Saturday, February 6, 2010

The Heart of the World

The City Cross
Rundle Mall, Adelaide City, S.A.


Eight days from now, the world will be filled with countless heart-shaped sketches and objects... will be painted with exaggerated red colours... will be covered with legions of rose buds and petals... and will be sweetened with tons of confectioneries...

...but I haven’t written my article about love, yet! I couldn't find ways to gather the exact letters and words to highlight the upcoming celebration. Honestly, I have started to fear that I don’t have a heart inside my chest; I may have one but possibly, it’s just a hollow muscular organ that rhythmically contracts to pump blood to my body.

I don’t mean to write another gloomy post this time so please stop wrinkling the skin on your forehead and start feeling the beat your heart. Is it beating?

Now, kindly take a look at the world news headlines I’ve got from Yahoo while I was writing this post (05Feb.2010, 10:50pm):


Jesus’ message is very short and clear, “Love one another...*” And I believe Mohammed has said so.



-----
*John 13:34

.

Monday, February 1, 2010

Banaag

Kung kaninang umaga'y matiyaga niyang hinintay ang pagbubukang-liwayway mula sa bintana ng kanyang tirahan, ngayon nama'y nandito siya sa Liwasang Elder sa pampang ng Ilog Torrens ng Adelaide... nilalasap ang mga nalalabing panahon ng panandaliang kalayaan, at inaabangan ang paglubog ng bolang apoy doon sa kanluran.



Unti-unti nang nagiging banayad ang sinag ng araw, ngunit ayaw pa rin niyang tumayo at maglakad-lakad... Mas pinili niyang umupo sa lilim ng malaking puno katabi ang isang pulutong ng mga seagulls. Nararamdaman niyang tagos sa kanyang suot na 503 ang tusok ng matulis na dahon ng mga damo sa kanyang mga hita't binti. Marahang umihip at animo'y nangangagat sa kanyang pisngi ang maligamgam na simoy mula sa hilaga kaya siya'y napahanga sa malawak na damuhan sapagkat makalipas ang dalawang buwang tag-init ito'y nananatiling luntian.


Mula sa kanyang kinauupuan ay natatanaw n'ya ang mga malalaking itim na tagak at ang kawan ng mga itik na lumalangoy ng pasalungat sa agos ng ilog. Sa tabi ng nakadaong na bangka ay may isang pelicang matapos sandukin ng kanyang tuka ang, sa tingin niya'y, maliliit na isda mula sa tubig ay biglang lumipad palayong tila umiwas mula sa lente ng kanyang Power Shot A430.

...bigla niyang naitanong sa kanyang sarili kung bakit patuloy na dumadami ang mga ibong mailap sa pook na 'to, at kung saan kaya sila kumukuha ng sapat na ikabubuhay sa gitna ng maingay na lunsod gayong mahigpit namang ipinagbabawal sa mga namamasyal ang pagbibigay sa mga ito ng anumang makakain.


May mga taong nagbibisekleta, at mayroon ding naglalakad ng magkahawak-kamay sa sementadong pampang... At sa di kalayuan ay may mag-anak, na sa tingin niya'y tubong-Adelaide, na masayang nilalaro ang kanilang bunso habang paisa-isa at sama-samang pumupuwesto sa magarang gazebo para maglitratuhan.



Sa parkeng ito, nakatutuwang pagmasdan ang mga nagsasaya at ang mga dumadaan! Naisip niya tuloy kung tulad niya, sila'y nandito rin upang panandaliang makawala sa kani-kanilang mga hawla at pilit kinakalimutan ang mga hamon ng mundo habang nililibang ang sarili sa kaaya-ayang kapaligiran... kung sila'y nandito dala ang pag-asang matatagpuan ang inaasam na kaligayahan... o kung sila'y nandito upang siya'y imulat na ang buhay ay likas na puno ng kasiyahan at mga kagandahan.

Tulad ng kanyang Australian working visa na mawawalan na ng bisa 305 araw mula ngayon, malapit na ang takip-silim... Sa paglubog ng araw siguradong susunod ang karimlan... ang kadiliman ng kawalang-katiyakan.


Elder Park gazebo by night.
Adelaide, South Australia


.

Thursday, January 28, 2010

fair dinkum

(The Adelaide Central Market series, part 3 of 3.)


I know it's late, but I wanted to greet all Australians a Happy Australia Day!

