila'y galing Canberra kasama ang kanilang dalawang kaibigang nagmula pa sa New Zealand. Napamakuwento at napakamausisa ni Lola, hindi niya halos maubos ang kanyang sopas at lumalamig na rin ang kanyang tinapay sapagkat tanong nang tanong sa aming lahat na nakapalibot sa mesa.
Una niyang napansin ang tatlong magkakabarkadang nasa kanyang kanan. Tinanong niya, "Where are you from?"
Ang isa ay taga-Hongkong, ang isa naman ay taga-Korea at ang isa ay nagmula pa sa Japan. Tinanong ni Lola kung anong ginagawa nila sa Australia. Sagot nila, "Our parents have sent us here to study in the University of Adelaide."
Ang hapag na nasa likuran ko kaninang lunch time sa Kangaroo Island. |
Ang isang 20 years old na binibining nagngangalang Agnieszka Koss na taga-Poland ang ngayon nama'y sumagot sa tanong ni Lola. "I am studying and at the same time working in my country, I am just visiting my uncle here in Adelaide for a month and be back to Warsaw soon."
"I've been in Australia for nine months now. I've been to Fiji and had also spent a month in New Zealand..." sabi naman nitong 21 years old na binatang taga-Denmark.
"Oh, that's good! So are you working as you go along?" ang tanong ng matanda sa Danish na si Phillip Andre Westh Olsen.
"Nah... no! I have no time for that. Just travelling..." sagot nito.
"And how about you, young man?" ang tanong ni Lola sa akin. (Natuwa akong kahit na thirty na ako, young pa rin ang tingin niya sa akin, o malabo lang siguro ang kanyang mga mata.)
"Uhmn... I'm working in a poultry farm in a small town called Port Wakefield, around 91 kilometers northwest of Adelaide." Ang sagot ko sa kanya.
"Ah! So you're a worker!"
"...and a tourist at the same time," ang mabilis kong sagot.
Nang dahil sa kuwentuhan kaninang pananghalian, nakita at naramdaman ko ang kasalukuyang kalagayan ng aking bansang Pilipinas.
I'll show you the photos taken from Kangaroo Island in my succeeding posts.
Friday, April 2, 2010
the Aussie way
Olive twigs, not young coconut leaves.
Palm Sunday 2010 at St. Vincent de Paul
Port Wakefield, South Australia
Palm Sunday 2010 at St. Vincent de Paul
Port Wakefield, South Australia
Cadbury's chocolates in colourful foil wrappers.
...in preparation for the Easter Sunday 2010
Port Wakefield, South Australia
...in preparation for the Easter Sunday 2010
Port Wakefield, South Australia
Did you know that Australians would start greeting each other a 'Happy Easter!' as early as Holy Monday? I have, actually, received four Happy Easter greetings and have eaten five egg-shaped chocolates since the start of the Holy Week.
.
Subscribe to:
Posts (Atom)