Flight SQ 268 Adelaide to Singapore
Room #97, Changi Airport Transient Hotel.
Hindi naman dapat ako nandito, dapat ay nandu'n ako sa
Paramount Hotel sa labas ng
airport ngunit sa kasamaang-palad, hindi ako pinayagan ng Singapore
immigration officer na lumabas mula sa gusaling ito. Malas talaga, hanggang Abril 30, 2009 nalang kasi ang
validity nitong aking
passport, at isa nga ito sa mga aasikasuhin ko pagdating ko sa Pilipinas.
Sa 23 oras at 35 minutong pamamalagi ko sa bansang ito (bago tuluyang lumipad patungong Manila, lulan ulit ng
Singapore Airlines), binalak ko pa naman sanang dalawin ang
Merlion... makapaghugas man lang sana ng kamay, makapag-s
wimming, o di kaya'y makapag-
shower doon sa ibinubugang tubig ng kalahating leon-kalahating isdang istatwang 'yon. Pero wala talaga akong swerte, hindi pa pala ngayon ang katuparan ng aking munting pangarap na 'to...
Ayos lang, nasilip ko naman mula sa bintana ng eroplano ang napakaluntian at napakamayabong na lupain ng Singapore kanina. Whew! Sa totoo lang, naninibago talaga ako. Nanggaling kasi ako sa
lugar na tinaguriang '
the driest state in the driest continent in the world' na walang ibang makikita kundi ang mga patay at tuyong damo, mga halamang may maraming tinik, kalbong mga burol, at ang mangilan-ngilan at payat na mga puno ng
eucalyptus. Kahit na madalas sabihin ng mga taga-
South Australia (na sanay sa
arid type of climate) na hindi nila pinapangarap ang tumira sa isang napaka-
humid at
tropical na lugar dahil nanlalagkit daw sila sa pawis, para sa akin napakasarap pa rin talagang mamuhay sa isang lugar na maraming puno!
KUMAIN AKO SA
Burger King kanina, medyo nagulat ako sa sukat ng
fries! Kung ihahambing kasi sa mga piritong patatas ng Australia, parang
toothpick nalang ang tingin ko sa mga 'yon. Mas malaki kasi ng tatlong beses ang mga pritong patatas ng Australia na mas gusto nilang tawaging '
chips', ngunit kilala naman bilang
French fries sa Pilipinas, pati rin pala sa Singapore! Tinanong pa ako ng nagbabantay sa
counter kanina kung gusto ko raw ng
ketchup o
chili sauce para sa aking
cheeseburger combo. Wow! nasa
Southeast Asia na nga talaga ako kasi hindi na
barbecue sauce o
tartare sauce ang ipinamimigay ng
food chain.
Pagkatapos kong kumain, tumayo ako at iniligpit ang aking mga kinainan ngunit nagmamadaling lumapit ang isa sa mga
crew at sinabing, "
Just leave it there, Sir..." Whooohaw! Una, sa Australia pagkatapos kumain, kailangang iligpit ang sariling pinagkainan (kakaunti ang
service crew dahil napakamahal ng
labor cost), pangalawa hindi na ako sanay tawaging '
Sir', dahil kahit na may-ari nga ng kumpanya o di kaya'y
operations manager ay tinatawag lang naming Simon o Denise! Walang
Sir, walang
Ma'am, pwede ngang '
mate' nalang.
Habang ako'y nag-iikot sa mga
duty-free shops, nakarating ako sa isang tindahan ng mga
sausages at iba pang mga
meat preserves.
Free taste daw, huhmn... Whew! Nagulat naman ang aking mga
tastebuds dahil sa bawang, ta

mis at anghang na magkahalo! Papaano kasi, magdadalawamput-pitong buwan nang lasang paminta,
mint,
rosemary, at
thyme na aking nakakaing mga
sausages- na wala namang kalasa-lasa dahil nga saka nalang ito bubudburan ang asin kapag nasa plato at kakainin na ang mga ito.
[Bigla kong naalala, sa
Singapore Airlines dinner, may inilagay nang kutsara para sa
main menu! Para sa akin medyo mahirap pa ring kumain gamit ang
knife and
fork lang. Kapag gumamit kasi ako ng kutsara sa
lunch room habang kinakain ko ang baon kong kanin at ulam, sabi ng mga
Aussie workmates ko,
dessert spoon daw 'yon... Whew!]
Hindi ko alam kung ano ang mga pagbabagong sasalubong at paninibagong mararamdaman ko pagdating ko sa Pilipinas. ['Yaan niyo, ikukwento ko ang mga ito sa inyo.] Baka ito na ang sinasabing, "
Huwag maging dayuhan sa sariling bayan."
Buti nalang may free internet dito sa Changi Airport, nakapag-paskil ako ng bagong blog entry. Pero pagpasensiyahan niyo na po muna kung hindi ako makakadalaw sa inyong mga blogs. 'Pag magkaroon ako ng maraming panahon, magbabasa ako kung ano ang mga bago doon sa inyong tahanan. Hinahanap-hanap ko na rin ang inyong mga kwento.
5,411 kilometro ang layo ng Adelaide City sa Singapore; at nililipad ito ng eroplano sa tagal na 6 na oras at 35 minuto.
Naitalang ang pinakamahabang lipad ng isang manok ay 13 segundo lamang; at ang pinakamalayong narating nito ay 0.3015 kilometro lamang.