Thursday, July 23, 2009
TagumPIE
Paano kung ang papaitan walang halong apdo?
O 'di kaya'y ang adobo kung walang suka't toyo?
Masarap ba ang kalderetang walang anghang ang sarsa?
O 'di kaya'y ang tapang salat sa asin at paminta?
Sa paggawa ng ice-cream ang pangunahing sangkap ay asin-
kahit choco-frosting kailangang painitin, haluin;
Nakakatakam na leche flan, matagal pinasingawan!
Gulaman sa buko-pandan, nabuo nang pinakuluan.
Kung ang nais sa buhay, tagumPIE ay malasap,
'Di dapat magulat kung may pasakit at hirap,
Sa kabila ng lahat, tuwa't sarap ang katapat,
'Pag may t'yaga at sipag, tiyak may hain sa hapag!
----------
Sa lahat ng mga kaibigang sumuporta sa aking akdang The Keynote- na kalahok sa 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
25 comments:
napatula ka yata doc?
hehe
luto mo yan doc?
sarap naman!
paano ang prito, ang torta,ang prokchop,ang b-b-q kung wala si PAPA?
gagagutom! Doc pahingi...lol tc
nakakapg laway naman yang mga yan!
wow chicken and pie! ikaw nagluto?
hahaha, sa katagal tagal ko na dito, ngayon ko lang nalaman na tumutula ka rin pala Doc RJ! Galing, nakakagutom ang tula mo, pero maganda at conclusion. Even the golds and diamonds of this world will have to go through excruciating molding and refining to be so precious and expensive. So like us, and if we endure it(trials and challenges) well, God will exalt us on high.
angtsalapnamanyanDocRJ... hehehe!
hmmmm... parang na-inspired ka masyado at napagawa ka ng tula ah...
maganda...
at masarap yang nasa pektyur! penge!
nakakagutom naman ang post nato.. =)
talaga naman si doc, di lang masarap magluto, ang galing rin palang tumula..
Isa na namang di makklimutang obra galing sa nagiisang ikaw :D
inspired ba ito kay Jillian of my only you?..
tagumpie rin ang isang ito,..ginutom akong bigla :D MORE!
I remember eating kare-kare without the alamang. But that's a good poem ha?
Nagutom ako... Mabuti na lang at may Ube Macapuno cake akong na bake early on....
at may lechon paksiw sa fridge. so ok lang kahit tinease mo ako sa mga pinagsasabi mong food. LOL!
langya, kasalukuyan pa naman akong naghihintay ng uwian at nasasabik nang maghapunan, nakita ko pa tong nakahain sayo. lalong nagwelga mga bulate ko. hehehe.
galing ng tula. maganda ang aral.
Multi talented ka nga kaibigan, kakaiba ka, at maganda ang hatid na mensahe ng iyong tula.
Sarap naman ng mga pagkain na iyong nabanggit, nevertheless always remember that "failure is the condiment that gives success its flavor."
God bless you.
Your employer is lucky because he got a multi-talented you. Hindi lang vet med at magaling sumulat, makata pa pala. I don't know how much your employer is paying you but it is not enough.
You have a brighter future ahead of you. Tiyaga lang.
SA LAHAT
Maraming salamat sa pagdalaw! Hindi ko na kayo iisa-isahin lahat, busy kasi. 'Yong may mga tanong nalang muna ang sasagutin ko.
POGING ILOCANO
CHYNG
Hindi ko luto 'yan. Pagkain 'yan doon sa pinuntahan naming party, pINictureAN ko lang.
Chyng, maraming salamat sa pagdalaw rito sa The Chook-minder's Quill!
MR. THOUGHTSKOTO
Meron na rin akong nailagay na mga tula noon, pero hindi kasingganda ng mga gawa ni Azel.
Oo nga pala, naalala ko tuloy ang mga ginto at diyamanteng yan. o",)
GIE
Maraming salamat sa pagdalaw rito sa The Chook-minder's Quill!
AJ
Hindi ito inspired sa My Only You, parang hindi ko kasi gusto ang palabas na 'yon. Sorry.
THE POPE
Palagi niyo po talaga akong pinapangiti sa mga comments niyo. Thank you! Parang sa mga comments din ni BertN.
I like the thing that you said about 'failure' as a condiment! U
BERTN
Hahaha! Kung sana ang ginagawa namin sa loob ng mga sheds ay writing, masasabi ko talagang hindi enough ang bayad ng employer ko sa akin.
Pero iba kasi ang trabaho sa manukan, sa tingin ko sulit naman ang binabayad niya. Kung nais niyong malaman kung magkano, email niyo lang po ako, ri-replayAN ko kayo. o",)
Thank you sa palagi niyong pagdalaw rito sa The Chook-minder's Quill! Nabubuhayan ako ng loob kapag nababasa ko ang mga papuri niyo sa mga posts ko. U
sarapppppp!!!! naamoy ko kasi doc rj na may pinost kang food, hehehe.. you know by now that my family and i are self-proclaimed foodies.
at makata ka pa pala!!!
Hmmm...hindi masarap kung kulang sa rekado. Hindi rin masarap kung sobra sa spices o kaya nasobrahan sa pakulo, pasingaw at paghalo. True to your poetic words, parang buhay nga sya, RJ, dapat lahat timplado. May kaunting lungkot, saya, dusa, pasakit, ngiti, halakhak. At love.
It's past 10pm na here in Saudi and your photos definitely made me hungry (matutulog na lang, nagutom pa).
PS: Because you deserve it, RJ.
Nakakagutom naman ito!
Hindi ko gusto ang kaldereta na walang anghang factor.
ayun oh, yung ang hinihintayko, ang galing ni rj sa timpla ng pagsusulat at tula.
@nebz,
aba at pang award ang comment ah.ha haha.:)
Tslap naman... Hehe :)
I am back... Hehe :) Gala lang ulit!
Ito ang tulang hindi lang utak ang gagana. Pati sikmura ko'y kumakalam habang nagbabasa.
hi doc! ikaw nagluto ng lahat ng yan? :) kaka-kain ko lang, pero parang nagutom na ako ulit. btw, i like the title. hehe. sabi na nga ba tungkol sa food eh. :)
nahirapan akong basahin yung tula.. pero imperness.. natuwa ako ah! haha
Oh wow! I love these food and I missed them so much.
I enjoyed reading your post. May you have a blessed Sunday. :)
Post a Comment