Maraming salamat, kaibigang Kosa!
Kumusta po kayong lahat?
Umaasa akong matapos ng aking panandaliang pagkawala rito sa blogosperyo, hindi niyo pa rin ako nakakalimutan. Sana'y nakatatak pa rin sa inyong mga puso't isipang may isang magmamanok na nagngangalang RJ na siyang may hawak ng isa sa mga makapangyarihang Pluma rito sa blogosperyo. Hindi po ako naubusan ng tinta, at hindi rin po ako nawalan ng mga simpleng ideya...
Hindi po ako nakarating sa Hilagang Amerika... 'Yang suot kong T-shirt na 'yan ay regalo sa akin ni kaibigang Kosa na kasalukuyang nasa Canada. Kaya muli, ang post na ito ay isa na namang pasasalamat sa isang taong hindi ko pa nakita o nakilala ng personal ngunit nakaya niyang iparamdam sa akin ang kahulugan tinatawag na 'pagkakaibigan'. Maraming, maraming salamat kaibigang Kosa sa napakagandang T-shirt na ito! (Binuhusan mo pa 'ata 'to ng 10mL na pabango!)
Ako'y naging abala sa pagtanggap ng mga sisiw nitong mga nakaraang araw; sinabayan pa ito ng aking paghahanda para sa aking nalalapit na pagbabakasyon sa Pilipinas ngayong buwan (5-29 April 2009). Sunud-sunod ang mga responsibilidad na dumating sapagkat nakatakda sa akin ang paggawa ng mga plano at programa para sa nalalapit na muling pagtitipun-tipon ng aming angkan. Alam kong ang mga ito'y hindi sapat na dahilan upang isantabi ko muna ang pagba-blog ngunit sinisiguro ko sa inyong kailanma'y hinding-hindi ko kayo nakalimutan.
Nais ko talaga sanang magsulat ng aking mga nararamdaman at naiisip dito sa The Chook-minder’s Quill, at isasabay na rin pati ang pagdalaw sa inyong mga tahanan nitong mga nakaraang araw ngunit talagang hindi kinaya ng aking katawang-lupa. Whew!
Pagkatapos ng blog entry kong ito, hindi ko alam kung kailan ako muling makapag-update dito. Pero susubukan kong makasilip sa inyong mga blogs kapag magkakaroon ng pagkakataon sa airport; at kapag ako'y makarating na sa amin sa Mlang, Cotabato, maglalaan ako ng kahit na kaunting panahon para sa The Chook-minder’s Quill at sa inyong mga posts.
Sana'y huwag niyong kalimutan ang The Chook-minder’s Quill at huwag niyo po sana itong burahin sa inyong blogroll. Ako'y magbabalik; kitakits!
Ang HIPPOCAMPUS ang isang bahagi ng utak na siyang may direktang kaugnayan sa ating mga 'alaala'; kaya ito ang bahaging apektado sa mga taong mayroong Alzheimer's Disease.
Ang mga ibon, tulad ng manok, ay mayroon ding hippocampus; at napag-alamang mas malaki ang hippocampus at mas matalas ang memorya ng mga ibong nag-iipon at nag-iimbak ng kanilang pagkain (eg. 1, 2, 3) kaysa sa mga ibong hindi gumagawa nito (eg. manok).
32 comments:
Aba!!!Welcome Back!!!Based muna ako nyahahaha, ok basahin ko muna ah :D
Waaahhhh!!!bakit ikaw lang may damit?!!!KOSA!!!!Ako rin!!!! lolzzz
Maghihintay kami RJ, at sana maging masaya ang bakasyon mo :)
uy.. happy vacation Doc RJ.
wag ka magalala, bibisitahin ko pa rin ang bahay mo. Basta mag-enjoy ka sa pag-uwi mo. sulitin ang bawat oras...
ingat ka...
pakisabi kay Kosa may naiinggit na palaka sa Dubai... bakit kame walang T-shirt? :( kelangan ba talaga pumunta ng Australia para magkaT-shirt ng Canada?
toinks!
Welcome Back... Ganda ng shirt ah!
RJ! nabuhay kang muli! ahehe!
i have a similar shirt katulad niyan pero wala nung "EH!" hehehe!
nako sobrang busy mo yata ah..just keep in touch ayt?
God bless you!
wawawiwaw....ganda ng T-shirt amoy canada talga...amf..bibigyan din ba kami ni kosa? toinkz!...
ayus yan doc aga..buti ka pa magbabakasyon na....enjoy....
