Monday, April 6, 2009

Dayuhan III

Flight SQ 268 Adelaide to Singapore


Room #97, Changi Airport Transient Hotel
.

Hindi naman dapat ako nandito, dapat ay nandu'n ako sa Paramount Hotel sa labas ng airport ngunit sa kasamaang-palad, hindi ako pinayagan ng Singapore immigration officer na lumabas mula sa gusaling ito. Malas talaga, hanggang Abril 30, 2009 nalang kasi ang validity nitong aking passport, at isa nga ito sa mga aasikasuhin ko pagdating ko sa Pilipinas.

Sa 23 oras at 35 minutong pamamalagi ko sa bansang ito (bago tuluyang lumipad patungong Manila, lulan ulit ng Singapore Airlines), binalak ko pa naman sanang dalawin ang Merlion... makapaghugas man lang sana ng kamay, makapag-swimming, o di kaya'y makapag-shower doon sa ibinubugang tubig ng kalahating leon-kalahating isdang istatwang 'yon. Pero wala talaga akong swerte, hindi pa pala ngayon ang katuparan ng aking munting pangarap na 'to...

Ayos lang, nasilip ko naman mula sa bintana ng eroplano ang napakaluntian at napakamayabong na lupain ng Singapore kanina. Whew! Sa totoo lang, naninibago talaga ako. Nanggaling kasi ako sa lugar na tinaguriang 'the driest state in the driest continent in the world' na walang ibang makikita kundi ang mga patay at tuyong damo, mga halamang may maraming tinik, kalbong mga burol, at ang mangilan-ngilan at payat na mga puno ng eucalyptus. Kahit na madalas sabihin ng mga taga-South Australia (na sanay sa arid type of climate) na hindi nila pinapangarap ang tumira sa isang napaka-humid at tropical na lugar dahil nanlalagkit daw sila sa pawis, para sa akin napakasarap pa rin talagang mamuhay sa isang lugar na maraming puno!


KUMAIN AKO SA Burger King kanina, medyo nagulat ako sa sukat ng fries! Kung ihahambing kasi sa mga piritong patatas ng Australia, parang toothpick nalang ang tingin ko sa mga 'yon. Mas malaki kasi ng tatlong beses ang mga pritong patatas ng Australia na mas gusto nilang tawaging 'chips', ngunit kilala naman bilang French fries sa Pilipinas, pati rin pala sa Singapore! Tinanong pa ako ng nagbabantay sa counter kanina kung gusto ko raw ng ketchup o chili sauce para sa aking cheeseburger combo. Wow! nasa Southeast Asia na nga talaga ako kasi hindi na barbecue sauce o tartare sauce ang ipinamimigay ng food chain.

Pagkatapos kong kumain, tumayo ako at iniligpit ang aking mga kinainan ngunit nagmamadaling lumapit ang isa sa mga crew at sinabing, "Just leave it there, Sir..." Whooohaw! Una, sa Australia pagkatapos kumain, kailangang iligpit ang sariling pinagkainan (kakaunti ang service crew dahil napakamahal ng labor cost), pangalawa hindi na ako sanay tawaging 'Sir', dahil kahit na may-ari nga ng kumpanya o di kaya'y operations manager ay tinatawag lang naming Simon o Denise! Walang Sir, walang Ma'am, pwede ngang 'mate' nalang.

Habang ako'y nag-iikot sa mga duty-free shops, nakarating ako sa isang tindahan ng mga sausages at iba pang mga meat preserves. Free taste daw, huhmn... Whew! Nagulat naman ang aking mga tastebuds dahil sa bawang, tamis at anghang na magkahalo! Papaano kasi, magdadalawamput-pitong buwan nang lasang paminta, mint, rosemary, at thyme na aking nakakaing mga sausages- na wala namang kalasa-lasa dahil nga saka nalang ito bubudburan ang asin kapag nasa plato at kakainin na ang mga ito.

[Bigla kong naalala, sa Singapore Airlines dinner, may inilagay nang kutsara para sa main menu! Para sa akin medyo mahirap pa ring kumain gamit ang knife and fork lang. Kapag gumamit kasi ako ng kutsara sa lunch room habang kinakain ko ang baon kong kanin at ulam, sabi ng mga Aussie workmates ko, dessert spoon daw 'yon... Whew!]

Hindi ko alam kung ano ang mga pagbabagong sasalubong at paninibagong mararamdaman ko pagdating ko sa Pilipinas. ['Yaan niyo, ikukwento ko ang mga ito sa inyo.] Baka ito na ang sinasabing, "Huwag maging dayuhan sa sariling bayan."