January 26, 2010 is the 222th Australia Day, it marks the arrival of the First Fleet in Sydney Cove last 1788 with the British troop, headed by Capt. Arthur Phillip, raising a British flag as they proclaimed sovereignty in the newly-found land.

Don't worry, I won't be lecturing about the History of Australia in this post; forget about the dates and the personalities that I've mentioned above because, as promised, I will be taking you again to the Adelaide Central Market- the meat and seafood sections.

Have you noticed the yellow banner saying "BBQ a roo on OZ Day"?

In the Philippines a 'barbecue' is primarily a marinated meat fastened in a bamboo skewer (kebab) grilled over a flaming charcoal. In Australia (as well as in Britain) a barbecue is simply an unmarinated meat grilled fast in an hot metal plate powered by an LPG. It is the same as broiling in the USA and Canada.

'Roo' is a shortened term for a kangaroo or a kangaroo meat. So the yellow banner says, "grill a kangaroo meat on Australia Day!"


But before we proceed, just take a quick look on these lovely and colourful flowers in the Adelaide Central Market...


Have you noticed the word 'Special' on the price tag of this stargazer? It doesn't mean that this lily is the exceptional or the best, it means its current price has become lower than the regular price; Filipinos call it 'Sale!'


Back to the meat section...

"What would you like, a roo or a croc?"



Quail, pheasant, guinea fowl, duck, goose, etc....



Cosmopolitan Adelaide loves wild and exotic meat, as well.



...remember my post about cheese? Some shops sell both dairy and meat products.



The total length of the pig's large and small intestines are about 19-24 meters.



Spanish & Portugese, Turkish, and Italian products.


The first time I went to the Butcher Shop in Australia was in Millmerran, Queensland. I told the guy I wanted to buy 300grams of bEy-kon, he couldn't and didn't understand what I wanted until I pointed the thin strips of cured meat behind the glass! He then nodded and blurted out, "Ahhh, bAy-kon!"


The fresh meat...

"Stay behind the yellow lane!"




Finally, the seafood section of the Adelaide Central Market...



There's something in common with the South Australians, Australian permanent residents and temporary residents- they love tinapa!

This ends The Chook-minder's Quill's The Adelaide Central Market series.




Part I- Say Cheese
Part II- Come and Glow

.

Saturday, January 23, 2010

Eagle's eye

Hungry Jack's
Main North Road, Adelaide, South Australia
September 11, 2009; 11:04:24 AM




St. Francis Xavier's Cathedral
Wakefield St., Adelaide, South Australia
January 10, 2010; 11:00:48 AM





"Eagles have extremely keen eyesight which enables them to spot potential prey from a very long distance. This keen eyesight is primarily contributed by their extremely large pupils which ensure minimal diffraction (scattering) of the incoming light."




Monday, January 18, 2010

Monarchy: Economy?

I didn’t care about Prince William’s arrival in New Zealand yesterday, as well as his scheduled visit here in Australia tomorrow. But it doesn’t mean that I hate the monarchy...

It is The Prince’ first official overseas trip on behalf of Queen Elizabeth II— ...since yesterday my mind has been troubled in finding any direct or indirect effect of this event in the life of a foreigner who's working as a chook-minder in the monarchy of Australia. Perhaps, I care... but this doesn’t mean that I love the monarchy, either.


As an innocent boy being raised in a small village in Southern Philippines, I had the belief that the dominion of kingdoms, if they existed, has already ended many years ago... that those kings, queens, princes and princesses are only fictitious and are only present in the pages of fairytale books. Well, obviously I was wrong because they are factual and still exist until today.


I know that I need to read more to understand more about the British Throne, especially its absolute relevance in the Commonwealth Realm of the present day when every nation has its own government chief executive. A survey in New Zealand—a member of the Commonwealth of Nations has, somehow, surprised me. It says that in the recent years, around 40 per cent of the Kiwis voted to end their royal ties with Her Majesty and support the creation of a republic. Today, Australia’s Channel 7 is inviting the Aussies to participate in the poll tonight asking if this Land Down Under still needs monarchy. I can’t believe that these two developed nations have been considering to gain complete independence from the British Monarchy—whom, I believe, they owe a lot.

For me, there’s a thing called ‘British Magic’, and I believe in this magic... in its power to establish economically-stable nations such as Australia, Canada, and New Zealand! Just like the Philippines who bravely fought for independence from the Spanish, Japanese, and American rules, it is worthwhile to think about the ‘what if’s’ had South Africa and India dwelt under the British authority until today.