Uy, nawala ka ba? Hindi ko napansin. Uli-uli magtanong-tanong ka sa mga kasalubong mo para hindi ka maligaw. : )
Happy vacation, doc. Ako baka sa buwan ding ito.
enjoy your vacation dito lng kmi maghihintay sa yong pagbabalik..
ingat lagi & god bless....
ingats pagUwi kuya!
kuya, para kang di na babalik sa dami ng habilin.. or should i say matagal kang mawawala.. heheh
ingats pag uwi.. namimiss ko na sumakay ng plane.. heheh
^_^
goodluck pag-uwi, and happy reunion sa iyong pamilya! maganda ang T-shirt bagay sau! Akala ko kasi may harvest kaya nawala ka, whew, 3 days na lang. Ingat sa byahe, and spend your money wisely Doc RJ.
Welcome back Doc RJ. Matagaltagal rin ang abang ko sa desyerto para gumala ang manok ah... Minsa'y nakikita kong sumisilip-silip sa sugpuan.
Anyway, have a happy vacation and family reunion.
Cheers and Godspeed!
Wow swerte mo naman. A shirt from Canada. Ako tagal ko ng wish na kahit dried canadian leaf ay makatanggap ako mula sa Canada. Anyway, fit na fit sau. Congrats. Teka may nabasa ako nun, may pinadala ka rin sa kanya
Kung may panahon ka, kumuha ka naman ng mga litrato sa Mlang at ibang parte ng Cotabato. I spent several months each year for more than three years on field assignments there. I missed the place. Have a great vacation!
uuwi pala kayo d2 sa pilipinas doc. chocolate ko ha. hehehe! joke lang! kung 1st week or 2nd week ka uuwi d2, maaabutan mo ang mahal na araw. pero wag ka doc, parang di summer d2 kasi nag-uulan. yun bang panahon na di dapat e dumarating.
ingat po parati!
-rejie
so you're from cotabato? i was born in cotabato city!!! :) close na tayo. hahaha
hihintayin ka namin kapatid na Doc RJ, ..ienjoy mo ang paguwi mo alam naming maraming kwento kaming maririnig mula sa iyo..
uy canada, papunta n diyan ang aking kapatid at akoy iiwan na dito sa dubai pagkaraan ng 11 taon nyang pamamalagi d2..bait naman ni kosa, hmmm...mapadalhan ka nga rin ng dubai tshirt hehe..
ikumsta mo kami sa iyong pamilya at mga kaibigan :D
sige sige parekoy.. ienjoy ang pag-uwi ng pinas..lols
at ang tshirt na sobrang laki, ayus pala talaga ang size..
hehehe.. buti nalang pala, nauto mo ako..joke:Dpeace
wow! Kosa happy CAnada - pasalubong ko Canadian...lol tc
Doc APRIL fools day ko yun...tc
Hey Kapatid...ako man nagbabalik lol!
welcome back at na inggit daw ako dyan sa t-shirt bakit ako wala? :(
Dearest Doc RJ,
Glad to hear you'll be home soon. Mag-iingat ka pag-uwi and enjoy you vacation. Make the most of it and hope you can up-date us once in a while habang nandoon ka sa bayan nyo.. I hope you can take some photos of your area para kunwari nakarating na rin kami sa place nyo. See you later.. Nice shirt. Take care always.
Care, Tita Loida
Welcome back and happy trip na rin!! Hula ko mamimiss mo ang pagba blog at di ka makakatiis na hindi sumilip. Nakakainggit ka naman at mabibisita mo uli ang Pilipinas. Enjoy your vacation! Ingats.
Happy holidays my friend, I thought you have moved to Canada attending their iconic North American Beaver.
Bon Voyage, give your best quality time with your family and relatives.
Purihin ka kaibigan.
Ganun ba?
I hope mabilisan lamang ito!
WOW! Summer vacation? TC RJ!
Ingat sa init ng araw!
Wow, ang bait naman nya. Pinadalahan ka nya ng shirt! yey! :)
Wag ka mag alala. Nasa blog roll ko pa din ang blog mo kahit gano ka katagal mawala. Pero balik ka sana as soon as possible!
Ingat and good luck!
Maligayang pag-uwi. At regards sa pamilya sa Pinas.
R-18? Why, O, Why? hehehe!
i think nalilito sila if it's love or lust they're experiencing..ahehe.
thanks, RJ:)
ayos! pards...enjoy mo ang pagbakasyon!
hay doc oi doc enjoy ur vacation ung "born to be wild"show sa gma un pagnanonod ako nun sa pinoy tv naalala kita ksi ung vet doon ay parang ikaw dito ata sa blog mo nagkarron ng idea sila ng ganoong plabas lol hahanapin kita sa pinas lol nxt week pauwi na rin ako
kala ko nasa canada kana wala kana sa world of kangaroos hehehe
happy trip !!!
sana mae enjoy mo yang bakasyon mo.
naman! hindi ko buburahin sa roll ko ang blog add mo.
God bless...
Post a Comment