Buti nalang may free internet dito sa Changi Airport, nakapag-paskil ako ng bagong blog entry. Pero pagpasensiyahan niyo na po muna kung hindi ako makakadalaw sa inyong mga blogs. 'Pag magkaroon ako ng maraming panahon, magbabasa ako kung ano ang mga bago doon sa inyong tahanan. Hinahanap-hanap ko na rin ang inyong mga kwento.




5,411 kilometro ang layo ng Adelaide City sa Singapore; at nililipad ito ng eroplano sa tagal na 6 na oras at 35 minuto.


Naitalang ang pinakamahabang lipad ng isang manok ay 13 segundo lamang; at ang pinakamalayong narating nito ay 0.3015 kilometro lamang.

37 comments:

Loida of the 2L3B's said...

Dear Doc RJ,
Naku sayang di ka nakapasok sa Singapore.. Maganda dun kaso mas gaganda pa ba sa idea na makarating agad sa ating bansa? Wala di ba? Iba talaga ang sariling atin. Pero syang talaga sana naramdaman mo ang init ng Singapore. OO ang init dun. Pero ang ganda ni Merlion. Sana next time dito k naman sa Shenzhen maka pag stop over. Ingat ka lagi and hope you enjoy your stay in the Phils. Care, Tita Loida

mightydacz said...

yehey malapit na si doc sa pinas wow nakakapanibago pala talaga doc konting tiis na lang home sweet home ka na.sayang pala hindi mo nakita si merlion.

The Pope said...

Sayang di ka nakalabas ng Singapore Airport, di bale kaibigang RJ, by the time na mabasa mo ito tyak na nasa Pinas ka na hawak sa isang kamay ang malamig na SMB.... ooops sori Holy Week na pala hehehehe.

HAPPY HOLIDAYS/

Maus said...

hello doc
thanks for sharing your trip!
enjoy pinas..

Nebz said...

Yeheey! Totohanang bakasyon na talaga ito. At nasa Singapore ka pa lang pero interesting na ang post mo. Lalo na kapag nagsimula ka nang magliwaliw sa Pinas. Can't wait for your next posts!

Ganda ng Changi Airport no? Malinis tsaka very organisado. May free cinema din sa loob kung gusto mong manood muna ng sine. Cool db? (By the time mabasa mo ito, wala ka ng time para magsine).

Have a safe trip and regards to the family.

RJ said...

LOIDA OF THE 2L3B'S
Sayang nga po, pero susubukan kong makalabas ng airport pagbalik ko ng Australia sa 28April, sana may bago na akong passport that time. U


MIGHTYDACZ
Wala sa horoscope namin ni MerlionG magkita ngayong araw. Huhmn... Kailan pa kaya?! Kailan ka makakarating sa Pilipinas?


THE POPE
Hahaha! Nasa Singapore pa rin po ako... Nabasa ko na kaagad ang comment niyo. Uhaw na uhaw na nga po ako ng SMB, hindi na 'ko makapaghintay! o",)


MAUS
Salamat! U Dadalawin ko kayo kpag may sapat na akong panahon.


NEBZ
Wow! Salamat namang kahit napaka-simpleng post lang na ito ay exciting na para sa inyo. Natuwa naman ako. (,"o

Kapag may time po ako, mag-a-update po ako ng The Chook-minder's Quill, palagi. Sigurado dami akong maiku-kwento.

Maganda nga po. Bukod kasi sa airports ng mga Australian cities, Taipei at Singapore airports palang po ang nakita ko. Malamang hindi na nga po ako makakapanood ng sine dito sa Changi Airport.

Sigurado 'yan, ikukwento ko po talaga kayo sa aking mga kamag-anak- lahat kayong mga kaibigan ko rito sa blogospheryo. U

eMPi said...

Aba! uuwi ka pala doc? ingat ingat doc... :)

David Edward said...

kuya talagang dito ka nanibago eh no... ahahaha..
kami nanibago sa serving sa food sa US dati nung first time kaya kada kain namin sa labas, lagi kaming my "to-go". ahaha

enjoy ur vacation kuya!

^_^

Anonymous said...

Pauwi ka pala...
Ako nuon, hanggang airport lang din nung nag-connecting flight sa Hongkong. Sabagay four hours lang naman yata ang ipinaghintay ko nuon. Tama ka RJ, balita ko mas maraming magagandang mapupuntahan dyan sa Singapore.
God bless. Ingat sa byahe.

poging (ilo)CANO said...

wheee.....saya naman ng trip ng manok...parang gusto ko na rin umuwi....

happy vacation doc aga!

pasalubong naman jan......lolz...

