Wednesday, April 29, 2009

Wash up...

RR, RJ, and Bembem eating durian; Quezon Boulevard, Davao City.


I featured DURIAN- the most famous fruit in Davao City, Philippines in my previous entry entitled 'Warm-up'. Lord CM of the Dungeon has left a comment asking about the aphrodisiac property of the fruit...

Well, the traditional Chinese medicine says that durian has a warming property which causes excessive sweating when eaten. Southeast Asians, especially the Javanese (Indonesians) believe that this thorny tropical fruit possesses an aphrodisiac property! There is actually an Indonesian saying: When durian fruits fall, the sarongs come up.

In the 1960's, durian was discovered growing in the wild in Davao, Philippines. But this fruit is native to Brunei, Indonesia and Malaysia. No wonder, many Singaporeans call the Esplanade-Theatres on the Bay as 'The Durian'.


Esplanade-Theatres on the Bay, Singapore


Sardonyx, Kcatwoman, The Pope, and Mulong said that durian has a very distinctive foul odor! While Darkhorse asked in his comment in Warm-up if durian is really smelly. Yes, it is! But I love durian's pungent odor. So MarcoPaolo, even if durian smells like 'ehem', no worries...

...just gargle and wash your hands with water after eating!



The Merlion, Singapore...




Source: Wikipedia







Monday, April 27, 2009

'Warm-up'

DURIAN; Quezon Boulevard, Davao City


Malapit na akong bumalik dito sa blogosperyo... (Kahit hindi ko alam kung may babalikan pa ako; at kung nandyan pa kayo.)

Ako'y kasalukuyang nasa Davao International Airport; 3 hours delayed ang aming flight patungong Maynila. Kaya habang ako'y naghihintay ng free meal galing sa Cebu Pacific, naisipan kong magparamdam...

...at magpaamoy sa inyo.



Kitakits!

Monday, April 6, 2009

Dayuhan III

Flight SQ 268 Adelaide to Singapore


Room #97, Changi Airport Transient Hotel
.

Hindi naman dapat ako nandito, dapat ay nandu'n ako sa Paramount Hotel sa labas ng airport ngunit sa kasamaang-palad, hindi ako pinayagan ng Singapore immigration officer na lumabas mula sa gusaling ito. Malas talaga, hanggang Abril 30, 2009 nalang kasi ang validity nitong aking passport, at isa nga ito sa mga aasikasuhin ko pagdating ko sa Pilipinas.

Sa 23 oras at 35 minutong pamamalagi ko sa bansang ito (bago tuluyang lumipad patungong Manila, lulan ulit ng Singapore Airlines), binalak ko pa naman sanang dalawin ang Merlion... makapaghugas man lang sana ng kamay, makapag-swimming, o di kaya'y makapag-shower doon sa ibinubugang tubig ng kalahating leon-kalahating isdang istatwang 'yon. Pero wala talaga akong swerte, hindi pa pala ngayon ang katuparan ng aking munting pangarap na 'to...

Ayos lang, nasilip ko naman mula sa bintana ng eroplano ang napakaluntian at napakamayabong na lupain ng Singapore kanina. Whew! Sa totoo lang, naninibago talaga ako. Nanggaling kasi ako sa lugar na tinaguriang 'the driest state in the driest continent in the world' na walang ibang makikita kundi ang mga patay at tuyong damo, mga halamang may maraming tinik, kalbong mga burol, at ang mangilan-ngilan at payat na mga puno ng eucalyptus. Kahit na madalas sabihin ng mga taga-South Australia (na sanay sa arid type of climate) na hindi nila pinapangarap ang tumira sa isang napaka-humid at tropical na lugar dahil nanlalagkit daw sila sa pawis, para sa akin napakasarap pa rin talagang mamuhay sa isang lugar na maraming puno!


KUMAIN AKO SA Burger King kanina, medyo nagulat ako sa sukat ng fries! Kung ihahambing kasi sa mga piritong patatas ng Australia, parang toothpick nalang ang tingin ko sa mga 'yon. Mas malaki kasi ng tatlong beses ang mga pritong patatas ng Australia na mas gusto nilang tawaging 'chips', ngunit kilala naman bilang French fries sa Pilipinas, pati rin pala sa Singapore! Tinanong pa ako ng nagbabantay sa counter kanina kung gusto ko raw ng ketchup o chili sauce para sa aking cheeseburger combo. Wow! nasa Southeast Asia na nga talaga ako kasi hindi na barbecue sauce o tartare sauce ang ipinamimigay ng food chain.

Pagkatapos kong kumain, tumayo ako at iniligpit ang aking mga kinainan ngunit nagmamadaling lumapit ang isa sa mga crew at sinabing, "Just leave it there, Sir..." Whooohaw! Una, sa Australia pagkatapos kumain, kailangang iligpit ang sariling pinagkainan (kakaunti ang service crew dahil napakamahal ng labor cost), pangalawa hindi na ako sanay tawaging 'Sir', dahil kahit na may-ari nga ng kumpanya o di kaya'y operations manager ay tinatawag lang naming Simon o Denise! Walang Sir, walang Ma'am, pwede ngang 'mate' nalang.