Singapore and Hong Kong are very fortunate! The two countries’ history was almost the same- while under the British Empire, both islands were occupied by the Japanese during World War II but the British regained their control after the war. These currently-wealthy cities didn’t fight through a bloody battle to achieve their independence from Britain, they waited for ages to gain their stability and used the war of words: Singapore outlined some policies that convinced the British; while Hong Kong, through the People’s Republic of China, initiated diplomatic negotiations. It is not destiny, it is the strategy.

Currently, according to the World Bank, Spain’s economy is the 9th largest worldwide, Japan is the 2nd largest (and 3rd from the United States of America and China when it comes to purchasing power), and USA is on the first place... and the Republic of the Philippines, well, I have no plans to consult Google.



Source: Wikipedia

Monday, January 11, 2010

Pita

Jollie by the River Torrens
Elder Park, Adelaide City, South Australia


Para kay Jollie...

...ang aking pinakamalapit na kaibigan dito sa Australia na binigyan ko ng kopya ng pinakapaborito kong akdang Desiderata- na nakadikit sa isang maliit na pirasong tabla,

...subalit ang nais ay ang Filipino version nito.

Sana'y magustuhan mo ang salin kong ito. Print mo nalang, bro.


Sa gitna ng maingay at matuling takbo ng buhay, maging mahinahon at palaging alalahaning may katiwasayang hatid ang katahimikan. Hangga’t maari, sa abot ng iyong makakaya, makibagay sa lahat ng tao.

Ihayag ng matahimik ngunit malinaw ang iyong mga paninindigan at pananaw, at makinig sa panig ng iba, ang kanilang mga kwento'y iyong igalang, kahit ang mga musmos o di kaya’y mangmang. Iwasan ang mga taong maingay at masalita, magagambala lamang nila ang iyong maayos na diwa.

Huwag ihalintulad o ihambing ang iyong sarili sa iba, maaari mo lamang matuklasan ang iyong mga kahinaan at tuluyang mawalan ng kabuluhan; sapagkat sa mundong ito may mga taong sadyang mas nakaaangat at mas mababa kaysa sa iyo.

Ikalugod ang iyong mga natamong tagumpay, at magalak sa iyong mga hangarin. Mahalin ang iyong hanapbuhay at ipag-imbot ang iyong pinag-aralan nang may kababaang-loob; sapagkat sa patuloy na pag-ikot ng gulong ng buhay ito’y mananatiling iyong pag-aari.

Maging maingat sa lahat ng mga bagay na iyong papasukin sapagkat ang mundo’y nababalot ng paglilinlang. Ngunit patuloy mong buksan ang iyong mga mata sa mga kabanalang nariyan; marami namang mga taong nagsusumikap gumawa ng kabutihan at kahit saan ay may nagpapamalas ng kabayanihan.

Magpakatotoo. At higit sa lahat, huwag magkunwaring kumakalinga o 'di kaya’y nagmamahal. Huwag mapagduda pagdating sa pag-ibig; sapagkat sa gitna ng kalamlaman o samaan ng loob, pilitin mo man itong lipulin ito’y parang damong paulit-ulit na sisibol.

Tanggapin ng maluwag ang mga pangaral ng nakaraan, habang maayos na isinusuko ang mga bagay ng kamusmusan sapagkat kasabay ng pag-inog ng panahon lumilipas din ang kabataan.

Pangalagaan at panatilihin ang kalakasan ng loob upang may panangga sa mga ‘di-inaasahang kasawian. Ngunit huwag pahirapan ang iyong sarili sa pag-iisip ng mga bagay na walang kabuluhan. Maraming mga pangamba ang nag-uugat sa kapagalan at kalungkutan.

Habang isinasagawa ang mga itinakdang panuntunan maging banayad sa iyong sarili. Ikaw ay katangi-tanging nilalang ng sansinukob, katulad ng mga puno sa kabukiran at mga tala sa kalangitan hawak mo rin ang karapatang ipamalas ang angking kagandahan at taglay na kinang. Malinaw man o hindi ang bagay na ito sa iyo- walang pag-aalinlangang ang sandaigdigan ay sadyang likas na puno ng kagilalasan.

Kaya maging malapit sa Maykapal, anoman ang pagkakakilala mo sa Kanya. At habang patuloy na nangangarap at nagsisikap sa gitna ng nakalilitong takbo ng buhay, panatilihin ang kaayusan ng iyong tunay na pagkatao. Sa kabila ng mga kasinungalingan, kapahamakan at kabiguan, siguradong mananatili ang likas na kariktan ng sanlibutan.