2ngaw said...

Hala!!!Bakasyon ka na pala, wala pa Fried Chicken ko!!! lolzz

Sigurado Doc, dami mong kwento pagbalik...hintay ka nmin pre at sana maging masaya ang bakasyon mo..

A-Z-3-L said...

Enjoy Doc RJ...

Hihintayin namin ang mga kwentong bakasyon! kakainggit ka naman! ako gusto ko ng umuwe kaya lang ayaw ng pagkakataon.

Dahan dahan sa SMB!!! baka malunod ka!

Ken said...

Goodluck sa bakasyon! So kahit pala a few days ang nalalabi sa passport mo, pwede ka pang umuwi at magrenew? Hmmn, we're planning to go on vacation kasi this Sept and my passport will also expire that month. Nauna ka lang pala ng 6 months saken sa passport. hehehe Anyways, thanks a lot for posting about your travel. Im sure you're now home sweet home... Enjoy and God bless lagi!

Chubskulit Rose said...

Hi RJ, ouch that is not very nice hehehe... I got hard time enjoying our vacation because of my passport renewal, sobrang hassle..

If i were u bago ka magenjoy ng iyong bakasyon eh unahin mo muna DFA para di ka magkasakit ng ulo hehehe..

Sardonyx said...

Wow namiss mo kagad ang blog mo ha kaya kahit nasa airport nakapagpost pa rin.

Maninibago ka siguro sa klima at hangin pero syempre masarap pa rin ang makita mo ang mga kamag-anak mo.

Natawa naman ako sa sinabi mo about sa pagkain gamit ang kutsara, ako rin naiinis ako sa US pag binibigay lang ng restaurant ay fork, bakit ang mga intsik natatanggap nila na ang gamit nila ay chopstick samantalang tayo pinagtatawanan nila na gumamit ng spoon. Ang hirap kayang tinidorin ang kanin no?

Sige ingat na lang at sana next time magpost ka ng mga happenings nyo dyan at yun view ng lugar nyo gusto kong makita rin.

kcatwoman said...

hey.bakit uwi na sa philippines, end of contract or vacation lang.anyway, thanks at nakapagpuslit ka ng blog entry kahit airport lang. alam ko na magiging magandang comparisons mo, ahmmm ang kagandahan ng airport ng australia, singapore, at Pilipinas! that would be nice!

darkhorse said...

Doc - i feel for u...delikado yan expired na passport...lol may napanood akong "movie" ni Tom HAnks na ganyan...lol

sarap bumayahe - kinakabahan ako palagi kpag nsa Airport yun feeling na ano kaya meron sa sususnod na port...tapos kpag lapag ng air plane sa Pinas wow Pinas na nga kc mainit at humid na...lol pero exciting xempre!...tc!

NJ Abad said...

Ayyyaaaay! Malapit na...ilang oras na lang at Pinas ka na. One of the things that I hate in traveling is the long stop over but I'd rather have it than a short one that will jeopardize my flight for any delay in the previous legs of the trip...whew that is even worst because you'll never know if you can make it to the next leg or not... parang Amazing Race. I've been through that several times and the adrenalin just pumps up so high that you'll never enjoy the rest of your trip.

Biliba jud nako nimo dong oi...paspasa sab ka mo-blog unya complete with proof pa... proud to be born in Mlang!

Be blessed my friend!

lucas said...

ui, uuwi ka pala ng pinas?! cool. ingat ka. sayang hindi ka pinalabas sa singapore. maganda yung terminal nila dyan ah. nakita ko sa blog ni pusang gala dati..ahehehe!

ps: nagutom naman ako ng biglang pumasok ang usang fries at cheeseburger! waaaaaa! fave comfort foos ko yang mga yan..hehe!

