Kung inaakala mong nalunod na ako sa baha dahil sa
malakas na bagyong tumama sa
Queensland, nagkakamali ka. Mas lalong hindi rin ako nilamon ng mga
malalakas na buwaya dahil bukod sa maagap na paglabas ng mga
babala ng Queensland Government, ako'y nandito naman sa isa sa mga lalawigang dalawang linggong tinamaan ng
heatwave. Hindi ko nga alam kung swerte pa rin akong nandito ako sa
South Australia dahil inilayo ako ng tadhana mula sa bagyo, baha, at buwaya sa
Queensland; at sa
lakas ng apoy na nagmumula sa mga
nasusunog na kagubatan at mga nayong nagaganap ngayon sa lalawigan ng
Victoria.
Hindi ko nga alam kung swerte nga akong nandito ako sa
South Australia kahit na kahapo'y halos dalawang oras umihip ang napakainit (
48'C) at napaka
lakas na hanging (humigit-kumulang 110
km./hr.) nagmumula sa malawak na disyerto ng
Northern Territory, na sinamahan pa ng napakapal na mga alikabok at mga buhangin!

Hindi ko rin alam kung swerte pa rin ako kahit kahapon ng umaga ako'y binangungot habang gising sapagkat inabutan ko ang gabundok (15 tonelada) na pakaing manok ( o
feeds) na natapon sa sahig ng manukan dahil naputol ang tubong nagdudugtong ng
feed silo sa mga
feed lines. Humanga rin ako sa
automatic auger at sa
32.2 ft./sec. sq. na
lakas ng hila ng
gravity dahil ang lahat ng mga patukang nasa loob ng imbakan ay nakaya nitong ihulog sa sahig ng manukan magdamag (oras nga lang siguro)!
Kaya kahapon, manu-mano kong pinakain ang 40,000 naming mga alagang manok sa
shed 5... Sandok, buhos, sandok, buhos, sandok, buhos... Mag-isa ko lang itong ginawa sapagkat kasalukuyang nagbabakasyon ang
farm manager at ang aking kasama rito'y naka
day-off naman. Natuwa naman ako kanina dahil kahit papaano'y tatlo na rin kaming nagtulung-tulong mag-sandok, buhos, sandok, buhos, sandok, buhos... Ito'y ginawa namin ng tatlong beses sa isang araw.
Kaya ngayo'y pagod na pagod ako. Sa tantiya ko sa makalawa pa mauubos ang mga natapong
feeds na 'yon. Pero dahil nga palagi mong sinasabi sa aking, "
Kaya mo 'yan!" ...kinakaya ko talaga. Maraming salamat sa 'yo.
Saka na po ang matinong
post. Sa ngayon, sabayan mo nalang muna akong kumain. Kain lang nang kain,
pampalakas at pampawala ng pagod.
Typical outback Australian 'steak & chips'.
(Chips - is a preferred term for a French-fried potatoes in Australia.)
Australian finger foods.
left- (crisp brown) coated fried chicken and pizza slices
right- chicken nuggets and meat balls
center- spring rolls (known as lumpia in the Philippines)
top- sausage rolls
below- meat pies
Our daily bread from our neighbor.Magbabalik po kaagad ang
The Chook-minder’s Quill... (Magpapahinga lang po ang magmamanok.) Abangan! *
CMQAustralian Map by:
test.ausmeat.com.au/.../austmap_index.html
Feeding System illustration by:
www.brockmfg.com/