Habang ako'y nag-iikot sa mga duty-free shops, nakarating ako sa isang tindahan ng mga sausages at iba pang mga meat preserves. Free taste daw, huhmn... Whew! Nagulat naman ang aking mga tastebuds dahil sa bawang, tamis at anghang na magkahalo! Papaano kasi, magdadalawamput-pitong buwan nang lasang paminta, mint, rosemary, at thyme na aking nakakaing mga sausages- na wala namang kalasa-lasa dahil nga saka nalang ito bubudburan ang asin kapag nasa plato at kakainin na ang mga ito.

[Bigla kong naalala, sa Singapore Airlines dinner, may inilagay nang kutsara para sa main menu! Para sa akin medyo mahirap pa ring kumain gamit ang knife and fork lang. Kapag gumamit kasi ako ng kutsara sa lunch room habang kinakain ko ang baon kong kanin at ulam, sabi ng mga Aussie workmates ko, dessert spoon daw 'yon... Whew!]

Hindi ko alam kung ano ang mga pagbabagong sasalubong at paninibagong mararamdaman ko pagdating ko sa Pilipinas. ['Yaan niyo, ikukwento ko ang mga ito sa inyo.] Baka ito na ang sinasabing, "Huwag maging dayuhan sa sariling bayan."




Buti nalang may free internet dito sa Changi Airport, nakapag-paskil ako ng bagong blog entry. Pero pagpasensiyahan niyo na po muna kung hindi ako makakadalaw sa inyong mga blogs. 'Pag magkaroon ako ng maraming panahon, magbabasa ako kung ano ang mga bago doon sa inyong tahanan. Hinahanap-hanap ko na rin ang inyong mga kwento.




5,411 kilometro ang layo ng Adelaide City sa Singapore; at nililipad ito ng eroplano sa tagal na 6 na oras at 35 minuto.


Naitalang ang pinakamahabang lipad ng isang manok ay 13 segundo lamang; at ang pinakamalayong narating nito ay 0.3015 kilometro lamang.

Thursday, April 2, 2009

Nagbabalik at Magbabalik

Maraming salamat, kaibigang Kosa!

K
umusta po kayong lahat?

Umaasa akong matapos ng aking panandaliang pagkawala rito sa blogosperyo, hindi niyo pa rin ako nakakalimutan. Sana'y nakatatak pa rin sa inyong mga puso't isipang may isang magmamanok na nagngangalang RJ na siyang may hawak ng isa sa mga makapangyarihang Pluma rito sa blogosperyo. Hindi po ako naubusan ng tinta, at hindi rin po ako nawalan ng mga simpleng ideya...

Hindi po ako nakarating sa Hilagang Amerika... 'Yang suot kong T-shirt na 'yan ay regalo sa akin ni kaibigang Kosa na kasalukuyang nasa Canada. Kaya muli, ang post na ito ay isa na namang pasasalamat sa isang taong hindi ko pa nakita o nakilala ng personal ngunit nakaya niyang iparamdam sa akin ang kahulugan tinatawag na 'pagkakaibigan'. Maraming, maraming salamat kaibigang Kosa sa napakagandang T-shirt na ito! (Binuhusan mo pa 'ata 'to ng 10mL na pabango!)


Ako'y naging abala sa pagtanggap ng mga sisiw nitong mga nakaraang araw; sinabayan pa ito ng aking paghahanda para sa aking nalalapit na pagbabakasyon sa Pilipinas ngayong buwan (5-29 April 2009). Sunud-sunod ang mga responsibilidad na dumating sapagkat nakatakda sa akin ang paggawa ng mga plano at programa para sa nalalapit na muling pagtitipun-tipon ng aming angkan. Alam kong ang mga ito'y hindi sapat na dahilan upang isantabi ko muna ang pagba-blog ngunit sinisiguro ko sa inyong kailanma'y hinding-hindi ko kayo nakalimutan.

Nais ko talaga sanang magsulat ng aking mga nararamdaman at naiisip dito sa The Chook-minder’s Quill, at isasabay na rin pati ang pagdalaw sa inyong mga tahanan nitong mga nakaraang araw ngunit talagang hindi kinaya ng aking katawang-lupa. Whew!

Pagkatapos ng blog entry kong ito, hindi ko alam kung kailan ako muling makapag-update dito. Pero susubukan kong makasilip sa inyong mga blogs kapag magkakaroon ng pagkakataon sa airport; at kapag ako'y makarating na sa amin sa Mlang, Cotabato, maglalaan ako ng kahit na kaunting panahon para sa The Chook-minder’s Quill at sa inyong mga posts.

Sana'y huwag niyong kalimutan ang The Chook-minder’s Quill at huwag niyo po sana itong burahin sa inyong blogroll. Ako'y magbabalik; kitakits!



Ang HIPPOCAMPUS ang isang bahagi ng utak na siyang may direktang kaugnayan sa ating mga 'alaala'; kaya ito ang bahaging apektado sa mga taong mayroong Alzheimer's Disease.

Ang mga ibon, tulad ng manok, ay mayroon ding hippocampus; at napag-alamang mas malaki ang hippocampus at mas matalas ang memorya ng mga ibong nag-iipon at nag-iimbak ng kanilang pagkain (eg. 1, 2, 3) kaysa sa mga ibong hindi gumagawa nito (eg. manok).