Mag-ingat at magalak. Sikaping maging maligaya.


-ni Max Ehrmann, 1920's



.

Friday, January 8, 2010

Fely

Ika-8 ng Enero 2010
Port Wakefield, S.A.
Australia


Mahal kong Fely,

Kumusta ka na?

Walong tulog nalang magtatatlong taon na ako rito sa Australia. Subalit pakiramdam ko wala pa ring nangyayari sa akin. Stale and still.

Simula noong taong 2007 pakiramdam ko ako'y naglalakad sa isang patag at baku-bakung kalsada ngunit ang mga pagsisikap na aking ginagawa habang naglalakbay ay tulad naman ng umaakyat sa isang napakatarik na bundok! Mahirap. Career-wise, akala ko noon kapag makarating ako rito, magiging pasulong pero hindi pala... Mali ako, dahil sa ngayon nag-regress na ako!

Kung hindi ako umalis after a year of working sa dati kong trabaho sa isang babuyan sa Queensland malamang naging permanent resident na rin ako ng bansang ito. Pero siguro, hindi talaga para sa akin 'yong trabaho, pati ang makuha ang residency ng ganu'n kabilis.

Very hopeful and positive
ako nu'ng nagsimula ako rito sa manukan. Kung hindi ko nakita itong trabahong ito, malamang magkasama na tayo diyan ngayon. Sabi nila, blessing na nandito ako, pero kapag nasa workplace at ini-execute ko na ang mga gawain pakiramdam ko ito ay isang curse!

Nagugulat lang kasi ako kapag nasa trabaho at malalaman kong kailangan kong magpalit o mag-ayos ng tumatagas na water pipe, magtanggal ng sirang motor, at makuryente habang nag-aayos ng naglolokong electrical control board! Hindi ko kasi narinig ang salitang 3/4" PVC TT coupling, thread at teflon sa Anatomy noon... absent siguro ako sa klase noong ini-lecture ang tungkol sa gearbox at ball bearing sa Pathology... bakit kasi wala akong na-encounter na vice grip at wrench noon sa Surgery! Nakakalito, kasi kung sa Microbiology gram negative bacteria stain red in Giemsa, ang wire at terminal na kulay pula ay positive naman sa Electronics!

Nakaya kong manatili ng dalawampu't-apat buwan sa manukang ito dahil sa pag-asang makakamit ko ang katuparan ng aking simpleng pangarap. Kinakaya ko dahil sa pangakong permanent residency (PR) pagkatapos ng dalawang taon. Subalit ngayong nakumpleto ko na ang kinakailangang panahon ng panunungkulan, tila tulog at manhid ang kinauukulan! Apat na araw na ang nakalipas nung ipinadala ko ang liham na nagri-request para sa aking PR nomination at sponsorship sa kumpanya pero hanggang ngayon wala pa ring tugon!

Very frustrating ang patakaran ng Australian Immigration, sa aking kasalukuyang posisyon sa trabaho, hindi maari ang independent PR application sapagkat hindi kasama sa critical occupation list ng bansa ang veterinarian at mga farm workers. Mas kailangan nila ng mga enhinyero, nars, at ang mga mahuhusay at bihasa sa kompyuter!

Very frustrating
din dahil takot ang mga employers na maging residente kaagad ang isang banyaga sapagkat maari na itong makahanap ng bagong mapapasukan at tuluyan na silang iwanan! Kaya kahit na nakumpleto na ang dalawang taong serbisyo, ngunit may bisa pa ang working visa at may natirang isa o dalawang taon pa ang kontrata, sorry nalang ang isang kawaning tulad ko- na umaasa ng agarang residency.

Nakakainip ang maghintay... 'di bale sanang maghintay kung talagang may paparating; masamang maghintay kung hindi darating ang hinihintay; at ang 'maghintay sa wala' ay ang pinakamasaklap na paghihintay!

Hangad ko ang Australian residency ngunit hindi ko alam kung kaya kong isagawa at panindigan ang lahat ng mga katungkulan at pananagutang kaakibat nito. Ayaw ko ring maging unfair, sapagkat alam kong ang residency na aking inaasam ay hindi dapat hanggang sa papel lang. Inaamin ko, hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko- Bb. Fely Pinas.


Nagmamahal,
RJ


.