RJ said...

first time kong magcomment dito, tukayo! welcome back nga pala sa pilipinas. tagal mo na palang wala. in 16 days naman, ako naman ang kailangang i-welcome. hehehe.

sa japan din, self service ang pagliligpit ng pinagkainan sa mga fast food chains. dun ko nga narealize na napaka-spoiled ng mga pinoy. may mga taga-ligpit pa ng pinagkainan.

chico said...

doc rj,
wat more can i say, just enjoy and savor the land of your ancenstors! hehehe, nothing compares to pinas kahit magulo, makalat at maraming snatchers. jejeje

ako malapit na rin..hindi umuwi, baka iuwi! na nakatali ang mga kamay...(nabaliw ba! jejeje)

chico said...

doc rj,
wat more can i say, just enjoy and savor the land of your ancenstors! hehehe, nothing compares to pinas kahit magulo, makalat at maraming snatchers. jejeje

ako malapit na rin..hindi umuwi, baka iuwi! na nakatali ang mga kamay...(nabaliw ba! jejeje)

Roland said...

andaming kwento!!! :D

saudi na yata ang "pinakatuyong" bansa sa balat ng lupa.
mataas din ang humidity level, pero mas gusto ko paren mamuhay doon.
bakit? kasi mababa ang crime rate.

ang french fries o chips ng burger king ang pinakamasarap sa lahat!
d2 nga, kahit yun lang order ko, solve na ko.

kahit sa pinas, ikaw na din ang magliligpit ng pinagkaininan mo sa burger king! hehe..

napa unprofessional naman kung hindi ka gagamit ng sir o mam.
sa saudi ayaw din nila nung ganun, so tinatawag ko na lang boss ko ng "mister" kasunod ng pangalan nya.
at least may respect pa din.

sinasanay ko na ren ang sarili ko sa pag gamit ng pork at knife.
naiilang kac ako pagkumakain kami sa resto o sa kahit sa mga handaang pinoy.
nagtitinginan yung iba pag gumagamit ako ng spoon.
ang aarte..

o sha, ang haba na nitong comment ko.
hehe, na miss ko kc itong blog mo he.
cge, ingats na lang dyan! :D

bertN said...

Dapat ngang asikasuhin mo yung passport mo dahil good lang pala hanggang sa katapusan ng buwan. You can potentially run into unexpected troubles. You never know what these travel, airport, immigration or other s.o.b. bureaucrats will do when you are traveling with a passport ready to expire. I as a general rule, I always make sure my passport is valid for at least 6 more months before I travel outside the country.

AJ said...

welcome back (dyan sa atin, hehe)

naku luv k talga ni pareng roland haba ng reply hehe.

syang doc, u missd sentosa, sana pala, ipinaadjust mo return flight.by that time renewed na passport mo..

i was there in the fine city last may 2000 and jan of this year..u sure love the luge and skycable in sentosa..anyways, lots of adventure await u sa sariling. i wish u enjoy ur stay..and that ul get refreshed ..our rgds to ur family n friends..

ps: i had a good time in changis free internet cafe..buti di ka sinita ng kasunod mo, kusng naglologout and pc don :D

abe mulong caracas said...

wow padating na si doc...

o baka dahil isang linggo akong nawala at hindi nakapagbasa eh nandito ka na by the time na mabasa mo ito hehehe

Tutubi said...

Maligayang pagbabakasyon.

Richard the Lionheart said...

Nice RJ! Ingat sa Biyahe!


Happy Easter!

KRIS JASPER said...

Yung friend ko the day of his flight nya nadiscover na expired na pala ng 6 months ang passport nya....

I hope na renew mo na ang passport mo

PaJAY said...

DOK aantayin ka raw ni Merlion...baksyon ka rin sa SIngapore....yakang yaka mo naman e...

aabangan ko ang kwento ng bakasyon mo Dok....

sulitin mo Dok!..Enjoy!...

lucas said...

pansin ko nga matagal ka na din hindi nakakapadpost...i guess your busy??? hmmm...

anyway, i hope you had a blasting holy week :)

Reena said...

thanks for the birthday greeting. i'll drop by again soon. no time to read yet.

Reena said...

tama ba ang basa ko? your layover in changi was 23 hours? ang tagal nun ah!

anyway, you're here in pinas pala. i hope you have a grand time visiting your family and friends.

happy easter!

NJ Abad said...

The silence in Mlang is so deafening! How's your vacation?

Got several awards for you. Please get it at the desert coast by the Red Sea.

Cheers!

Admin said...

Kelan balik mo sa blogging? Enjoy your vacation!

Nanaybelen said...

Ayyy. uuwi ka pala. By this time siguro sarap buhay ka ngayon sa pamilya mo.
Ingat Dok RJ. enjoy ka sa bakasyon.

RedLan said...

Kakatawa. Ngayon ko lang nabasa 'to. Kaya ngayon ko lang siya na=aapreciate at nalaman na umuwi at yung post sa itaas pagbasa ko (unako siyang nabasa) Sabi ko, bakit hindi mo nasabi na uuwi ka at you gonna leave davao na pala.

Marami akong natutunan na kwento o kaibahan sa post na 'to. Galing naman.